Chapter 5

38 8 0
                                    

Nag pasama nalang ako kay Laida na samahan akong maningil 'kay ate Mina. Nag lalakad kami sa daan nang makita namin ang ibang pinsan na mukhang nagkaka-initan na dahil siguro sa laro

"Mga gagong 'to, magpupustahan tapos kapag nagkapikunan sa suntukan ang punta"mahinang sabi ni Laida, napailing iling nalang ako.

tama naman kasi s'ya, magpu-pustahan tapos sa away ang punta sana hindi nalang sila nagpustahan kung sa suntukan lang din ang punta nila.

hinawi ni Laida ang pinsan kong lalaki na nakaharang sa daraanan namin

"Ayaw tumabi. kita nang may dadaan"

sinamaan s'ya nang tingin ni kuya Kim. na napasama tuloy sa pagtutulak sa mga pinsan kong nag-aaway kaya s'ya ang napag buntungan nila kuya gilbert.

"Insan hindi ako yun gago, tinulak ako ni laida kaya nadali ka"paliwanag ni kuya Kim 'kay kuya gilbert na akmang susugurin s'ya nito nang suntok.

tinignan kami ni kuya gilbert na halata ang irita at tumingin kay laida na nginitian lang si kuya gilbert nang nakakaloko,

"kung mag-aaway kayo wag dito sa daan, para kayong mga batang yagit dyan na nag-agawan sa pagkain"masungit na sabi ni laida na hindi manlang natakot sa tingin ni kuya gilbert na masama ang tingin sa kanya

ako tuloy ang kinabahan para kay laida. wala kasing preno ang bibig ni'to at sasabihin kung anong gustong sabihin.

hinila ko nalang si laida paalis doon at para makapunta narin kami sa sisinginil namin. mamaya pag-uwi namin nakasimangot na si mama doon sa bahay ba'ka mag-alala pa'yun,

nakarating kami sa tapat ng bahay ni ate mina, at nakita ko i'tong naglalaba sa tabi nang pintuan,

"Ate Mina!."pagtawag ko hindi kami dumeretso sa bahay dahil may asong nakabantay, tumingin ito sa amin,"yung bayad daw po, sabi po ni mama."

Nag lakad 'ito papunta sa amin ni laida

"paki sabi sa mama mo, pasensya ngayon lang kasi dumating ang kuya Roel mo."

"opo, sasabihin ko po"nakangiting tugon ko.

nag umpisa na kaming dalawa ni Laida na maglakad para makauwi na ngunit nang daraan kami sa isang kabataang nakatambay sa isang tindahan na nadaanan namin kanina,

nakangising tumingin sa amin yung lalaking naka kulay itim, anim silang lalaking naka tingin sa amin nang pinsan ko.

"Oh!. diba eto yung babaeng yun"tumatawang sabi nung lalaking naka itim.

nakatingin ito sa akin. kinabahan ako bigla.

tumango i'yong lalaking katabi nito na naka kulay brown na nakangisi rin sa akin.

hinawakan ako ni Laida dahil alam nyang kinakabahan na ako. tumungo nalang ako para matakpan ang mukha ko dahil kinakabahan na talaga ako. natatakpan nang mukha ko ng mahahabang buhok ko.

dadaan na sana kami sa harap ng mga lalaking ito nang may humarang sa dinadaanan namin para mapatigil kami sa paglalakad nang pinsan ko.

"Padaan kami tol."pagka-usap ni Laida nang maayos

ngumisi lang ang lalaking nasa harapan namin."Miss hindi ikaw ang kailangan namin"sabi ng lalaki at sinilip ako sa likod nang pinsan ko"kung hindi yang kasama mo.."tumingin ito 'kay laida at sa kabuoan ng katawan"pero kung gusto mong makisama..."inilapit nito ang mukha sa mukha ni Laida"isasama ka namin"binuntungan pa nito nang nakakalokong halakhak

bigla akong kinilabutan sa mga lalaking kaharap namin at sa mga lalaking nakapaligid sa aming dalawa nang pinsan ko.

"Umalis kayo. habang matino pa ang pag-iisip ko"sagot ni Laida sa lalaking nasa harapan namin.

tumawa naman yung mga lalaking nakarinig sa amin,

"Mga iho, bakit ayaw nyong padaanin yang dalawang dalaga?"

nakanginga ako ng maluwang nang sumilip yung matandang babaeng nakatao sa tindahang malapit sa amin

hinila na ako ni Laida para makaalis na kami sa mga kalalakihang i'yon.

