Epilogue

12.4K 364 112
                                    

When did I realize that I love her? I don't exactly remember.

Siguro noong unang beses ko siyang masilayan at makilala sa sementeryo?

Kaarawan iyon ng paborito kong Lola na yumao na. I was in grade seven that time. Hindi ako nakasama sa pagdalaw ng mga magulang ko sa puntod dahil nasa klase pa ako no'n, kaya naman nagdesisyon ako na pagkatapos na lamang ng klase pumunta.

Sanay na naman akong mag-isa at hindi rin naman ako naniniwala sa mga multo. Para lamang iyon sa mga mahihinang nilalang!

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng kalangitan nang pumunta ako roon sa sementeryo, dala ang isang bugkos ng rosas, pati na rin ang kandila at posporo—at siyempre, hindi ko rin nakalimutang dalhin ang paborito ng Lola ko.

Ang isang pakete ng sigarilyo.

Malawak ang ngiti ko sa labi habang naglalakad patungo sa puntod, ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting naglaho nang matanaw ang isang babaeng nakaputing bestida habang nakaupo sa tabi ng puntod ni Lola. Hindi ko masiyadong maaninag ang kaniyang mukha dahil nakayuko ito habang umuuga ang dalawa niyang balikat.

At ganoon na lamang ang panininindig ng lahat ng balahibo ko sa katawan dahil ang malakas na pag-iyak nito'y parang ume-echo sa buong palagid.

Napaatras ako kasabay ng marahas na paglunok.

"T-Tangina multo ba 'yon?" bulong ko sa aking sarili at pakiramdam ko'y maiihi na ako sa aking pantalon.

Mabuti na lamang ay palagi akong may baon na rosary sa wallet. Dali-dali ko iyong inilabas at habang naglalakad papalapit sa puntod ni Lola ay nakatapat ang rosaryo sa multo, sinabayan ko pa iyon ng dasal para sa mga kaluluwa.

"Eternal rest grant unto them, O Lord, and let perpetual light shine upon them. May their souls and the souls of all the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen. O Lord—"

"What the hell are you doing?"

Natigilan ako sa ginagawa nang mag-angat ng tingin sa akin ang multo. Ay shet, ang ganda naman—shut the fuck up, Kean! Multo 'yan, hindi kayo talo! Saka mo na diskartehan kapag multo ka na rin!

"M-Multo. . ." I muttered and pointed at her using my index finger.

Nangingintab ang matambok niyang pisngi dahil sa luha. Ilang beses akong napalunok at muntikan pang matulala sa kaniya.

"Hindi ako multo! Ibaba mo nga 'yang rosary mo!"

Doon ako biglang natauhan. Unti-unting bumaba ang kamay kong may hawak na rosaryo matapos no'n ay hindi na naman akong muling nakagalaw sa kinatatayuan ko. Mataman ko lamang na pinagmamasdan ang bawat kilos at galaw niya.

I watched her dry her tears using the back of her hands. Gustuhin ko man siyang abutan ng panyo ay nagdadalawang isip ako.

Paano pala kung multo talaga siya at madala niya sa kabilang buhay ang panyo ko kapag nagkataon?

"Sa 'yo ba 'to?"

I went back to my senses when her sweet voice lingered in my ears. Sinundan ko ang hintuturo niyang nakaturo sa lapida.

Napasimangot ako.

"Sa tingin mo ba sa 'kin 'yan? Mukha ba akong patay? Basahin mo nga 'yong pangalan, oh! Belinda Suarez! Mukha bang ako si Belinda?" masungit na litanya ko at namilog naman ang mga mata niya.

"Bakit ka galit? Nagtatanong lang ako. Malay ko ba kung sa iyo 'yan at lumabas ka lang dahil naiinip ka na sa loob?"

Funny, but that was our friendship started. She was in sixth grade that time. Lumayas siya sa bahay nila dahil napagalitan siya ng Mommy niya. Wala siyang ibang mapuntahan kaya naman pumasok siya sa sementeryo at doon na lamang siya umiyak nang umiyak.

Parting Our Equities (Accounting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon