Two days before I left, Eloisa and Trisha secretly prepared for my Despedida Party. Ilang mga piling kakilala, kaibigan, at kamag-anak lamang ang naroon. Kean's family was there too but hindi ni isang beses ay hindi nila nabanggit si Kean sa akin. I thought he would come, though. Hindi naman ako nag-e-expect na pupunta siya after all what happened to us. Walang nakakaalam kung paano at bakit kami naghiwalay. Basta ang alam lang nilang lahat ay tapos na kami.
Hindi ko rin sigurado kung kaya ko ba siyang makita at kung makita ko man siya, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
"You're spacing out again. Okay ka lang?" Inakbayan ako ni Terrence at tipid akong tumango.
"May iniisip lang," sagot ko.
Pinanood namin ang unti-unting pagkalagas ng mga bisita.
Habang lumalalim ang gabi ay pabawas nang pabawas ang mga tao hanggang sa kaming magkakaibigan na lang ang natira. Dumiretso kami sa kwarto dahil dito sila magpapalipas ng gabi. Madalang kaming magkasama-sama dahil abala na rin sila sa sari-sarili nilang buhay ngunit nakakatuwa na naglaan talaga sila ng oras para sa akin.
Si Trisha ay isang ganap na rin na Accountant. Si Eloisa ay sales lady sa mall dahil hindi naman nito natapos ang pag-aaral, at si Terrence Adrian naman, bilang isang teacher.
"Terrence, pagkatapos ng inuman ay lumabas ka ng kwarto ha? Doon ka matutulog sa sofa. Baka mamaya gapangin mo pa 'yang mga dalaga," ani Daddy kay Terrence at binigyan pa ito ng masamang tingin.
Hindi naman nagpatinag ang lalaki at umaktong nasusuka pa sa sinabi ni Daddy. "Excuse me lang Tito 'no. Correction lang po, lalabas po talaga mamaya dahil baka gapangin nila ako. Ano namang laban ko sa mga 'yan? Isa lang ako, tatlo sila–aray! Palagi niyo na lang akong sinasaktan! Ayaw ko na sa samahang ito, I quit!" Akmang magwa-walkout siya nang higitin ni Trisha ang collar ng damit nito.
"Huwag kang maarte, Adrian! Tatadyakan kita!" singhal ni Trisha at pinandilatan ito ng mata. Mukha namang natakot ang siraulong si Terrence dahil natahimik ito.
"Sasamahan ko na lang ang mga bata sa taas," sabi naman ni Mommy. "Mauna ka nang magpahinga."
Bumuntonghininga si Daddy at nagpapa-cute na ngumuso. Dala ni Eloisa at Trisha ay alak habang yakap naman ni Terrence ang mga chips na pulutan.
"Aba 'teh, anong dala mo? Anong ambag mo? Baka gusto mong mahiya sa amin," asik ni Eloisa kaya naman inirapan ko siya.
"Ganda at chika lang ang afford ko, eh. Sorry." I roared with laughter.
Noong una'y puro masasayang kwentuhan pa ang pinag-uusapan namin hanggang sa lumalim na ito nang lumalim. Kung kanina ay iniiwasan naming pag-usapan ang tungkol sa amin ni Kean, ngayon naman ay tanong na sila nang tanong kaya wala na akong choice kundi ang i-kwento sa kanila ang nangyari sa amin. . . sa relasyon namin at hindi na nga ako nagulat nang matapos kong sabihin ang lahat ay pinaulanan nila ng mura at sumpa si Sophia na para bang kaharap nila ito. Kung hindi pa sila papakalmahin ni Mommy ay hindi pa sila titigil.
"Gano'n yata talaga 'no? Minsan, sa sobrang focus natin sa kamalian at pagkukulang ng isang tao. . . hindi na natin napapansin at namamalayan ang sarili nating kamalian at pagkukulang," Eloisa said that made my brows furrowed.
"What do you mean, Eloisa?"
Matagal siyang tumitig sa akin bago umayos ng upo sa sahig at bumuntong hininga. "Wala akong pinapanigan sa inyo, ah. Pareho kayong may mali. Pareho kayong may pagkukulang ngunit ang napapansin mo lang ay ang sa kaniya at ang napapansin lamang niya ay ang sa 'yo."
"So, you're telling us na si Shaeynna lang ang may kasalanan?" Trisha scoffed as she shook her head disappointedly.
"Nope. . ." Eloisa shook her head. "Obviously, may mali rin si Kean pero 'di ba nabanggit niya kay Ynna na nakahanap siya ng companion doon kay–sino nga 'yon? Agatha?"

BINABASA MO ANG
Parting Our Equities (Accounting Series #3)
RomanceAccounting Series #3 (COMPLETED) Long Lasting Relationship = Openness - Lies We promised to each other that we will reach our same goals together, to become a CPA and to build our own business. Saksi ang mapayapa at maaliwalas na panggabing ulap sa...