Hindi madali ang magsimula ulit. Napakabagal ng proseso at nakakainip. Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko kung kaya pa ba? O kung hanggang kailan pa kaya ako magiging ganito?
May mga pagkakataon na madalas ko pa ring mabanggit ang pangalan niya.
Kapag natatakot.
"Ah, ipis! Kean, may ipis! Bilisan mo! Patayin mo, please!" tili ko, ngunit agad ding natigilan nang mapansin ang nagtatakang tingin sa akin ng mga kasamahan ko sa kwarto.
"W-Who's Kean?" tanong ng isang babaeng foreigner.
Napaawang ang labi ko at mabilis na kumukarap-kurap. Natatawa naman si Tita Brenda habang naiiling sa akin.
"Uhm, t-the cockroach. I named him Kean. . . and I'm gonna kill him." Mabilis akong yumuko at pinagpapalo ng tsinelas ang kawawang ipis.
Kapag masaya.
"Minsan lang kita sa mga pasyalan dito. Minsan lang din kasi tayo hindi masiyadong abala sa trabaho," saad ni Tita habang kumakain kami sa isang sikat na restaurant.
Wala sa sarili akong tumango-tango habang ninanamnam ang pagkain. "Sayang nga, Tita, eh. Kung nandito si Kean, tiyak na magugustuhan niya—"
I stopped again when I realized it.
Tita Brenda chuckled. "Miss mo na? Okay lang, naiintindihan kita. Ganiyan talaga sa una. Nasanay ka, eh."
O kahit sa tuwing kinakabahan, nalulungkot, o nag-iisa. . . naiisip ko siya. . . hanggang sa natuto na ako at nakaya ko na.
Kung mayroon man akong napagtanto, iyon ay hindi naman pala mali na piliin muna ang pangarap kaysa pagmamahal. Hindi pala talunan ang tawag sa mga taong piniling palayain ang minamahal para sundin ang totoong ikakasaya ng puso. Akala ko noon nakakatakot ang pagiging mag-isa. Akala ko malungkot ngunit hindi pala.
Kapag mag-isa ka, roon mo mas makikilala ang sarili mo. Doon mo mas makikilala nang mas malalim kung ano ka, sino ka, kung anong kakayahan mo, at anong mga bagay na hindi mo kayang gawin nang mag-isa. At ang kasiyahan ay nakadepende lamang sa 'yo, sa sarili mo mismo. Na totoong masaya ring makakilala ng iba't ibang klase ng tao. Totoong malawak nga ang mundo, na hindi dapat iyon umiikot sa iisang tao lamang.
"Happy 27th birthday, Shaeynna!" My friends shouted in unison.
"Thank you," I said, feeling overwhelmed with their surprise party celebration for me.
Itinaas namin ang aming mga shot glass na may lamang alak at pinagbangga iyon. Mariin kong pinikit ang aking mga mata nang gumuhit ang init ng alak sa aking lalamunan. Sumabog ang malakas at buhay na buhay na musika at sinabayan ko iyon ng pag-indak ng aking baywang.
I feel so young and free tonight!
Sumayaw ako nang sumayaw hanggang sa lumalim na ang gabi at nakaramdam na ako ng pagod at pananakit ng paa. Bumalik ako sa couch at inabala na lamang ang sarili sa pag-inom ng alak at pakikipagkwentuhan sa mga kasamahan ko.
Sa totoo lamang ay wala akong balak na i-celebrate ang birthday ko kasama ang ibang tao. I didn't plan this party. Ang plano ko lang ay ang matulog pagkauwi galing sa trabaho. Hindi na ako interesado pa sa mga paggimik na ganiyan, kaso wala na akong nagawa kanina nang kaladkarin ako ng mga katrabaho ko papunta rito sa bar. Filipino o di kaya'y Fil-Am ang lahi ng mga kasama ko sa work na kalauna'y naging kaibigan ko na rin naman. Hindi ko rin naman sila puwedeng tanggihan dahil mismong si Tita Brenda ko na ang nagpumilit na sumama ako rito.
"You should get a boyfriend, Shaeynna. Ilang taon na lang, mawawala na ang edad mo sa bilang ng kalendaryo," ani Tita Brenda na sinang-ayun naman ng mga kasama ko.

BINABASA MO ANG
Parting Our Equities (Accounting Series #3)
RomanceAccounting Series #3 (COMPLETED) Long Lasting Relationship = Openness - Lies We promised to each other that we will reach our same goals together, to become a CPA and to build our own business. Saksi ang mapayapa at maaliwalas na panggabing ulap sa...