"I'm Catherine, you are?" nakangiting saad sa akin ng babae at inilahad sa akin ang kaniyang kamay.
Sumulyap ako kay Kean. Nang ngitian niya ako at tanguan ay saka ko lamang inabot ang kamay sa babae at pilit na ngumiti.
"Shaeynna, bestfriend ni Kean," I said and her smile went wider.
Nag-shake hands kaming dalawa at ako na ang naunang bumitaw. Sa totoo lamang ay mukha naman siyang walang pakialam sa akin dahil pagkatapos naming magpakilala sa isa't isa ay para na itong lintang kumapit sa braso ng kaibigan ko.
Labis ang pagpipgil ko sa aking sarili na ngumiwi at umirap.
"Let's go? Saan mo gustong kumain?" nakangiting tanong ni Kean kay Catherine.
"I want sisig, eh. Kubo sizzlers?"
"Sure!" Kean winked at her kaya mas lalong umasim ang ekspresyon ng aking mukha.
Magkatabi silang naglalakad habang ako naman ay nanatili sa likod nilang dalawa na parang bodyguard. Parang binagsakan ng hollow blocks ang mukha ko sa sobrang busangot nito.
"I want sisig, eh," I mimicked the girl and rolled my eyes. "Pabebe ka girl?"
Hay! Ewan ko ba kung paano ako humantong dito. Dapat ngayon ay nasa bahay lamang ako at nagpapakalunod sa pag-re-review at pag-a-advance reading pero heto ako't third wheel na naman sa date ng bestfriend ko.
Jusko, bakit kasi hindi ako marunong humindi? Bakit ba kahit isang simpleng pakiusap o hiling lamang mula sa kaniya ay wala akong magawa kundi ang pumayag at magsunud-sunuran sa kaniya?
Malala na ba ako? Hindi na yata tama itong ginagawa ko.
"Thanks for coming with me, Shae," malambing at pabulong na saad sa akin ni Kean habang umoorder kami ng pagkain.
Tiningala ko siya at tipid akong ngumiti sa kaniya. "Ayos lang. Basta ikaw."
Kumislap ang mga mata niya sa sinabi ko. Lumawak ang ngisi niya sa labi at ginulo ang aking buhok bago bumaling ulit kay Catherine na nahuli kong masama ang tingin sa 'kin. Nang humarap sa kaniya si Kean ay agad na umamo ang kaniyang mukha.
I scoffed and shook my head.
Plastic amporkchop!
Nang ilapag ng tindera iyong order kong beer ay tumalikod na ako sa kanila at humanap ng kubo na pwe-pwestuhan.
Kean called my name but I didn't even bother to look back. Pagkapasok ko sa kubo ay agad kong tinungga ang hawak kong beer.
Natulala ako at mapait na natawa.
Buong akala ko talaga ay kung ano nang nangyari sa kaniya kanina kaya kahit nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral ay iniwan ko iyon para sa kaniya. Tinakbo ko pa ang distansya naming dalawa! Apat na kanto rin ang layo noon 'no! Tapos malalaman ko lamang na pinapunta lamang niya ako ro'n para papiliin sa dalawang damit!
Fuckshit!
Akala ko pa ay doon na magtatapos iyon pero ang siraulo kong bestfriend ay nag-request pa na kung puwede ko raw siyang samahan para mapakilala na rin niya sa akin.
To be honest, I have the freedom to say no. I am free to decline his request but. . . si Kean 'yon, eh. Kailan ba ako humindi sa isang 'yon?
Marupok at tanga ako pagdating sa kaniya.
I glanced at my wristwatch and yawned. It's almost eleven in the evening. Rinig na rinig ko ang malakas na tawanan mula sa kabilang kubo kung nasaan si Kean at Catherine. Gusto sana ni Kean dito rin sila sa kubo kung nasaan ako pero ayaw ni Cath. Gusto ng babae niya ay sila lamang dalawa kaya heto. . . mukha akong loner na brokenhearted dito sa kubo kung nasaan ako.
BINABASA MO ANG
Parting Our Equities (Accounting Series #3)
Roman d'amourAccounting Series #3 (COMPLETED) Long Lasting Relationship = Openness - Lies We promised to each other that we will reach our same goals together, to become a CPA and to build our own business. Saksi ang mapayapa at maaliwalas na panggabing ulap sa...