"What do you want when you grow up?" tanong ko sa aking bunsong kapatid na si Sharina habang pinapanood siyang gamutin ang sugat ko sa tuhod. Seryosong-seryoso siya na ginagawa na animo'y isang napakalaking operasyon at napakalubha ng natamo kong sugat mula sa pagkakahulog sa hagdan sa school.
"Hmm. . ." Tumingala siya, bahagyang nag-isip. "Bata pa ako para mag-isip ng ganiyan pero parang gusto kong maging psychiatrist," aniya at muling yumuko para idampi ang bulak na may betadine sa aking tuhod.
"Wow! Psychiatrist? Bakit?"
She shrugged her shoulders. "I want to help people dealing with mental issues and such. Also, gusto ko ring mag-raise ng awareness about mental health. Iyong iba kasi ginagawang biro ang bagay na 'yon without knowing na maraming nakikipaglaban at maraming naaapektuhan. . ." she trailed off. Itinuro niya iyong kapit-bahay naming nakatambay sa labas ng bahay at masayang nakikipagkwentuhan sa mga ka-barkada niya.
"Look at her, Ate. Tumatawa siya pero gaano tayo kasiguradong masaya talaga siya?" she asked, still looking at the woman.
Maging ako ay nakatingin din sa babae. Inoobserbahan ko ang bawat kilos at galaw nito ngunit wala naman akong nakikitang mali o kakaiba.
"She looks. . . fine," I muttered in a slow pace.
"She looks fine, yes, because mental issues have no visible symptoms. No runny rose, just a head full of darkness. No fever or rash, no fractures or sprains, just a longing for something unable to explain." She smiled bitterly.
There's an emotion I couldn't name in her eyes or maybe I'm just hallucinating things. . . so I just shrugged it away.
Tila isang napakalaking bangungot sa akin ang lahat. Literal na nayanig ang aking mundo at habang tinatahak ko ang aming bahay ay ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan. My knees were trembling in fear. Malamig ang simoy ng hangin ngunit tumutulo ang butil-butil na pawis sa aking noo. Ang aking dibdib ay kumakalabog sa kaba. Pilit kong isinasaksak sa kokote ko na hindi iyon totoo; na nananaginip lamang ako at isa itong malaking bangungot.
Ilang beses kong sinampal ang aking sarili upang matauhan ngunit gayon na lamang ang panlalamig ng kamay ko nang makarating ako sa bahay na pinapalibutan ng mga tao. Mula rito sa labas ay dinig na dinig ko ang malakas na hagulhol ni Mommy at Daddy.
I clenched my fists as I heard their voices. Malalaki ang hakbang ko patungo sa loob ng bahay ngunit hindi ko pa man tuluyang naaabot ang pinto ay sinalubong ako ng mga kalalakihang nakasuot ng uniporme at buhat nila ang isang bangkay na nakabalot sa puting tela.
Umawang ang aking labi at tila bigla akong kinapos ng hininga. Muntik na akong matumba ngunit agad akong nasalo ni Kean. Gusto ko iyong habulin at siguraduhin kung iyon nga ang kapatid ko kaso hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa. Nang subukan kong igalaw ang mga paa ay niyakap ako ni Kean mula sa likod.
"Dito ka lang," aniya sa mahinang boses.
Mariin akong napapikit kasabay ng matihimik na pagbagsak ng mga luha ko. Ang mahihina kong hikbi ay palakas nang palakas habang tumatagal.
"Excuse me, Ma'am,"
Marahan kong binuksan ang aking mga mata at walang buhay na tiningnan ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Ang uniporme nitong suot ay katulad noong kumuha sa bangkay ng kapatid ko.
He gave me a faint yet warm smile and handed me a yellow folded paper.
"I found this letter above her study table. Ibibigay ko sana sa Mommy mo but she fainted so. . ." he explained and gave it to me.
BINABASA MO ANG
Parting Our Equities (Accounting Series #3)
RomansaAccounting Series #3 (COMPLETED) Long Lasting Relationship = Openness - Lies We promised to each other that we will reach our same goals together, to become a CPA and to build our own business. Saksi ang mapayapa at maaliwalas na panggabing ulap sa...