Chapter 25

9.7K 260 93
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Everything went smoothly. Ni wala kaming pinalampas na oras at pagkakataon hanggang sa tuluyan nang bawiin sa amin si Daddy.

Malungkot. . . pero eventually ay natanggap na rin namin ng buong buo. Napaghandaan na naman namin ang bagay na iyon. Hindi man naging sapat ang isang buwan bilang pagbawi sa lahat ng pagkukulang. . . alam kong napasaya namin ng lubos si Daddy dahil hanggang sa huling hininga nito ay mayroon siyang matipid na ngiti sa labi.

It was enough for us and those happy memories with him will be forever treasured here in my heart. For sure naman ay magkasama na sila ni Sharina kung nasaan man sila ngayon. Alam kong masaya na sila kaya sapat na iyon para sa amin para maging masaya at muling ipagpatuloy ang buhay.

Kapag wala akong ginagawa ay pumupunta ako sa sementeryo para tumambay. Just like the old times. Magkatabi lamang naman ang puntod ni Daddy at Sharina. Minsan ay kasama ko si Mommy pagpunta roon pero mas madalas ay ako lamang mag-isa.

"Wala ka na bang balak bumalik ng "Australia?"

Dagli akong natigilan sa pagsimsim ng kape at nag-angat ng tingin kay Mommy na matamang nakatitig sa akin. Uminom muna ako bago sumagot.

"Hindi ko alam, Ma." I heaved a deep sigh. There's a part of me na gusto kong bumalik na muli sa ibang bansa dahil kagaya nga ng sinabi ko ay naroon na ang buhay ko. May maganda akong trabaho, maayos na tirihan, at simple ngunit masayang buhay.

I'm already content with it, but I couldn't leave my Mom. Kapag umalis ako, maiiwan siyang mag-isa. Ayaw naman niyang sumama sa akin dahil mas gusto raw niya rito at hindi ko naman siya puwedeng pilitin.

Bumaba ang mga mata ko sa aking kamay na hinawakan ni Mommy. Her soft and warm hands took all my worries and weary thoughts away. Bahagya niya iyong pinisil habang may maliit na ngiti sa labi. Sinubukan kong basahin ang kung anong emosyon sa mga mata niya ngunit ni isa'y wala akong nahagilap.

"Kung gusto mong bumalik, hindi kita pipigilan," aniya sa malambing tinig. "Huwag mo ako masiyadong kaisipin, Shaeynna. Matanda na ako at kaya ko namang alagaan ang sarili ko. Gawin mo kung anong magpapasaya sa 'yo."

"Pero Mom—"

"May sarili kang buhay, anak. Hindi ka naman namin isinilang at pinalaki para lang sa pagtanda'y may mag-alaga sa amin." Tumayo na ito at humalik sa aking noo bago tuluyang umalis ng hapag-kainan.

Buong umaga kong pinag-isipan ang bagay na iyon. Sa kamakalawa na ang alis ni Tita Brenda, kasama niya ang boyfriend niyang Australiano, at tinatanong nga nila ako kung sasabay ako sa kanila o kung may plano pa ba akong bumalik doon.

It's hard for me to decide. Nagtatalo ang puso at isipan ko. Sumasakit lamang ang ulo ko sa pag-iisip kaya naman mas minabuti ko na lamang na lumabas ng bahay at pumunta sa tindahan ng longganisa na eventually ay pagmamay-ari pa rin namin ni Kean.

Araw-araw akong pumupunta roon para kumustahin ang mga empleyado at para na rin makatulong sa pagbebenta—pero ang totoo niyan ay dumadayo lamang talaga ako ng chika. Umaalis din kasi Mommy dahil madalas itong pumuntang simbahan kasama iyong Nanay ni Kean at ni Bluie.

Si Kean, okay naman kaming dalawa. Halos araw-araw itong pumupunta sa bahay at nagdadala ng kung ano-ano. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon pero sa base sa mga kilos at galaw niya, mukhang hindi ko na kailangang tanungin pa. Ang alam ko'y wala siya ngayon dito sa Lucban dahil lumuwas ito patungong Maynila. Tambak daw kasi ng trabaho sa firm.

Hindi ko alam kung kailan siya babalik dahil wala naman siyang sinasabi sa akin or much better kung huwag na siyang bumalik.

Dumaan muna ako sa bakery para bumili ng meryenda bago ako tuluyang nakarating sa tindahan. Malawak ang unang branch dahil narito na rin pati ang factory. Bukod kasi sa Longganisa ay nagsimula na rin naming pasukin ang paggawa at pagtitinda ng Miking Lucban at iba pang sikat na produkto rito sa aming bayan.

Parting Our Equities (Accounting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon