Hindi maipinta ang mukha ko habang papalabas kami ng campus. Nahihiya ako kay Adrian dahil hindi ko alam kung okay lang ba sa kaniya na kasama namin si Kean.
I mean this is not a date naman. Sasamahan ko lamang siyang kumain ng lunch bilang pasasalamat sa ginawa niya sa akin noong nakaraang araw. Nakakahiya namang tumanggi kaso mas nakakahiya talaga ang kakapalan ng mukha nitong bestfriend kong dinaig pa ang nanalo sa lotto sa sobrang lawak ng ngisi sa labi.
Pasipol-sipol pa ito habang nauuna siyang maglakad sa amin ni Adrian.
Napakamot ako sa ulo at nahihiyang ngumiti kay Adrian. "Pasensiya ka na rito sa bestfriend ko, huh? Ano eh, masiyadong overprotective at epal."
He let out a chuckle. "It's okay. Medyo nagulat lang ako dahil para siyang kabute kung sumulpot. Anyway, saan mo gustong kumain? My treat." Akmang hahawakan niya ako sa siko para alalayan sa pagtawid ngunit humarap sa amin si Kean at naniningkit ang mga matang tinapik ang kamay ni Adrian.
"No touch, bro," seryosong aniya pagkatapos ay biglang ngumisi na parang ewan. "Gusto kong kumain sa Buddy's. Matagal na rin akong hindi nakakakain doon. Libre mo kami, hindi ba, pre?"
Adrian was startled with Kean's question. Sumulyap ito sa akin bago alanganing tumango, halatang napipilitan. I even saw him gulped. On the other hands, Kean clapped his hands while grinning from ear to ear.
"Goods! Tara na! Papara na akong tricycle,"
Pareho na kaming walang nagawa at halos puro si Kean ang nagde-decide ng kakainin namin. Wala naman akong problema ro'n dahil alam naman niya iyong mga pagkaing gusto at hindi ko gustong kainin pero ang problema nga lang ay sobrang nakakahiya na talaga kay Adrian.
Gustong gusto ko nang lumubog sa upuan o tumakbo na lamang pauwi lalo na noong makita iyong bill na babayaran. Bigla akong tinamad kumain. Sinubukan kong makihati sa bill pero hindi ako pinayagan ni Adrian.
Hindi naman kami nahirapan humanap ng table dahil kakaunti lang ang customers. Sa katabi ng glass window namin napagdesisyunang umupo. Akmang uupo si Adrian sa tabi ko nang hilahin ni Kean ang kwelyo niya palayo sa akin.
"Ako dito sa tabi ng bestfriend ko! Doon ka sa tapat namin!" Kean hissed and pouted his lips like a kid.
Napakamot sa ulo at ngumiwi si Adrian, wala na siyang choice kundi ang umupo sa harapan namin. Nang magtama ang paningin namin ay tipid akong ngumiti.
"Sorry," I mouthed and he gave me a reassuring smile.
Pasimple kong hinilot ang sentindo ko. Nakakastress itong lalaki sa tabi ko! This was the reason kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend. Masiyadong basag trip at diskarte si Kean. Imbis na ma-impress sila sa akin ay na-tu-turnoff pa yata dahil dito sa kaibigan kong epal.
Sa bawat usapan namin ay palaging sumisingit si Kean. Sa tuwing sinusubukan akong hawakan o lapitan man lang ni Adrian ay mas mabilis pa sa alas-kwatrong tatampalin ni Kean ang kamay niya o di kaya'y sisingit sa gitna namin para hindi ako tuluyang mahawakan o madikitan ni Adrian.
Matapos ng lunch na iyon ay nagkaroon pa rin naman kami ng communication ni Adrian. Friends na kami sa facebook at doon lamang kami nagkakaroon ng time na mas magkakilala pa. I don't like him. I just find him interesting as a friend. Mabait si Adrian. Mukha lang siyang playboy but I was so shocked when he told me na never pa siyang nagkaroon ng girlfriend or kahit flings man lamang.
He devoted his life to soccer, studies, and part-time jobs.
"Tss, pa-good shot lang 'yon sa 'yo. Kinukuha lang noon ang loob mo," ani Kean sabay nguya sa kinakain niyang chichirya.

BINABASA MO ANG
Parting Our Equities (Accounting Series #3)
RomanceAccounting Series #3 (COMPLETED) Long Lasting Relationship = Openness - Lies We promised to each other that we will reach our same goals together, to become a CPA and to build our own business. Saksi ang mapayapa at maaliwalas na panggabing ulap sa...