chapter 3

28 8 0
                                    

Nakarating na si Mama nang makauwi ako galing kala lai, nakita ko si Mama na kumakain na kasabay ang dalawa kong kapatid

tumingin si Mama sa akin na halata ang pagod"Saan ka nanggaling? kumain kana ba?"tanong ni Mama 

kumuha ako nang tubig sa pitchel at nilagay sa maliit na lamesa dahil walang tubig na maiinom sila mama.

"kumain na po ako kanina"sabi ko at nag salin ng tubig sa baso bago inimon

tumango si mama"mamaya singilin mo si ate mina mo, kumuha nang isda at singilin nalang daw mamaya"

tumango ako"Opo, mga anong oras po ba?"tanong ko para masingil na mamaya 

"mga alas tres nang hapon, mamaya mo na singilin"

tumango lang ako.

kahit halatang pagod at hirap na si mama ay hindi parin kumupas ang ganda nang mukha nito, magandang hugis ng ilong, makakapal na kilay, mahahabang pilik mata, at magandang kurba ng labi na mapula.

hindi rin tumataba si mama na kahit anong kain ay payat parin.

sabi nga nang iba nag mana ako kay mama pero mali sila, dahil kay tatay ko nakuha ang lahat sa kanya ang pinag kaiba lang namin ni tatay ay matapang sya at ako ay mukang matapang lang pero hindi, nakuha ko ang kapal ng kilay ni tatay at mahaba na makapal na pilikmata, parehas din kami nang mata ni tatay na brown kay tatay ko rin nakuha ang ilong ko na bumagay sa labi kong tama lang ang pula, may nunal din ako malapit sa mata na kagaya ng kay tatay, ang nakuha ko lang kay mama ay ang katawa na kahit kumain ay hindi tumataba.

 ang kapatid kong si linsey naman ay nakuha nya ang lahat kay Mama ang nakuha nya lang na ugali kay tatay ay ang tapang, 

magkaibang-magkaiba kami nang kapatid ko, at ang kapatid ko namang si kuya Ace ay halos nakuha lahat nang 'kay mama at ang nakuha lang nito 'kay tatay ay ang mata't ilong 

Ang tingin sa akin nang iba ay Mataray, kaya lahat nang tao ay takot akong lapitan maliban nalang kung ako na yung lalapit sa kanila.

Pero ngayon ay talagang ayaw na nila akong lapitan dahil sa issue ko sa buhay. 

"Ne, mamaya pupunta akong cabuyao. gusto mong sumama?"tanong ni kuya na kasalukuyang nag aayos nang tansi kung saan gagamitin sa bagong biling lambat.

"anong oras? pinapasingil ako ni mama 'kay ate Mina"tanong ko, nasa maliit na sala kami ngayon. inaayos ko naman ang palutang na gagamitin din sa lambat.

"anong oras kaba maniningil?"balik na tanong ni kuya sa akin 

"mamayang alas tres nang hapon pa naman"sagot ko. kinuha ko ang isang nahulog na palutang 

tumango si kuya"anong oras palang naman ngayon, mamaya pag katapos ko dito mag salansan magbihis kana"

tumango nalang ako at binilisan ang pag sasalansan nang palutang dahil nakita ko si kuya na kunti nalang ang ilalagay sa kahoy kaya nag madali na ako,

nang matapos ako sa pagsasalansan ay naligo na ako at nag buhis at para mamaya ay hihintayin ko nalang si kuya para makaalis na.

Dito ang probinsya namin sa Laguna, dito na kami pinanganak at dito na kami lumaki. kahit dito ako lumaki ay wala akong ibang alam na puntahan kung hindi ang Cabuyao lang at wala nang iba, hindi kasi ako yung tipo nang taong pala-gala ako yung tipong nasa loob lang nang bahay at kung hindi sa bahay ay nasa dagat lang ako at kasama ang pinsan kong mga babae at lalaki.

ilang sandali pa akong nag hintay kay kuya at nang matapos na'to ay napag pasyahan na naming umalis 

Nag-hihintay kaming dalawa ni kuya nang jeep sa kanto ng makita ko si Laida na halata ang irita sa maganda nitong mukha, ng makita kami nito ay mas lalong sumama ang mukha sa amin

anyare dito?

hindi ko napigilang mag tanong nang makalapit ito sa amin  ng kapatid ko"bakit ganyan mukha mo?"tanong ko dito 

sumimangot ito"san kayo pupunta? bakit hindi ako kasama?"nagtatampong saad nito 

sinagot ito ni kuya Ace"sasama kaba? wag ka nang mag bihis ayos nayang damit mo"sabi ni kuya, agad namang nag liwanag ang mukha ng pinsan ko sa sinabi ni kuya

tumingin ito sa damit nito"ayos na'to, saan ba tayo pupunta?"pag anu'y tanong nito 

"d'yan lang sa Cabuyao may bibilhin lang ako saglit"

napakamot sa ulo si laida"Cabuyao lang? hindi kayo mag-gagala?"halata sa mukha nito ang dismaya

napatawa naman kaming dalawa ni kuya ace sa inasal nito

"gala na'yun sa amin"ginulo ni kuya ang buhok ni laida na palagi nitong ginagawa sa amin"at sakto lang ang perang dala ko"dagdag ni kuya

ngumuso si laida at napakamot sa batok."wala na kayong pupuntahan pag katapos n'yong bumili?"tanong ulit nito

umiling si kuya at nang may makitang jeep at pinara upang makasakay na kami.

umupo kaming tatlo sa tapat nang pintuan ng jeep. para madali kaming makalabas mamaya pagbaba namin.

"Manong, tatlong Cabuyao nga po!"sabi ni kuya ace"makiki-abot nga po nang bayad"dagdag nito nang walang kumuha. bumuntong hininga si kuya at sya na ang nag punta sa unahan para mag bayad ng tumigil ng sandali ang jeep.

tumingin ako sa mga taong naka sakay sa jeep. mga walang paki-alam

May sumakay na tatlong lalaki at nang makasakay ito sa jeep ay umupo ito sa tapat naming tatlo, tumungo ako sa ibaba at tumingin nalang sa tsinelas ko. 

hindi ako makatingin sa harapan ko o ang maglikot manlang ng mata na lagi kong ginagawa tuwing sumasakay sa jeep,

habang umaandar ang sasakyan ay parang tanga akong nakatungo lang dito. 

mayamaya ay siniko ako ni Laida kaya pasimple akong tumingin dito na nagtataka ang mukha

"Bakit naka tungo ka dyan?"tanong nito sa akin.

umiling lang ako at inangat na ang mukha at deretsong tingin sa bintana nang jeep. 

"Manong sa tabi lang po"

may pumarang pasahero kaya napatingin ako sa banta nito ay nahagip agad nang mata ako ang tatlong sumakay kanina. Nang maramdaman nitong mga i'to na'may nakatingin sa kanila ay agad akong nag-iwas ng tingin dahil baka mamaya ay mahuli ako.

"Rose."tawag sa akin ni kuya ace 

binalingan ko ito nang tingin at nang magtama ang mata namin ay nakakunot ang noo nito

kumunot din ang noo ko"bakit?"tanong ko. Naguguluhan.

"Aayusin mo nga yang buhok mo"pagalit na sabi nito

ngumuso ako at ipinusod ang hanggang bewang kong buhok, wala sa sariling napatingin ako sa nasa unahan ko na nakatingin pala sa akin

nahihiyang nagbaba ako ng tingin. Nahiya bigla. 

nakarating kaming Cabuyao at agad kaming naglakad sa pupuntahan namin kung saan bibili nang kakailanganin si kuya. 















Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now