Chapter 8

14 4 0
                                    

A/N: YUNG PAROS NGA PO PALA AY ISA SYANG SEA FOODS KAPAMILYA NYA PO TALAGA YUNG TULYA, ALAM KO PONG ALAM NYO YUNG TULYA, MERON SA LAGUNA NUN TAMA LANG ANG LAKI NYA, BASTA HAHA HINDI KO RIN KASI ALAM KUNG ANONG ENGLISH NYA.

_________________________________________________________________________

Umuwi ako sa bahay nang iika ika ang lakad dahil kumikirot na ang sugat ko.

"Kaya ayokong nag lalaro, ayan tuloy napapala ko"bulong ko sa sarili ko, nakita ko si Mama na nagpapaginhawa sa'may bakuran, inilabas siguro kanina yung papag na maliit na pang isa o dalawang tao lang ang kasya

"Ma!"malakas na sigaw ko, napalingon naman sa gawi ko si Mama. nakaupo lang kasi ito.

nag lakad ako nang paika ika kay Mama na agad kumunot ang noo ng makitang ganun ako mag lakad. hinawi ko ang kahoy na nagsisilbing parang gate sa aming harapan, nang makapasok ako ay agad tiningnan ni Mama ang Paa ko na hanggang ngayon ay nag dudugo pa rin.

nag aalalang lumapit sa akin si Mama at agad na lumuhod sa harapan ko para mas makitang maigi ang paa ko"Nahiwa nanaman yang paa mo! hindi ba sabi ko sa inyo kung mag lalaro kayo nang baseball at tatakbo laging mag tsi-tsinelas!"pagalit na sabi sa akin ni Mama, nag-aalala.

ngumuso ako"Ma, hindi kasi umiiwas yung shell nang paros kaya natapakan ko tuloy, kita nang hindi ko sya nakita"nakangusong sabi ko, nag bibiro.

pero imbis na matuwa si Mama ay diniinan pa nito ang paa ko, kaya impit na napasigaw na nanaman ako

Alam ko na kung saan nag mana si kuya Ace. imbis na maawa sa akin talagang sinaktan pa ako.

"talagang sinisi mo pa yung paros ah!. ikaw talagang bata ka!"pagalit nanamang sabi ni Mama sa akin na'may pagkurot pa.

pumasok kami sa loob at nakita ko si tatay na nanonood nang TV kaya na payuko agad ako, alam kong pagagalitan din ako. kaya tanggap ko na.

"Ano nanaman yang sugat nayan"pagalit na sabi ni Tatay

kinabahan agad ako."nasugatan lang po ako"nakatungong sagot ko

"Kababaeng tao. ilang beses na kitang sinabihan na wag nang mag lalaro ng baseball ah!, isa pang makita kitang nag lalarunon ihahampas ko sayo yung pang Bat"

si Mama ang sumagot kay tatay"Hayaan mo nga yung mga anak mo! bata pa sila kaya pabayaan mo muna sila!"pagalit na sabi ni Mama

iginaya ako ni Mama paupo sa isang kawayang upuan na mahaba, kasya apat o tatlong tao. umupo kami doon ni Mama na may hawak nang bulak alcohol, nilagyan ni mama ng alcohol yung bulak at tsaka ipinahid sa paa ko.

Ewan ko ba bakit ang daming babaeng takot sa alcohol. like hindi kayo kakainin nyan.

"Ayan laro pa! sa susunod na hindi lang yan ang aabutin mo"diniinan ni Mama ang bulak kaya agad akong napangiwi sa hapdi 

ngumuso ako, alam kong hindi ako makakapag salita kay Mama kaya tahimik nalang ang ginawa ko, napalingon ako sa pintuan nang mag salita si kuya Ace.

"Tay, hindi po tayo mag bababad nang lambat?"sinulyapan ako ni kuya at inismiran lang 

"Mamaya ako nalang mag-isa ang lalakad dito ka muna"sagot ni tatay at kinuha ang t-shirt na nakasampay sa likod pati na ang sumbrero nito at sinuot bago lumabas. 

tumingin sa akin si kuya Ace"Ano masakit?"sarkastikong sabi nito, inirapan ko lang ito.

Sira ulo talaga palibhasa't sanay na syang mag sugatan. napatingin ako kay Mama nang matapos linisin ang sugat ko 

"lakad mag laro ka ulit, tapos pag uwi mo meron narin dapat yung kabila ha!"singhal ni Mama at bumaling kay kuya Ace na ngayon ay mag papatugtog sa speaker"Acendex, ikaw na bahala sa mga kapatid mo, ako'y lalakad na may at mag hahapon na"

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now