TBOD 13

197 10 2
                                    

// Garelle //

Napatigil ako at luminga-linga para makita kung saan nakita ni Sweet si Dyx. Nasa mapupuno kaming lugar kaya hindi ko alam kung saan niya nakita ang pigura ni Fetalino.

"Sweet!" Matinis na boses ang aming narinig at mga yabag na papunta sa direksyon namin. Nagpakita ang imahe ni Dyx galing sa kaliwang bahagi patakbo patungo kay Sweet. "My ghad! I miss your existence!"

<< Brief Info: Dyx Fetalino, 19 years old, from the Fourth Rich Family of Snakus Rich Family Group. Ability: Root Manipulator. >>

Sinalubong ng yakap ni Dyx si Sweet kaya nagulat ito. Pansin kong hindi marangya ang kanyang kasuotan. Nilapitan ko siya na may kunot sa noo dahil nagtatakang paano siya napunta rito.

Pagkahiwalay niya sa pagkakayakap kay Sweet ay nilingon niya ako at inirapan. "Buhay ka pa! Sabagay, hindi agad namamatay ang isang Garelle Kane." Aniya at mahinang hinampas ako sa balikat. "Welcome back!"

Tumango ako at sinuri siya kaya nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Bakit ka nandito?" Tanong ko pagkaangat ng mga mata para salubungin ang kanyang tingin. Kutob kong may nangyari sa akadamya pagkaalis namin.

"Hindi lang ako nandito, kasama ko si Jobo, Aurum, Sapphire, Glenson, at Krypt." Pagsagot niya at bumuntong hininga. "Pagkaalis n'yo ng akadamya, nagalit si Dharyx dahil nalaman niyang clone ang kanyang napatay. Hiniling niya kay Headmaster na gawin kaming katulong dito at makakaalis lang kapag pumasok ulit kami sa akadamya."

Nakaramdam ako ng awa para sa kanila. Malungkot siyang ngumiti hanggang sa magtubig ang kanyang mga mata.

"Garelle! I was afraid to go back to the academy!" Histerikal niya at kunyaring humagulgol. "Napaka sama ng budhi talaga niyang si Dharyx! Tatlong araw sa limang araw lang kami pinapakain tapos kung pahirapan kami akala mo ay hindi kami tao!" Pagsumbong niya at hindi napigilang yakapin ako. "Hindi ako sanay pero kinaya namin mabuhay! Ang hirap! Sobrang hirap ng aming naransan sa dalawang buwan na 'to!"

May isa pang buwan bago magbukas ang akadamya. Paniguradong maghihirap pa sila rito. Napatingin ako kay Sweet na malungkot ang mukha dahil sa narinig. Lumapit sa amin si Axalus at dinaluhan ang kaibigan.

"Nasaan sila?" Tanong ni Sweet. Bumitaw ng yakap sa akin si Dyx at pinunasan ang pisngi gamit ang mga palad.

"Nasa kastilyo, ginagawang hayop ni Dharyx. Ako lang ang pinalabas dahil inutusan akong bumili ng makakain niya." Masama ang loob niyang pahayag at napakuyom ang mga palad sa dibdib. "Gagantihan ko talaga 'yan kapag nanguna tayo sa ranggo."

Naramdaman kong may lumapit sa aking likod kaya napunta roon ang atensyon ni Fetalino. Nanlaki ang mga mata niya at unti-unting lumaki ang ngisi.

"Wow! May kakambal ka pala, Axalus? Ang gwapo!" Pagpapalit emosyon nito. "Hi! I'm Dyx Fetalino from 4th Rich Family, what's your name?"

Matagal bago sumagot si Arnee dahil naramdaman kong inalis niya sa aking ulo ang mga bumagsak na nyebe. Natiklop ni Dyx ang kanyang bibig dahil sa nakita.

"Arnee, Mr. Fetalino. It's nice to meet you." Malalim at seryosong pagpapakilala ni Arnee. "How are you?"

"Wow! Manly and handsome." Sambit ni Dyx na may hagikgik. "I'm not as good as good but good for you."

"Hi!" Biglaang pagsingit ni Arianna na tumabi sa akin at ipinalibot ang braso sa kaliwang braso ko. "I'm Arianna."

"Oh! Hi Arianna." Pagbalik bati ni Dyx. Natahimik ng saglit bago niya ibalik ang pansin sa akin. "Paano kayo nakapasok? Saan kayo galing? Delikado rito!"

Naging maduda ang kanyang pagtingin sa akin at sa mga kasama ko. "Alam n'yong malakas at alerto ang magic barrier kaya walang makakapasok agad dito pero paano kayo nakapasok?" Maduda, nagtataka, at hindi makapaniwalang pagtatanong niya.

Thy Brink Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon