Chapter 2

7.4K 284 92
                                    

Dalawang linggo na lamang ang natitira at pasukan na. Ang buong bakasyon ay inilaan ko lamang sa mga gawaing bahay, pag-gala at pag-tambay kung saan-saan kasama si Kean. Hindi rin mawawala ang pag a-advance study dahil gusto ni Mommy at Daddy na mapanatili akong nasa top kahit nasa kolehiyo na ako kaya naman kahit nakakatamad at ang sakit sa ulo ng pagbabasa ay pinag-tya-tyagaan ko.

I don't want to disappoint her. I couldn't disappoint them.

Bumuntonghininga ako at isinarado ang librong aking binabasa.

I need a break!

Feeling ko mababaliw na 'ko rito sa bahay kung puro aral na lamang ang gagawin ko sa buong maghapon at magdamag!

Inayos ko muna ang mga gamit ko sa study table bago naligo, nag-ayos at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig at naabutan ko roon si Mommy na naglalagay sa tupperware ng ulam na niluto niya, mayroon sigurong pagbibigyan ng kaniyang nilutong putahe.

"Are you done studying, anak?" she asked as she gave me a quick glance.

Tamad akong kumuha ng baso at tubig sa ref. Uminom muna ako r'on bago sagutin ang kaniyang tanong.


"Uh, not yet, Mom. Marami pa po akong dapat basahin at pag-aralan pero medyo sumasakit na kasi ang ulo kaya nag-decide muna akong magpahinga. I've been studying for the whole day pati kahapon―"

"You should study more, Shaeynna. Malapit na ang pasukan. Always remember na hindi ka puwede mawala sa top, okay? Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak at iba nating kakilala kung mawawala ka sa honor lists? Naku! Nakakahiya 'yon!"

I heaved a deep breath as I nodded my head.

"Yes, Mom." A faint smile formed on my lips.

Hindi na ako nag-balak pang magsalita ng kahit ano dahil alam ko namang kahit ano namang sabihin ko, hindi niya ako pinapakinggan.

"Ay oo nga pala! Tapos ko nang igayak iyong ulam na niluto ko para sa mga Hidalgo, puwede mo ba 'tong dalhin doon?"

"Sige po, Ma." Tumayo ako at kinuha sa lamesa iyong tupperware na may lamang Afritada.

I checked myself in the mirror before heading outside our house. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay hinabol ako ni Mommy para sa isang mahalagang bilin.

"Shaeynna, huwag mong kakalimutan 'yong tupperware ko, huh? Sabihin mo kay Kumare o kay Bluie na ilipat niya sa pinggan tapos ibalik sa atin agad ang tupperware. Okay lang kahit hindi na hugasan basta maibalik lang," istriktong paalala niya, dahilan para bahagya akong matawa.


"Opo, My,' tanging tugon ko bago tuluyang tumalikod at maglakad palayo.

Labis akong nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay nakalanghap din ako ng sariwang hangin. Halos ilang araw din akong nakakulong sa bahay dahil abala nga ako sa pag-aaral at hindi rin nagpaparamdam ang magaling kong matalik na kaibigan na si Kean. Naku! Busy na naman siguro iyon sa girlfriend niya!

Well, it was fine for me, though. Ayaw ko rin naman ng isasama niya ako sa mga dates nila para gawing third wheel or taga-picture sa kanilang dalawa. Nagmumukha lang akong masokista at isa pa, masiyadong masakit sa mata ang gan'ong scenario!

"Ang ganda mo talaga, Shaeynna," saad ng lalaking nakatambay sa kanto namin kaya naman napatingin ako sa kaniya.

Tipid akong ngumisi at ikinumpas ang kamay sa ere. "Hoy ano ka ba, maliit na bagay! Pero salamat, ah? Ikaw rin!"

Umukit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi kasabay ng pagkinang ng mga mata. "Anong ako rin? Gwapo ako?"

"Hindi! Maganda ka rin." I chuckled.

Parting Our Equities (Accounting Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon