Tama iyong sinabi ni Terrence. Nakakainis dahil aminado akong masiyado akong naging assuming na mayroong something sa amin ni Kean. For heaven's sake, Shaeynna! It was just a kiss! Ni wala ngang sinabi sa'yo iyong tao na gusto ka niya or whatever. . . ikaw lang 'tong gaga na nag-assume ng bongga.
Kung talaga mang gusto ako ni Kean, edi sana noon pa, hindi ba?
Ang buong semestral break ay inilaan ko lamang kasama ang pamilya ko. We celebrate our Christmas in Tagaytay at ang New Year naman ay sa bahay ng grandparents ko sa Sariaya, Quezon.
Ilang beses akong sinubukang puntahan ni Kean sa bahay ngunit panay naman ang tago at iwas ko. As much as possible, ayaw ko munang makita at makasama siya. Gusto ko munang magmove-on kahit papaano, kahit kaunti lamang. Gusto kong subukan na mabawasan kahit kaunti man lang iyong nararamdaman ko para sa kaniya pero alam ko namang malabo pa sa imposibleng mangyari iyon.
Kung noon ay isang text, tawag, or chat lamang niya sa akin sa tuwing kailangan niya 'ko ay agad akong susulpot sa harapan niya, ngayon ay hindi na. Pinipilit kong huwag nang maging marupok.
Jusko! Tama na siguro iyong ilang taon na palagi ko siyang inuuna sa kabila ng lahat ng mga ginagawa ko. Unti-unti ko nang tinatanggap na baka hanggang pagiging magkaibigan lamang talaga kaming dalawa. At isa pa, mayroon ding kumakalat na balita sa campus na nagkakamabutihan na raw sila noong ka-blockmates niyang si Sophia. Iyong nag-aya ng date sa kaniya.
Akala ko noong una ay pagbibigyan lamang niyong babae pero nitong sembreak ay nababalitaan kong madalas na silang magkasama at lumabas dalawa.
"Matutunaw na 'yang ice cream mo," ani Terrence kaya napabalik ako sa ulirat.
Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago ibinaba ang tingin sa ice cream kong unti-unti na ngang natutunaw. Kasalukyan kaming nakatambay dito sa plaza. Kakauwi lamang niya galing Pangasinan at dumiretso agad siya sa bahay para yayain akong gumala at kumain. Hindi naman na ako nakatanggi dahil inip na inip na rin naman ako sa bahay.
Tahimik kong nilantakan ang vanilla ice cream ko. Mula sa peripheral vision ay kita ko ang matamang titig sa akin ni Terrence. Mukha siyang shunga na natatawa at naiiling habang pinapanood akong kumain.
I frowned and smacked his arms. "Ano bang problema mo? Ba't mo 'ko pinagtatawanan, huh?"
"Wala naman. Ang cute mo lang kasi kumain," nakangising sagot niya at mayroong dinukot sa bulsa ng kaniyang brown na khaki short.
Umangat ang kamay nito at at napasinghap naman ako nang unti-unting dumampi ang hawak nitong panyo sa gilid ng labi ko.
"Ang kalat mo naman sumubo!" asik niya kaya bigla akong nasamid sa sarili kong laway.
Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa buong mukha ko kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Punyemas! Bakit pakiramdam ko ay double meaning iyon?
He bit his lip, suppressing his laugh. Tumingin ako sa hawak kong ice cream pabalik sa kaniya at nang magsalubong ang mga mata namin ay humagalpak siya ng tawa.
"Hala siya! Green minded ka, girl?"
"Bwisit ka talaga, Terrence!" Binato ko siya ng aking tsinelas nang tumakbo ito palayo sa akin.
Gabi na nang magdesisyon akong umuwi. Dumaan pa kasi kami sa bahay nina Terrence para manood ng isang movie. Mom knows him naman kaya hindi siya nag-aalala kung saan man ako magpunta. These past few weeks kasi ay si Terrence ang madalas kong kasama. Imbis na magmukmok sa bahay ay palagi niya akong dinadala kung saan para ma-divert naman ang atensyon ko sa ibang bagay. I didn't complain, though. He was a good friend to me. Masarap din siyang kasama kahit na may pagka-pilyo minsan.
BINABASA MO ANG
Parting Our Equities (Accounting Series #3)
RomanceAccounting Series #3 (COMPLETED) Long Lasting Relationship = Openness - Lies We promised to each other that we will reach our same goals together, to become a CPA and to build our own business. Saksi ang mapayapa at maaliwalas na panggabing ulap sa...