Chapter 1

9.8K 316 63
                                    

"Congratulations!" My parents greeted me when I went off the stage.

Dad handed me a bouquet of roses while Mom kissed my cheeks side by side.

"You did excellent, Shae! But I'll be expecting your best in college." Mommy gave me a weary smile. "But nonetheless, we're proud of you."

"Thank you, Mommy and Daddy. Para sa inyo 'to." Hinubad ko ang limang medalya na nakasabit sa aking leeg at ibinigay iyon sa kanilang dalawa.

I graduated as the valedictorian of our batch. Everyone was genuinely happy for me, lalo na ang parents ko. Well of course, ginawa ko naman ang lahat ng ito para sa kanila. I want them to be proud of me, but if someone asks me right now if I'm happy, I definitely answer it with, "Okay lang."

Okay lang dahil simula naman noong bata pa ako ay hindi na ako nawala sa list of honors kaya hindi na ako nagugulat o nakakaramdam ng kung anong excitement every time na umaakyat ako sa stage para kunin at isuot ang mga medalya.

Oo nga't pinaghirapan ko ang lahat ng iyon pero nakakaumay din, eh. Parang wala nang bago. Wala nang excitement.

Hindi ko naman 'yon ginagawa para sa sarili ko. Sa totoo lang ay ayos lang sa akin kung wala man akong matanggap na medalya or kung hindi ako kasali sa honor all list. The only important thing for me was to learn and just enjoy my life. 'Yon lang naman.

Pero siyempre, I need to do this because of the high expectations of my parents and other people that surround me. Ang ayoko sa lahat ay na-di-disappoint ko ang mga tao sa paligid ko.

"Ga, nag-make-up ka?" Kean asked. He tilted his head a bit while looking at me from head to foot. His brown eyes were shining beautifully.

I nodded proudly at him.

"Yes, Go! Ang ganda ko 'no? 'Yan ang tinatawag na gandang hindi mo inakala!" pagyayabang ko pa sa kaniya.

He cringed his nose like he was really disgusted with my words. "Gandang ikaw lang ang naniniwala kamo."

Buong pwersa ko siyang hinampas sa balikat ngunit kaagad naman niya iyong naiwasan. Nagawa pang tumawa nang malakas ng loko!

"Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi mo pa nga ako binabati riyan, nang aasar ka na!" singhal ko.

He mimicked me. "Bakit naman kita babatiin, eh hindi naman masarap 'yong shanghai niyo at saka, birthday mo ba, ha? Birthday mo?" singhal niya pabalik sa akin habang punong puno ng pagkain ang bunganga.

Umingos ako at bahagyang lumayo sa kaniya. Kadiri talaga! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubusang maisip kung bakit naging bestfriend ko 'tong siraulong ito. Ang gwapo sana kaso ang balahura lang ng pag-uugali.

Nalukot ang aking mukha ko Tumayo ako at nagpamewang sa harapan niya. Tumingala siya sa akin na animo'y isang inosenteng bata.

"Graduation ko kaya, Kean! Hindi mo nga man lang ako binati ng congratulations tapos ikaw pa ang kauna-unahang humipak sa mga handa ko kanina lalo na ro'n sa shanghai, tapos sasabihin mo hindi masarap?!"

"Weh? Share mo lang? Galit ka na niyan? Hina mo naman?!" pang aasar na naman niya.

Umirap ako at tinalikuran siya. Nagdadabog akong bumalik sa loob ng bahay para asikasuhin ang iba pa naming mga bisita. Ayaw kong masira ang araw ko dahil sa isang 'yon kaya mabuti pang umalis na lang.

Medyo marami rin ang taong dumalo sa handaang ginawa namin. At halos doon ay kamag-anak ni Mommy at Daddy. Narito rin ang mga kaibigan nila at ilan naming mga kapitbahay.

Parting Our Equities (Accounting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon