Chapter 13

9 3 1
                                    

Maaga kaming nakatapos at ngayon ay naglalakad na kami papauwi, kasama parin namin ang mga pinsan ko..

habang naglalakad kami ay walang sawa sa pagdadaldal si laida na lagi namang binabara ni kuya kim kaya minsan ay na tatawa nalang kami.
 

"KAPAL NANG MUKHA MO! HOY! BAKA NAKAKALIMUTAN MONG MAY LAHI AKONG RAMOS! KAYA MAGANDA AKO!"sigaw ni laida na dinuduro pa si kuya Kim,

tumingin si kuya kim dito na parang nandidiri nasa mga sinasabi ni Laida, 

"OO MAY LAHI KANG RAMOS PERO LIGAW NA BALA KALANG!"hindi rin nagpatinag si kiya kim.

natahimik lang sila nang makita nila si Felicity na tumigil sa tapat namin at ngumiting nag lakad at nag mano kay Mama, 

napaismid nalang ako. pakitang tao. nakita kong napaismid din sa ginawa nito. si kuya kim naman ay nag bukas sara ang bibig nito na parang may gustong sabihin pero hindi nalang tinuloy.

"Magandang tanghali po"may ngiti sa labing sambit nito.

kung siguro nakuwento sakin ni kuya Ace yung tungkol dito siguro namangha na ako ngayon pero wala, 

"Magandang tanghali rin sayo, iha."nakangiting sambit ni Mama.

hindi alam ni Mama ang tungkol sa pagtangi nang pamilya nito sa kapatid ko kaya maganda pa ang pakikitungo nito, siguro pag nalaman ni Mama na ang anak nya ay tinanggian nang isang mayaman ay mahihiya na ito sa ipinapakita ng babae sa harapan nya ngayon.

"Ta, tatanungin ko lang po sana kung bakit hindi na nagpapakita sa'kin si Ace?"tila nahihiyang saad nito.

narinig kong bumulong si Laida na 'PIGILAN NYO KO' kaya napailing nalang ang mga pinsan ko at tinapik ito sa balikat, napansin naman ni Felicity na may kasama si Mama kaya agad itong ngumiti sa'min.

"Hi! kamusta na kayo?"tumingin ito sa'kin at nginitian ako na sinuklian ko naman tumingin ito kay Jm na mukang gulat pa."it's nice too seeing you again Jm."kumunot ang noo nito at binalikan ako ng tingin.

"same too you"nakita kong nagdalim ang paningin nito.

Kasama ulit ni Felicity yung dalawang lalaking nakita namin na kasama nya noon sa Dagat.

Napatingin sa'kin yung isang lalaki, pinakatitigan ko ring maigi yung lalaki dahil mukang pamilyar din sya sa akin? san ko ba nakita ang isang to?

may pumasok sa isip ko, at eto ngayung lalaking tinawag na kuya noong lalaking nakisabay sa'kin nung nakaraang araw. yung lalaking madaldal na kulang nalang ibahagi pati yung kento nang buay nya ay parang willing na willing i-kuwento.

"Mauna na kami sa inyo, iha. dahil may gagawin pa kami sa bahay."wika ni Mama, tumango naman si felicity at nag paalam na.

Nag patuloy kami sa paglalakad."Bait baitan ang tema ni ghurl!"medyo malakas na saad ni Laida na halata ang pagkakairita nito.

kinurot ko ito dahil baka sitahin sya ni Mama, at baka mag tanong pa dahil maganda naman ang pakikitungo ni Felicity.

Nag kahiwalay hiwalay lang kami dahil kailangan din nilang umuwi sa bahay pero si Laida ay sumama parin hanggang sa'min at ang apat na lalaki lang ang umuwi.

"Hindi kaba uuwi sa inyo Laida?"tanong ni Mama dito.

pagkapasok namin sa loob ay nakita namin si tatay na nakaupo at may hawak-hawak na sigarilyo, napatingin din sa gawi namin si tatay na mukang hindi nakainom nang alak ngayon. 

tumingin ako ay Laida ng matunog na bumuntong hininga ito. mukang may problema.

"May Cases po, tita."saad nito, binati ni Laida si tatay nang makita na nakatingin sakanya si tatay.

"Nag-luto na ako kaya kumain na kay dyan"mahinahong sambit ni tatay sa amin."hindi muna ako ngingisda mamaya dahil masakit ang bewang ko."dagdag ni tatay at binalik ulit ang paningin sa pinapanood nito.

