"Ginawa mo 'yon? Punyemas nakakahiya ka!" Inihilamos ni Trisha ang pareho niyang palad sa kaniyang mukha at hindi pa rin makapaniwalang tumitig sa akin.
"Teh kung totoo man 'yan, ako na ang nahihiya para sa 'yo. Jusko, ang rupok ha!" dagdag pa nitong si Eloisa na prenteng nakahiga sa kama ko.
Sarkastiko akong tumingin sa kanila at tumawa. "Wow! Coming from you pa talaga, ah? Eh, sino kaya 'tong umiiyak kagabi dahil magkaaway sila ng boyfriend niya? Panay pa ang hingi ng advice sa amin na kahit isa ay wala namang sinunod."
Napasimangot si Trisha. Dumakot siya sa kinakain niyang chips at ibinato iyon kay Eloisa.
"Oo nga naman! Isa ka pa! Pahingi-hingi ka pa ng advice! Ang sabi mo kagabi makikipag-break ka na tapos minention ka lang yata sa memes, biglang okay na. Nakakaloka ka,"
Eloisa made a face and rolled her eyes. Iyong chips na binato sa kaniya ni Trisha ay kinain niya.
"Excuse me! Okay na kami kasi nakapag-usap na kami nang maayos. At saka, ano naman kung marupok ako, eh jowa ko naman 'yon?" I glared at her when she pointed her finger at me. "Iyang si Shaeynna ang pagsabihan mo, Trish! Masiyadong nakakahiya ang mga pinaggagawa sa buhay!"
Napabuntong hininga na lamang ako at pabagsak na humiga sa tabi ni Eloisa. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko dahil sa tuwing naaalala ko ang nakakahiyang pangyayari iyon ay gustong-gusto kong sabunutan at i-untog ang aking ulo sa pader.
Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang mangyari iyon pero para sa akin ay parang kahapon lang ang lahat. Matapos noong gabing iyon ay hindi na muna ako nagparamdam kay Kean.
Panay ang pangungulit at panunuyo niya sa akin dahil sa pag-aakalang galit ako sa kaniya pero ang totoo kasi niyan ay hindi ko lamang alam kung paano ko siya haharapin. Gusto kong magpakain sa lupa sa labis na kahihiyan!
Ngayon lamang din ako nagkaroon ng lakas ng loob para i-kwento kina Trisha ang pangyayaring iyon at hindi na ako nabigla nang kahit sila mismo ay gusto rin akong tirisin dahil sa sobrang karupukan ko.
Kung sila nga na pinagkwentuhan ko lamang ay labis nang nahiya sa ginawa ko. . . paano pa kaya ako na mismong gumawa ng kalokohan na iyon?
Supposed to be ay mag-re-review kami nina Trisha at Eloisa kaya nag-decide kaming mag-sleepover dito bahay but it turned out na puro chika at kabaliwan lamang ang nagawa namin. Muntik pa kaming ma-late sa klase kinabukasan dahil nakalimutan naming mag-set ng alarm. Buti na lamang ay early bird si Eloisa kaya siya ang gumising sa amin.
"How's your study, Shaeynna?" tanong ni Daddy habang kumakain kami ng breakfast.
Si Mommy naman ay nakaupo sa gilid niya sa bandang kanan. Katabi niya ang kapatid kong si Sharina na tahimik lang na kumakain at nakikinig sa usapan namin. Ako naman ay sa kaliwa at katabi ko sina Trisha at Eloisa na tahimik ngunit nakikiramdam.
"Doing fine, Dad," I simply answered.
Mom stopped on her track and glanced at me while raising her eyebrows. "Fine lang, anak? You should be doing your best, Ynna. Hindi puwede sa akin iyong fine lang."
"Let her, hon. Malaki na ang anak natin kaya alam na niya ang mga priorities niya. Kailan ka ba binigo ng anak mo?" usal naman ni Daddy kay Mommy kaya napabuntonghininga ito.
"Ang sa'kin lang naman, Carlito, why would you settle for less, if you can do your best like Kean. Isn't he?" She then faced me again. "Dapat gan'on ka rin, Shae."
I swallowed the lump on my throat and nodded my head like a puppet. Akala ko ay doon na magtatapos ang usapang iyon ngunit nagulat ako nang magsalita ang nakakabata kong kapatid.
BINABASA MO ANG
Parting Our Equities (Accounting Series #3)
RomanceAccounting Series #3 (COMPLETED) Long Lasting Relationship = Openness - Lies We promised to each other that we will reach our same goals together, to become a CPA and to build our own business. Saksi ang mapayapa at maaliwalas na panggabing ulap sa...