Trigger Warning
Suminghot siya at agad pinaalis ang butil ng luha na lumandas sa pisngi niya.
I remained shock and unable to move my feet. Ramdam ko ang malakas na kalabog ng aking dibdib. Pilit kong pinapalakas ang tuhod kong nanginginig sa kaba at halo-halong emosyon. I can feel my hands trembling in goddamn nervousness. Ilang beses kong sinubukan na ibuka ang aking bibig upang magsalita ngunit wala akong mahagilap ni isang salita.
Did he just confess his feelings or I am just hallucinating? That's impossible!
"Prank ba 'yan? Nakakatawa, ah." I awkwardly laughed. Nang mapansin kong hindi siya natawa at natuwa man lamang sa sinabi ko ay unti-unting naglaho ang pekeng ngiti ko sa labi.
His face remained unreadable but his eyes were showing too many emotions. Umigting ang panga nito bago basain ang kaniyang pang-ibabang labi at suklayin ang itim niyang buhok gamit ang mga daliri. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-atras nang marahang humakbang ang mga paa niya papalapit sa akin.
Nahugot ko ang aking hininga nang maramdaman ang pagtama ng aking likod sa malamig na pader. My heart pumped wildly. Lalo na nang ipatong nito ang kamay niya sa pader, sa parteng ibabaw ng aking ulo. He cornered me and God knows how I took all my strength and courage just to push him away, but I couldn't.
Literal na kinakain ng matinding kaba ang lakas na mayroon ako. Hindi ko kayang tagalan ang mataman ngunit marahas niyang titig kaya pilit kong iniwas ang mga mata ko. Pakiramdam ko'y kaunti na lamang ay mahuhulog na ang aking panty.
Hindi ko na kaya. Baka kapag tinitigan ko pa siya nang mas matagal ay tuluyan na itong mahulog!
"Hindi mo ba alam kung ilang baldeng lakas ng loob ang inipon ko para magtapat sa 'yo tapos tatawanan mo lang ako, hmm?"
He lifted my chin up, pilit na pinagtatagpo ang mga mata namin. I did all my best to avert his gaze but he didn't let me.
"I-I. . ." I stuttered.
His manly chuckles filled my ears. "I?"
"I do?" naguguluhan at hindi siguradong tugon ko, dahilan para malaglag ang kaniyang panga bago bumunghalit ng napakalakas na tawa.
Umirap ako at sinubukan siyang itulak palayo ngunit mabilis niyang nahawakan ang aking mga kamay.
He bit his lower lip, stopping himself from laughing. Nagpumiglas ako sa hawak niya ngunit mas lalo lamang humigpit ang mainit niyang palad sa pagkakahawak niya rito.
"Seryoso ako, Shae," wika niya, "Ilang beses kong inakala na wala lang itong nararamdaman ko para sa 'yo. Ilang beses kong binalewala pero. . . tangina! Wala, eh. Habang tumatagal, lalong lumalala."
"P-Pero bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Because I'm afraid. . . I'm afraid that this feeling might ruin our friendship," nahihirapang tugon niya at nagpakawala ng isang pagak na tawa. "But now, I'm willing to take the risk. I'll risk everything. Bahala na kung anong mangyari. Basta ang mahalaga ay susugal ako, Shae."
"Susugal ako sa 'yo." dagdag pa niya.
We both stared at each other. He gently put my hands above his chiseled chest and I almost lost my balance when I felt his heartbeat pumping rapidly. I couldn't explain what exact feeling I'm feeling right now. Everything feels surreal. Hindi pa rin mag-sink-in sa utak ko ang lahat ng sinasabi niya ngunit habang tumatagal ay pabilis NA nang pabilis ang pagkalabog ng aking puso.
Natatakot akong kumurap dahil baka mamaya'y hindi naman pala ito totoo. Natatakot akong magtanong dahil baka mamaya ay binibiro lamang niya ako.
Lumalamlam ang mga mata niya nang pasadahan niya ng tingin ang buong mukha ko, tila kinakabisado at nang bumaba ito sa aking labi ay bahagya niyang itinabingi ang kaniyang ulo.
BINABASA MO ANG
Parting Our Equities (Accounting Series #3)
RomantikAccounting Series #3 (COMPLETED) Long Lasting Relationship = Openness - Lies We promised to each other that we will reach our same goals together, to become a CPA and to build our own business. Saksi ang mapayapa at maaliwalas na panggabing ulap sa...