Chapter 10

17 5 3
                                    

Mag-kaiba kami nang section ni Laida kaya mag kaiba rin ang way naming dalawa papunta sa Room. 

"una na ako."sabi nito.

tumango lang ako, nang maka alis na ito ay agad naman narin akong tumungo sa classroom namin. Andromeda ang section namin.

Pag pasok ko nang pintuan ay agad akong nakarinig ng mga bulungan tungkol sa'kin. napatungo nalang ako ng marinig nanaman ang sinasabi nila, walang pinag bago ayun at ayun parin ang mga tsismis sa'kin. kailan ba sila nag sasawa?

dumeretso nalang ako sa upuan ko, titingin sila sa akin at ngingisi nang nakakaloko lalo na ang mga lalaki kong kaklase. hindi ko alam ang mga sinasabi nila dahil hindi ko naman naririnig.

Natapos ang klase kaya tumingin ako kay Ella na katibi ko at nag liligpit nang mga gamit nya."Una na ako Ella."paalam ko dito at dali daling lumabas kahit na narinig ko pang tinawag nya ako ay hindi ako lumingon patuloy lang ako sa pag lalakad ko.

dahil may ilang oras pa para bukas ang gate nang school ay umupo ako sa mahabang bato kung saan walang masdayong umuupo dahil lahat nang estudyante ay atat na sa pag-uwi nila. mga ilang minuto pa ay may naramdaman akong lalaking umupo sa tabi ko kaya umusog ako nang ilang metro ang layo.

"kung maka usod wala naman akong gagawing masama, a?."

rinig kong bulong nito. walang gagawing masama alam ko pero wala e. natakot na ako sa mga lalaking tumatabi sa akin. pwera nalag sa mga pinsan ko at kay Jm na sanay na akong laging kasama nang mga pinsan ko.

hindi ako sumagot at nanatiling nakatungo nalang. wala akong pake kung anong sabihin nya, Weird or something man yan. 

tumingin sa'kin yung lalaki at nginitian ako. lumabas ang isang dimple nito sa kanang bahagi ng pisngi."Miss hindi po kita kakainin."binuntunan pa nito nang mahinang tawa.

Hindi ko sya pinansin at tumingin nalang sa mga taong nag aabang na buksan ang Gate. May limang minuto pa bago buksan ang Gate ang nag babantay dito ay yung lalaking putol ang isang paa na masungit.

 iisa na nga paa matapang pa

 Nang nag bukas na ang gate ay hinintay kong umonti ang naglalabasan bago ako lumabas. nasa tabi ko parin yung lalaking tumabi sa akin kanina.

tumingin ulit ito sa'kin na may ngiti sa labi."May kasabay kang umuwi miss?"tanong nito sa akin

bakit nya tinatatong na kung may kasama akong umuwi?, hindi ko ulit sya pinansin.

nag salita ulit ito

"Parang Baliw akong nag sasalitang walang kausap, kahit na may kinakausap ako. haha. apir self isa kang certified na tangang baliw"bulong nito at humalakhak

napa iling nalang ako. tumayo na ako ng makitang wala nang gaanong taong nag lalabasan.

"Oy! miss sabay tayo!"

kumunot ang noo ko. ano bang problema ng isang to? nakita kong tumabi ito sa kanan ko kung saan ang kalsada.

"alam mo may mga naririnig ako tungkol sayo pero hindi  intiresado kaya wala akong pake"tumingin ito sa langit kaya napatingin din ako"kailan ba ako nagka-pake?"tanong nito sa sarili.

hindi ko nanaman napigilang mapangiti. kalalaking tao ang daldal. may humintong kotse sa tapat namin. kaya napahinto kami sa paglalakad, bumaba ang salamin nang kotse at isang lalaking irita ang mukha ang nakita namin. pamilyar sa'kin ang mukha nang lalaking. saan ko nga pala ito nakita?

"you idiot! kid! sabi ko sayo diba hintayin mo ako!"inis na sigaw nito.

hindi ko naman alam kung sinong kausap nito. kaya ng mag salita ang katabi ko ay tsaka ko lang nalaman. 

"Hindi kaya kita makita kanina!"sigaw din nito 

kaya yungmga estudyanteng nag lalakad ay napapatingin sa amin. naisipan kong mag patuloy nalang nang paglalakad dahil hindi naman ako yung kailangan. at kausap. 

bahala silang mag sigawan dyan. 

Hindi na ako sinundan nung lalaki. mukha naman syang mabait na madaldal. Guwapong madaldal, napangisi nalang ako.

Nakarating na'ko sa Bahay at naabutan ko lang doon si Drei na nanonood nang tv habang nakataas ang paa sa lemisitang maliit. nang naramdaman nyang may nakatingin sa kanya ay agad na bumaling ang tingin nya sa gawi ko.

