TBOD 07

216 10 0
                                    

I blinked twice before looking around. White walls and the unfamiliar fragrance of the surrounding. Iginalaw ko ang mga kamay at napatigil nang may matigas na bagay ang nakakapit sa kaliwang kamay ko. Ibinaling ko ang ulo sa taong nakaupo sa gilid ko habang ang kanyang ulo ay nakayuko sa higaang hinihigaan ko.

Arnee

Gumalaw ang ulo niya at napunta sa direksyon ko. Gusto ko man hawakan ang mukha niya ay pinigilan ko ang sarili. Huminga ako ng malalim at ipinikit ulit ang mga mata.

I can not forgive you

Hindi ko na dapat pa balikan ang nakaraan, hindi ko na dapat pa alalahanin iyon pero hindi ko mapigilan balikan muli simula nang dumating siya. Habang inaalala ang mga iyon, patuloy na kumikirot ang puso ko. 

"Lynslay..."

Iminulat ko ang mga mata at tinitigan ang maamo niyang mukha. Nararamdaman kong gising na siya pero hindi pa binubuksan ang mga mata kaya iniwas ko na ang akin bago niya pa ako mahuli.

"Hindi naman ako matagal nakatulog?" Malumanay kong tanong at nakita sa gilid ng mata ang dahan-dahan niyang pag-upo ng maayos. Humikab siya at ginulo ang buhok.

"No, you slept for 16 hours." Banayad niyang sagot at kinuha ulit ang kamay ko para hawakan iyon. "How are you feeling?"

Pinakiramdaman ko ang sarili bago sumagot. "Maayos." Maiksi kong tugon. "Nasaan tayo?"

"Hospital, Larissa said. There are doctors, nurses, and medicines here." Aniya at malambot ang kamay na minasahe ang kamay ko. "Are you hungry?"

"Hindi," sagot ko at dahan-dahang umupo na inalalayan niya naman. "Nasaan sila Sweet?"

"They just leave for a moment." Sagot niya at tinitigan ako. "You look paler." Pagseryoso niya at pinisil ang kamay ko. Hihilahin ko na sana ulit iyon ng pigilan niya ako.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa at hindi ko na balak ulit pang magtanong. Nawawala na naman ang isip ko at nililipad kung saan. Natulala nalang ako at hinayaan siya sa ginagawa niyang pagmasahe sa'kin.

"Gakane, I'll avenge you." Seryoso niyang wika at tiningnan ulit ako. Nilingon ko siya at mapangasar na ngumisi.

"Walang pumipigil sa'yo." Malamig kong saad. "You're weak, Arnee. You are even weaker than a cockroach."

Dahil sa sinabi ko ay sumikip ang pagkakahawak niya sa akin at sumama ang tingin. "Naapektohan ka na naman ba? Totoo naman kasi." Dagdag ko.

"I'm not weak, Gakane. I'm just obeying you." Napaka seryoso niyang sagot na kinangisi ko lalo.

Bumukas ang pintuan at unang pumasok si Sweet kasunod si Larissa, Laurine, at Axalus. Napatitig ako sa maliit na asong hawak ni Axalus. Kulay puti ito at mabalbon.

"Garelle," nakangiting pagtawag ni Sweet at nilapitan ako. "How are you?"

"Good." Sagot ko na may pagtango. "Bakit may aso kayo?"

"Bawal nga ipasok 'yan dito eh." Saad ni Laurine at pumunta sa kanang bahagi ng kama para umupo. "Nakita namin sa kalsada tapos itinago sa bag ni Larissa."

Ipinakita naman sa akin ni Larissa ang malaking bag na hawak niya. "Napabali kami ng 'di oras." Natatawang aniya. "Nagugutom ka na ba? Gusto mo tubig?"

"Tubig." Sagot ko na kinatango niya at may kinuha sa plastic na bitbit ni Sweet. Iniabot niya sa akin ang bote at bubuksan ko na sana nang hablutin iyon ni Arnee at siya na ang nagbukas.

Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin pero agad ding iniwas ang mga mata.

Pagkatapos uminom ay tiningnan ko silang lahat na nagsi-upuan sa kaharap ng kama ko. Nakaupo sa dulo ng kama sina Sweet at Laurine habang sa sofa ay sina Axalus at Larissa. Nilalaro nila ang maliit na aso.

Thy Brink Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon