Pagkauwi nila Larissa ay ibinigay agad sa aming ang mga pinamiling damit. Inabutan niya kami ng tig-dadalawang plastic at nang tingnan ko ang iilang damit ay maganda naman ang desinyo.
"Hindi ko alam ang sukat ng katawan mo kaya si Laurine na lang ang pumili." Saad ni Larissa habang pinagmamasdan si Axalus na tinitingnan ang itim na pantalon.
"It's fine, It looks fit on me," Aniya ng lalaki at ngumiti. Kita ko naman ang pamumula ng mukha ni Owenby na kinaangat ng gilid ng labi ko. "Salamat."
"W-walang anuman." Nahihiyang tugon ng dalaga at umalis na sa kwarto para iwan kaming tatlo.
Ibinaba ko ang plastic sa kandungan at tiningnan si Axalus na humarap sa amin. "Ayoko magkasala." Unang dalawang salitang sinabi niya na kinatawa ni Sweet. Napailing ako at ngumisi.
"She's turning 18 soon," nakangising saad ko. "You can... hmm.."
Namula ang mga tenga niya kaya natawa kami sa naging reaksyon niya.
"She's beautiful!" Mahinang sabi niya sa amin nang makalapit ng kaunti. "She looks like someone we know."
"Drivio?" Sabay namin ni Sweet.
"Yeah." Tango niya.
"They have the same gray eyes and a cute nose." Pahayag ni Sweet na sinang-ayunan namin.
"Excuse me." Pagsulpot ni Laurine. "Sorry to trouble you everyone, what you go to place?"
She's trying her best to speak English. Naiintindihan naman namin.
Ngumiti si Sweet at tumayo. "Pwede mo ba sa amin ituro ang banyo para makapagligo? Mamaya na namin sasagutin ang iyong tanong." Palakaibigan na saad ng babae.
"Okay, gurl. This way."
Nang makalabas na si Sweet dala ang plastic ng kanyang susuotin ay naiwan na kaming dalawa ni Axalus. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan.
"Hindi ka naman galit sa mukha ko?" Tanong niya na kinakunot ng noo ko nang hindi siya nililingon.
"Bakit naman ako magagalit?" Nagtataka kong tanong.
"Baka kasi nakikita mo sa mukha ko si Arnee." Aniya kaya tuluyan nang nagkasalubong ang kilay ko nang marinig ang pangalan ng nakatatanda niyang kapatid.
Hindi ako umimik dahil ayoko makapagsabi ng masama tungkol sa kanya.
Dumating si Larissa at natigilan ng makita ang pwesto namin ni Axalus. Napakurap ito at aalis na sana ng magsalita ako.
"Ano ang kailangan mo?"
Humarap ulit siya pero nakaiwas ang tingin sa akin. Pinisil naman ni Axalus ang kanang balikat ko kaya hinampas ko siya sa binti na kina-impit ng tili niya.
"I-Itatanong ko lang sana kung saan gusto niyo unang pumunta." Sagot niya habang inililibot ang paningin sa paligid.
"Maaari mo ba kaming ipasyal sa malapit na parke?" Pagtatanong ni Axalus at inalis na ang kanyang pagkakaakbay. Tiningnan siya ni Larissa at tumango.
"Anong gagawin sa parke?" Pagtaas kilay kong lingon sa kaibigan.
"Mamasyal." Sagot niya habang binababa-taas ang kilay.
"Sige, sa malapit na parke tayo pupunta." Nakangiting wika ng babae at tinapunan ako ng tingin. "Gusto n'yo rin ba kumain ng street foods?"
Pasimple akong napahinga ng malalim. Hindi ko talaga alam ang iba nilang sinasabi kaya sumang-ayon na lang kami ni Axalus.
Hinintay namin si Sweet bago ako sumunod. Ang katabing kwarto pala namin ay maliit na banyo. Pagsara ko ng pinto na gawa sa kahoy ay naibaba ang tingin ko sa isang timba at tabo. Binuksan ko na ang poso at nagsimula ng maghubad ng damit.
BINABASA MO ANG
Thy Brink Of Death
General FictionENCOUNTER SEASON #2 What could have led her to the brink of death? COMPLETED Tagalog-English Date Started: December 26, 2020 Ended: March 07, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)