"Nakauwi kana pala ate."tumayo ito para kuhanin ang remote nang tv at pinatay.

"Si Mama?"dumeretso ako sa upuan at tinanggal ang sa patos at sinabit ang Bag sa sabitan.

"Hindi pa nauwi e."sagot nito na agad namang kumunot ang noo ko.

anong oras na a?. tumingin ako sa orasang na nakasabit sa pader it's 6:40 pm bakit wala parin si mama?

"Pero nandadan na yung mga gamit sa paninda?"tanong ko ulit at nag tungo sa kusina para tignan kung may Hpunan naba. Meron nang pagkain at wala pang kabawas bawas.

"Opo!. walang tirang paninda kanina kaya walang niyeluhan. pero ewan ko po talaga kung nasaan si mama!"malakas na sabi nito dahil nasa kusina ako

Bumalik ako sa salas at nakita kong nag hahalungkat na sya nang notebook sa bg nya Assignment siguro. tumingin ito sa'kin na parang nahihiya."Ate. pwede mo ba akong turuan sa Math"kumamot pa ito sa ulo.

natatawang napa iling nalang ako bago lumapit dito at tinabihan sa upuan na mahaba at tinignan ang notebook nitong math na about lang naman sa multiplication table lang. 

"Madali lang naman to a."sabi ko dito at tinuruan ko nang makuha nya ang tamang pag sosovle ay sinabi nya na sya nalang daw ang mag sasagot. nang matapos ay yung isa naman ang sinagutan nya sabi nya hindi nya na daw kailangan nang tulong nya kaya hinndi ko na tinulungan at nag punta nalang ako sa kwarto ko para mag palit na nang uniform dahil kanina pa ito basa ng pawis.

Nang makababa ako ay nakita ko si tatay na kausap na ngayon si kuya Ace na aalis na ulit sa susunod na araw. tumingin ito sa gawi ko.

"Hindi makakauwi si Mama ngayon dahil may sakit si Nanay kaya pinuntahan."sabi ni kuya Ace sa akin at bumaling ulit kay Tatay na ngayon ay nanonood na nang tv.

"nasaan nga pala si Linsey?"tanong ko kay kuya Ace. na may kinakalikot sa cellphone nito

"Nakala Brikz ata?"sagot nito.

tumango nalang ako"Hahanapin ko nalang."nag paalam ako at pinayagan naman ako ni tatay na hindi lasing ngayon. 

lumabas ako nang bahay at pumunta muna kala Laida nag babakasakaling nandodoon si Linsey na nangangapit bahay nanaman. kumatok ako ng nasa tapat na ako nang pintuan. ng makadalawang beses akong katok bumukas ang pinto at isang hindi pamilyar na mukha ang bumungad sa'kin. agad namang kumunot ang noo ko kaya napakunot din ito nang noo.

"Ahm.  nandadyan ba si Laida?"nahihiyang tanong ko. 

niluwagan nito ang awang nang pinto para makapasok ako. nakasuot ito nang itim na t-shirt at sweatshort. napansin ko ring basa pa ang buhok nito na mas lalong bumagay sa itsura nya. hindi ko alam na'may ganito pa palang lalaki hapit na hapit dito ang suot nitong t-shirt at halatang nag la-light workout dahil sa pangangatawan nito.

nakarinig ako nang tikhim kaya agad na napa-iwas ang tingin ko dahil nakatingin din pala sya sa akin at napansin yatang pinag mamasdan ko sya!

"wait here."pinaupo nya ako sa single sofa"may tinatapos lang syang assignment sa taas"dagdag nito.

tumingin ako dito nang mag punta ito nang kitchen nila Laida"Ahm. hindi ka pamilyar sakin at hindi rin kita nakita kahit kailan"tumikhim ako nang makabalik sya"Ahm. sino ka?"derestsang tanong ko dito 

nakita akong bahagya ito napangiti. the way he smile. marami sigurong mga babaeng pinaiyak ito. inilapag nito ang basong may laman na orange juice sa harap ko.

"i'm her cousin. at kakauwi ko lang from canda. were bestfriends anyway--"

hindi nito natuloy ang sasabihin nang may sumigaw sa itaas kaya napatingi ako doon. at nakita ko si Laida na nag mamadaling bumaba.

"HOY! GAGO! DON'T YOU DARE FLIRT MY COUSIN! MAPAPATAY KITA!"paghaharumentado nito. agad namang kumunot ang noo ng lalaki sa harap ko.

"What! i'm not flirting her!"depensa nito sa sarili nito na totoo naman.

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now