NANG matapos kaming kumain ay ang akala kong hindi mag-iinom nasi tatay ay nagpabili nang lambanog kay Drei,

umupo ako sa mahabang papag at nanood ng tv, nasa isang upuan nasi tatay na nakalagay sa kanan ko, hindi naman maliit ang sala at may kalakihan din ito kaya nag kasya ang isang set nang mga biniling papag at upuan ni Mama.

"Rose, labahan mo mamaya yung sanbrang ginagamit ko, magpahinga ka muna bago gawin yun"sabi ni tatay sa akin. tumango naman ako.

"opo."magalang na sambit ko. ganyan si tatay kapag hindi nakakainom kung minsan ay mabait minsan naman ay hindi inilalagay ang alak sa tiyan nya at napupunta iyon sa ulo nito."Tay, oo nga po pala, project po kasi kami at pinag dadala kami nang sarongola."nahihiyang dagdag ko, tumingin ito sa'kin. may nakita akong emosyon na dimaan sa mga mata ni tatay, lungkot at pait umiwas ng tingin si tatay.

"kumuha ka ng maganda-gandang plastick at igagawa kita."walang emosyon na sabi ni tatay sa akin.    

dahil baka mag bago pa ang isip ni tatay ay agad akong nag hanap nang maganda gandang plastick sa kusina, wala aong nakita kaya pumunta ako sa kwarto ko naalala kong may plastick nga pala ako naitago. nung bumili kasi kami nang kagrupo ko at may sobra kaya hiningi ko nalang may paglalagyan kasi ako, mag lilinis sana ako nang kwarto ko kaya lang ay nalimutan kong maglinis.

Bumaba ako dala-dala ang kulay pink na garbage bag. pag kababa ko ay nakita kong nasa harapan na ni tatay ang alak na pinabili, isang maliit na lambanog lang iyon at alam kong nakakalasing na kahit ganun liit kasing laki lang nito ang isang boteng cola.

"Tay, eto napo."ibinigay ko kay tatay ang plastick na kinuha ko. agad namang tinanggap ni tatay ang inabot ko.

sinukat ni tatay ang plastick"kumuha ka nang manipis na kawayan doon sa ginagawa kong pampailaw doon sa likod at kumuha karin nang kutsilyo."

agad naman akong tumalima na nagpunta sa likod bahay kung saan nakita ko kaagad ang mga kinuha ni tatay na kawayan, medyo makapal pa ang hiwa dito at mukang ninipisan pa ni tatay, kumuha ako ng isa at dumiretso s kusina at kinuha ang kutsilyo na pinapakuta ni tatay sa'kin.

ibinigay ko kay tatay ang mga kinuha ko at habang gumagawa ay tumatagay. bubuyog daw ang gagawin ni tatay na sarangola. si Drei naman ay nanonood habang naggagawa si tatay.

"Tay! akin po yan?."nakangiting pagtatawong ni Drai habang nanonood.

sumagot naman si tatay dito na tila natutuwa sa inaasta ni Drai"tsaka mo na hingin i'to kapag tapos nang gamitin ng ate mo."paliwanag ni tatay dito

tumango tango naman si Drai kay tatay."Papaliparin ko po yan! tapos po tay, lagyan mo po nang somba para malakas yung tunog."suhesyon pa nito kay tatay, 

Umupo sa tabi ko si linsey na nakabusangot ang mukha, napakunot naman ang noo ko dahil sa inasta nito. nang mapatingin sa'kin ito ay lalong lumukot ang maganda nitong mukha.

"Anong problema mo?"kunot noong tanong ko dito. umiling lang ito.

Dahil mukang aya magkwento nito ay hinayaan ko nalang, alam kong magku-kwento i'yan kapag hindi na makapagdaldal, tumingin ulit ako kay tatay at Drai na tuwang-tuwa talaga sa sarangolang ginagawa ni tatay.

tumayo muna ako para maligo, Nag tungo na ako paakyat sa kwarto ko bubuksan kona sana ang pintuan nang makaramdam akong presensya sa likod ko kaya napatingin ako sa likod ko at nakita kong nakasunod sa'kin si Linsey.

"Ate."tawag nito sa'kin at nakita kong may tumulong luha sa mga mata nito, hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nag mamadaling binuksan ko ang pintuan para doon kami makapag usap.

"bakit? anong nangyare sayo?"nag-aalalang sunod sunod na tanong ko. 

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now