Chapter 17

5.4K 194 27
                                    

We all go through the hardest times, in the hardest battles. And there was a day when you woke up with a heart that is full of joy. However, there are also days that you will wake up sad and feeling empty.

Minsan, sa sobrang bigat ng ating pinagdadaanan, hindi na natin alam kung kakayanin pa ba natin o isusuko na lang. Minsan mas gusto na lang nating takbuhan at bitiwan lahat para matapos na.

Well, that is how our life revolves.. Kahit anong takbo mo, kahit anong iwas mo, hangga't nabubuhay ka sa mundong ito, hahabulin at hahabulin ka ng mga problema. Nasa sa atin na iyon kung papaano natin haharapin at kung paano natin malalampasan.

God gives His hardest battles to his strongest soldiers. Challenges were not made to destroy you; it was made to strengthen you.

Masaya ako dahil unti-unti na akong nakakabangon. Unti-unti ko nang natatanggap ang lahat. Nasasaktan pa rin sa tuwing sumasagi sa aking isip ang kapatid. Malungkot, oo. . . pero hindi na kagaya ng dati na halos kainin ako ng guilt ko. Dahil payapa na ang aking puso at isip kapag naiisip kong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.

Kaya naman sa buong bakasyon ay wala akong ibang pinagkaabalahan kundi ang negosyo namin ni Kean. Maayos naman ang takbo ng negosyo namin dahil ginagabayan din kami ng mga magulang niya. Lucban Longganisa ang naisip naming negosyo.

Though, marami kaming kalaban sa ganoong klaseng negosyo ay sinubukan pa rin namin and luckily, it was successful. From two helpers, apat na sila ngayon. Mayroon din kaming dalawang taga-deliver at kung sobrang daming orders ay nagde-deliver na rin si Kean since may motor naman siya.

Last week, nag-try din kaming gumawa ng ibang flavors ng Longganisa. Ayaw namin mag-settle sa original flavor lang which is garlic. We worked hard for the innovation of our product and before our class started, i-re-release na namin siya sa market.

"Kumusta na 'yong negosyo niyo? K-Kailangan niyo ba ng tulong?"

Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape dahil sa tanong ni Mommy. It's been months since the last time we talked kaya sobrang nabigla talaga ako ngayon.

"N-No, maayos naman na po." I took a quick glance at her. Tipid at alanganin akong ngumiti nang magtama ang mga mata naming dalawa.

She heaved a deep sigh. Mula sa peripheral vision ay kita ko ang paglalakad nito papalapit sa akin.

Mas lalo pang naghurumentado ang dibdib ko nang hilahin nito ang bakanteng bangko sa aking tabi at doon marahang umupo.

I pursed my lips as I remained silent. Hindi ko na maalala kung kailan kami huling nagkalapit nang ganito. Nanginig ang sistema ko nang umangat ang kamay patungo sa aking ulo at masuyong sinuklay ang aking buhok.

"I'm proud of you. . ." she emotionally uttered, "Sobrang saya ko dahil nakita kong masaya ka sa kung ano mang ginagawa mo ngayon."

Kinagat ko ang aking labi nang maramdaman ang panginginig niyon. Ang sulok ng mga mata ko ay nagsisimula nang mag-init sa halu-halong emosyon na nararamdaman.

Maybe I'm not used to the words she'd said. Bilang na bilang sa sampung daliri kung ilang beses lang niyang sinabi ang mga katagang iyon. Noon ay palagi kong naririnig sa kaniya na 'dapat galingan mo pa' o 'mag-aral ka pa para ganito, ganiyan'.

She chuckled humorlessly, unreadable emotion was evident in her face. "Masiyado akong nagpadala sa standards ko. Natakot kasi ako, eh. Noon kasi madalas akong mahusgahan at makumpara ng magulang ko sa ibang tao. Hindi ako matalino, wala akong kahit anong talento, samantalang iyong mga kapatid ko, mga pinsan at maging mga kaibigan ko, pinagpala sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa katalinuhan."

Parting Our Equities (Accounting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon