Chapter 22

5 1 0
                                    


"Ang usapan natin ay tutulong ka muna sa amin."sambit ni Tatay ka kuya Ace.

Palihim akong tumingin dito at nakita ko ang lungkot sa mukha ni Kuya Ace.

"Tay, Mas maraming opportunity kung makakapagtapos po ako at doon ay matutulungan ko po kayo ng maayos."Pangangatuwiran ni kuya.

Tila dismiyado naman si tatay sa sinabi ni kuya Ace.

For some reason ramdam ko ang pinaglalaban ni kuya.

"At ano? Pagkatapos mo anong gagawin mo? Tutulad ka sa mga tito mo?"walang buhay na sambit ni Tatay.

Hindi ko alam kung ano ang gustong sabihin ni tatay dahil sa tono palang ay halata mo nang takot at galit ang na mutawi dito.

I saw my mother looking at me. Umiling nalang ito at kumain nalang ulit.

"Tay, Hindi naman po ako gagaya."bulong na sagot ni kuya.

Hindi ko alam kung ano bang nangyari kay tatay at sa mga tito ko kung bakit ganito nalang magsalita pagdating sa kanila. Do I need to know what happened before?

Hindi nalang umimik si tatay at naramdaman kong umalis ito.

Umupo si kuya sa katabing upuan ko at doon bumuntong hininga ng mamalim. Tumingin ako kay kuya at parang napag bagsakan ng langit at lupa ang kanyang mukha.

Ngumiti ito sa akin nang makita akong nakatingin sakanya. I smiled back to him.

"Huwag mo nalang Intindihin ang sinabi ng tatay mo."sambit ni Mama sa katahimikan at ibinigay kay kuya ang timplang kape.

Malungkot na tumango si kuya.

"Hindi ko lang po maintindihan kay tatay kasi po libre naman po kasi yung pag-aaral ko."sambit ni kuya kay Mama.

Hindi ako sumabat sa usapan nila dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong maitutulong ko kay kuya dahil takot ako kay tatay.

Natapos ako sa pagkain ko nang umagahan at nagpasya nalang maglinis ng bakuran habang nag-uusap sila mama at kuya sa loob.

Kinuha ko ang walis para walisin ang mga tuyong dahon nang mangga sa bakuran. Tumingin ako sa bahay nila Laida. Wala yatang tao dahil ang tahimik. I bet Laida's having fun with her friends again.

Nilinis ko ang bakuran at inayos narin ang mga ginawa ni tatay na panghuli ng hipon na maliliit. Nang matapos ay diniligan ko naman ang mga halamang na ngangailangan ng tubig. Natutuyo na kasi dahil siguro sa hindi ko pagdidilig dito.

Nagdidilig ako ng may magsalita sa aking likuran.

"Kailan nga pala ang saktong date nang graduation n'yo?"tanong ni kuya.

Ibinaba ko ang tabo at hinarap si kuya.

"Hindi ko pa alam? Wala pang exact date na sinabi pero nagpapractice na kami ngayon ng March."sagot ko kay kuya at kinuha yung baldeang wala ng laman na tubig at inilagay sa lalagyanan nito.

Ramdam kong sumunod ang tingin sa akin ni kuya kaya tumingin ako dito.

"Doon ka muna kaya mag-aral kila tita?"suhestyon nito.

Kumunot ang noo ko nang sabihin iyon ni kuya. Nagtataka akong tumingin dito.

"Dito ko gustong mag-aral at gusto kong matulungan si Mama sa mga gawain sa bahay at pagtitinda,"sambit ko dito.

Seryoso itong tumingin sa akin may sasabihin pa sana ito pero umiling nalang.

Hindi ko nalang binigyan iyong ng pansin at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko.

Alas Nwebe na'ko natapos sa kakaimis ng bakuran, Pinunasan ko ang pawis na tumutulo gamit ang aking damit. Okay lang maliligo naman ako mamaya.

Pumasok na ako sa loob ng Bahay. Nagulat ako nang makapasok ako ay nasa loob si Felicity. Kausap si kuya.

"Huh, Hi?"tila nahihiya pang sambit ni Felicity.

Tumangi lang ako at pumasok nasa kalooban ng bahay. Hindi na 'ko tumingin sa gawi nilang dalawa.

Ewan ko kung bakit parang hindi na maganda ang loob ko kay Felicity. Doon palang sa mga sinabi nang pamilya n'ya about kay kuya ay parang ang sakit na paano pa kaya kung may gawin or mas malala pa ang sabihin nila.

I have care to my brother, well sino bang hindi? Mabait si kuya kaya hindi n'ya deserve na sabihan ng mga ganung bagay. It's hurt kapag may nagsasabi ng ganoon about sa pamumuhay namin.

Maayos kaming ininataguyod ni tatay kaya wala silang karapatang sabihin 'yon.

Binuklat ko ang lagayan ng bigasan at nakitang wala na palang laman.

Lumabas ako ng kusina para humingi ng pera kay Mama upang bumili nang bigas. Napabalik ako sa kusina ng makakita ako nang hindi dapat makita!

Nang tumagal ako sa kusina nang ilang minuto ay tsaka ako lumabas ulit at nakitang wala na doon ang dalawa.

Lumabas ako nang bahay. Hindi ko nalang binigyan ng pansin ang nakita ko kanina. Naglalakad na ako papunta kung saan nagtitinda si Mama.

"Pinsan!"

Napabaling ako kung sino yung sumigaw at nakita ko si Vikz na tumatakbong papunta sa akin.

Kumunot ang noo ko nang makitang pawisa ito, Tila kakagaling lang sa pagdedeliver.

"kay Mama bakit?"tanong ko dito.

Ikinawit nito ang braso sa aking leeg. Na amoy ko dito ang mamahalin nitong pabango, pawisan ito pero hindi maasim at maamoy mo pa ay ang pabango nito.

"Kakatapos lang magdeliver tapos nakita kita kaya sasamahan na kita,"sambit nito.

Tumango ako at pinabayaan ang braso nitong nasa balikat ko, hindi ko naman ramdam na mabigat ang braso nito.

Habang naglalakad kami ay nakita namin sila kuya Kim na nakikipag ayaw sa taga kabilang barangay!

Agad namang tumakbo si kuya Vikz, Ang akala kong makikiawat ay nakisali pa sa away!


-----

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now