Nang makalayo na kami ay hinarap ako ni Laida na nagtatanong ang mga mata

"Anong sinasabi nang mga gagong yun?"tumalim ang mga mata nito na nakatingin sa akin

umiling ako"Na bu-bully lang sa school"ngumiti ako dito para ipakitang okay lang ako"tsaka wala yun, lilipas din yun at makakahanap din sila nang bagong target"dagdag ko dito

tinitigan ako nito nang maigi, hindi naniniwala sa sinabi ko.

tumango tango ako"Promise! i'm okay!"

kahit hindi

Na kumbinsi naman 'to, habang naglalakad kami papauwi ay nakasalubong namin si Felicity na'may kasamang apat na lalaki na mukang hindi taga rito at mikikita sa itsura nang mga 'to na may ipagmamalaki sa buhay.

naalala ko naman si kuya ace. oo, mahirap lang kami pero kaya kang mahalin nang totoo at buong-buo. si kuya ace?. hindi n'ya pinag patuloy ang collage dahil gusto nitong makatulong daw muna, at gusto n'yang makaipon nang pera para sa sarili n'ya at gusto niya na s'ya ang magpapa-aral sa sarili n'ya.

hindi tamad ang kuya ko, He's the baseball captain back to back champion pluse back to back MVP, so many wan't to give him scholarship but he refuse. kahit walang scholar ay alam naming makakaposok parin si kuya.

that's our Salutatorian brother!

kaya ewan ko kung bakit ayaw sa'kanya nang babaeng gusto n'ya.

napatingin sa gawi namin si feclicity at binigyan ako ngiti.

Dahil d'yan sa ngiting yan nahulog ang kapatid ko. at dahil d'yan sa ngiting yan nasasaktan ang kuya ko ngayon.

napatingin din sa amin ang apat na lalaking kasama nito. napatungo naman ako.

siniko ako ni Laida at bumulong"Diba nililigawan ni kuya ace yun?"tanong nito

umiling ako at tumingin dito nang deretso"Hindi daw tumatanggap ang pamilya nan nang mahihirap"natatawang kwento ko na'may kasamang pagiling

Napaka babaw ang dahilan! ang sabihin nila ayaw nila sa kapatid ko! ayun ang sabihin nila hindi yung gagawa pa sila ng ibang dahilan!

kumunot naman ang noo ni Laida sa sinabi ko halatang hindi makapaniwala"totoo? issue nila yung pagiging mahirap nyo?."sunod sinod na tanong nito na tinanguan ko lang

"grabe"bulong nito.

hindi nalang ako nag salita, nang maka uwi na kami ay nakita ko si Mama na naglilinis nang mga pinag gamitan kanina sa pagtitinda atsa lalagyan nang isda. cooler.

"Tita!"matinis na sigaw ni laida sa likod ko.

Napatingin naman si Mama sa gawi namin. nag lakad na kami papunta 'kay Mama. tinulungan ko s'ya na mag hugas nang pinag gamitan sa pag-titinda.

ibinigay ko narin 'kay Mama yung siningil namin kay ate Mina.

"Mag-luto kana sa loob"utos ni mama.

tumango ako at nag punta nasa bahay para makapag luto.

habang nag luluto ak ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

unti unting tumulo ang mga luha ko sa mata. simula nang mangyari i'yon sa buhay ko ay naging misirable na ang buhay ko,

Walang alam ang pinsan kong si Laida tungkol sa nangyari sa akin.

Walang alam ang pamilya ko sa nangyari sa'kin.

Walang alam ang taong nakapaligid sa'kin!

At wala silang alam sa akin! at kung ano ang nangyari!

at kahit kailan hindi nila malalaman.

Ang sakit isipin paulit ulit ang kinahahantungan. humahantong sa puntong gusto ko nang mawala.

Bugbog ni tatay? tatanggapin ko. hatawin n'ya man ako nang sariwang kahoy, sabunutan nya ako. hampasin. tadyakan at paulit ulit na bugbugin ay kaya kong tiinisin. pero wag lang yung ganitong nahihirapan akong, Mag pakita sa buong mundo.

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now