Chapter 18

11 0 0
                                    

Natapos ang bakasyon namin sa Batangas at ngayon ay nagliligpit kami ng mga gamit namin, mamayang hapon pa ang alis namin kaya may panahon pa silang magpakasaya, 

Nakaupo kami ngayon nila laida at tinner sa isang pabilog na mesa, sila kuya Ace ay nagliligpit pa ako naman ay niligpit kona ang liligpitin kagabi, para hindi na ako mahirapan ngayon.

Napalingon ako sa gawi nila kuya na nagaasaran na akala mo mga batang nagiingitan lang,

Nakita kong naglalakad papunta sa gawi ko si Jm namay malawak na ngiti sa labi, habang nakatingin sa'kin.

Nang makalapit ito sa'kin ay agad na tumabi ito sa bakanteng upuan at agad ko namang narinig ang ipit na tili ni Laida na akala mong kinikiliti, tumingin ako dito at agad namang nagpatay malisya na sumubo pa ng ice cream na kinakain nito.

"Tapos kanang magligpit?"kumuha ito nang kinakain kong caramel popcorn na ibinigay sa akin ni Consti nung nakaraang araw, tinanggihan ko pero mapilit kaya wala na akong nagawa.

Tumango ako bago nguyain ang nasa bibig ko, tumingin ito sa'kin kaya agad naman akong nahiya sa titig nya,

"Ikaw? Baka may makalimutan kang mga gamit mo?"sunod sunod na tanong ko dito.

Narinig kong napaubo si Laida kaya tumingin ako dito, hawak hawak nito ang dibdib nito at kinuha ang ibinigay ni Consti na tumbler na pink. Tumingin sa 'kin si Consti at nakita kong maylungkot sa mga mata nito.

Nagtataka ako kung bakit ganun, o dahil siguro sa aalis na sya?

Bigla akong nakaramdam nang kirot sa puso ko dahil sa na isip ko, siguro dahil naging malapit narin sa'kin si Consti kahit sa maikling panahon.

"Gusto mo bang gumala muna? May alam akong pupuntahan."

Hindi pa man ako nakakasagot nang nahagip ng mata ko si Consti na tumayo at naglakad paalis habang nasa bulsa ang dalawang Kamay nito.

Nagtatakaman ay sinundan ko sya ng tingin hanggang sa may lumapit na isang magandang babae dito,

Napaiwas nalang ako ng tingin nang magusap sila ng babae, ewan ko paranh biglang may naramdaman akong kakaiba, sa simpleng ganyon lang.

"Sige, sayang din yung araw."naisambit kona lang kay Jm.

Agad akong tumayo pero inalalayan parin ako nito, nahihiyang nagiwas nalang ako ng tingin dahil sa nararamdaman ko.

Nagpunta kami sa isang sikat na lomihan dito sa batangas, sinabi kong busog pa naman ako pero ang sabi nya ay tikman ko daw at baka balik balikan ko daw.

Hindi na ako nakipag talo, humanap nalang daw ako nang bakanteng upuan at sya na daw ang o-order, umupo ako sa nahanap na upuan na katabi nang isang flower shop.

Pinagmamasdan ko ang mga tao sa labas nang maramdaman kong umupo si Jm sa unahan ko dahil pandalawahan lang naman ang upuan na pinili ko,Tumingin ito sa harapan namin,Nakita nito ang pinagmamasdan ko kanina.

"Gusto mong pumasok sa loob?"

Kahit gustihin ko man ay hindi na aari dahil siguradong anong oras kami matatapos kumain, umiling ako.

"Wag na."nagiwas ako ng tingin sa flower shop at binaling nalang sa mga taong naglalakad papunta sa ibang kainan,"Tsaka nalang."

Hindi na ito umimik pa, nang dumating ang Lomi at mailapag sa lamesa namin ay sya na mismo kumuha at naglagay sakin nang lomi sa mangkok na malalim at sya narin nagpisa ng kalamansi doon sa may sili, hindi na ako tumangi dahil mahilig din naman akong kumain ng maaanghang na pagkain.

"Try this one, masarap yan."

Inabot sakin ni Jm ang isang puting platito na mayroong nakalagay na tokwat baboy.

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now