Chapter 15

5.6K 196 9
                                    

I feel like I lost one of my feet. Ang hirap bumangon. Ang hirap tumayo. My wonderful life suddenly turned into a worst nightmare.

My sister died and because of that, madalas nang mag-away at magkasakitan sina Mommy at Daddy. They were pointing their fingers to each other at nang mapagod. . . they decided to end their relationship. Dad left the house with his things at wala na kaming naging balita sa kaniya. Nang subukan siyang puntahan sa trabaho ni Mommy ay wala na rin ito roon at nag-resign na.

Simula rin noong araw na iyon ay hindi na rin kami nag-usap ni Mommy. Inabala niya ang sarili niya sa trabaho. Umuuwi lang siya kapag tulog na ako at bago pa sumapit ang liwanag ay aalis na rin siya, leaving my allowance above the table.

Mas naging doble at triple ang sakit para sa akin dahil pakiramdam ko'y unti-unti nang nawawala sa akin ang lahat. Kung kailan sobrang kailangan namin ang isa't isa saka pa nila naisip na maghiwalay ng landas.

I didn't just lose my sister; I lost my parents too. I lost the family that I have and not just that, I almost failed the second semester.

Nakakahiya mang aminin na iyong almost perfect at role model na student noon ay talunan at muntik pang bumagsak ngayon. Good thing my Professors understand my situation right now. They gave me another chance and also my friends helped me recover from my studies.

Kagaya na lang ngayon, imbis na nagbabakasyon na sila sa kani-kanilang bahay dahil tapos na ang school year ay mas pinili pa nila akong samahan at tulungan sa mga requirements na kailangan kong ihabol para hindi maging incomplete or magka-problema sa mga subjects lalo na sa major subjects.

"Nandito kami nakatambay sa students lounge. Nasaan ka na ba? Ang tagal mo!" nakasimangot kong singhal kay Kean na patawa-tawa lang sa kabilang linya.

"Otw na 'ko! Chill ka lang!"

"Otw? Eh, bakit may naririnig akong lagaslas ng tubig—"

"Kaya nga! Otw means on the water!" Humalakhak siya, dahilan para wagas akong mapairap. "Oh, sige na! Ibababa ko na 'to! May gagawin pa ako."

"A-Anong gagawin mo?" My forehead knotted; a hint of curiosity was evident in my voice.

Geez, why can I imagine his annoying and teasing smirk right now? I shut my eyes tightly when I heard his deep and manly chuckle.

"Secret," aniya sa tila nang-aakit at malisyoso na tinig. It was husky and almost a whisper; sending shivers down my spine.

"Hmm, gusto mong malaman?"

Tumikhim ako at napatuwid ng upo nang maramdaman ang biglaang panunuyo ng lalamunan ko. Pasimple kong tiningnan si Eloisa at Trisha na abala sa pagkwe-kwentuhan sa harapan ko.

"Ano nga—"

"Kain kang gulaman," he cut me off and ended the call while laughing so hard.

Napapailing na lamang ako habang ibinababa ang cellphone. Kung hindi ko lang talaga mahal ang lalaking iyon, iisipin kong may amats siya. . . but still, thankful pa rin ako sa kaniya dahil never niya akong iniwan noong mga panahong down na down ako at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala na nag-confess siya ng feelings sa akin. I don't know if it was true since hindi pa ulit namin napapag-usapan ang bagay na iyon.

Gustuhin ko mang kiligin pero sa tingin ko'y hindi pa iyon ang tamang panahon para roon. I'm still mourning my sister's death. Kung totoo man ang sinasabi ni Kean na mahal niya ako, alam kong makakapaghintay siya at maiintindihan niya ang sitwasyon ko.

Mukhang matatagalan pa ang lalaking kaya inabala ko muna ang sarili ko sa mga dapat kong gawin. Panay ang kwentuhan at tawanan ni Eloisa at Trisha samantalang ang utak ko'y lumilipad na naman kung saan. Pilit nila akong sinasabay sa usapan ngunit agad din akong nawawala.

Parting Our Equities (Accounting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon