Chapter 6

19 7 0
                                    

Sunday, hindi umuwing lasing si tatay kaya kahit papaano ay walang nanakit sa akin. ngunit naka tanggap naman ako ng masakit na salitang lagi ko nalang naririnig sa kanya,

Kailan ba mababago, sa tuwing makikita nya naman ako e, walang pinagbago ganun parin. pag sinagot ko lalo lang akong makakatikim nang kung hindi salita hataw kaya hindi na ako sumasagot. mahirap na.

ngayon nakatambay kami sa kubo kung saan ang tambayan namin hanggang ngayon. naglalaro ang iba kong pinsan nang online game dahil maganda ang signal dito. kami naman nila kuya ace at Laida ay nakaupo lang dito nanonood nang mga batang nag lalaro ng baseball at batuhang bata yung iba naman ay nag lalaro nang tagutaguan sa watter lily na matataas,

siniko siko ako ni Laida kaya napatingin ako dito, ngumuso ito. tinuturo si kuya ace na lalapit sa mga atang nag lalaro nang baseball.

"bakit?"tanong ko dito nang ibalik ang tingin sa kanya

tumayo ito"kamusta na yun?"tanong nito. 

tumayo narin ako at pinagpagan ang short ko para mawala ang damong tuyo na nakadikit,"hindi naman ganun kadaling kalimutan yung nangyari"tinuro ko si kuya na ngayon ay hawak ang isang kamat ng bata tinuturuan kung paano ang tamang pag hataw"makakahanap din yan nang tanggap sya. hindi lang panlabas at katangin kung hindi pati ang meron sya"

inipon kong lahat ang buhok na nililipad nang malakas na hangin at pinusod. tumingin ako sa mga batang naglalaro nang putik kasama na ang bunso kong kapatid na gagawa nang hugis kahon sa putik at uungkabin para ipangbato sa mga iba pang batang nagbabatuhan nang putik.

napailing iling nalang ako, dahil gawain namin din yan nung ganyan ang edad namin. mag babatuhan ng putik na binilog at gagawin naming pang bato at kung minsan naman ay gagawa kami nang bilog at papatigasin namin. kapag na tuyo ay ipapagulog namin kung kanino ang matibay o pinaka matigas na bola. 

minsan pa nga ay may nagkakapikunan at manunumbong sa mama nila, na ginawa ko narin kaso sa kuya ko ako nanumbong.

"Kuya! ang duga naman e. wag mong turuan! matatalo kami nan!"pag mamaktol nang kapatid naming babae na si Linsey. nakanguso pa.

tumingin si kuya ace dito at nginisian lang bago iwanan ang batang tinuruan kanina. umupo kami malayo sa nag lalaro dahil baka mamaya ay tumama sa amin ang Bat, minsan kasi ay kapag nakakahataw nang malakas yung ibang nag lalaro ay basta nalang hinahagis ang Bat.

Na hindi ko gustong maranasan ulit, kaming mag pipinsan ay hilig ang larong Baseball kaya sa tuwing nag kakayayaan ay sumasali kami, Meron din naman akong pinsan na magaling mag basketball. si kuya gilbert na silang nalo noong sportfest sa school at si kuya Gilbert ang MVP.

"Ayusin mo kasi laro mo!"sigaw ni kuya nang makaupo ito sa tabi naming dalawa ni Laida

itinungko nito ang dalawang kamay para suportahan ang kanyang bigat bago tumingin sa akin"ikaw hindi ka sasali sa mga yan?"tanong nito na tinuro pa ang nag lalaro

ngumuwi at umiling iling"Nag rereklamo na nga yung isa"pagtukoy ko kay linsey na nakasimangot na ngayon dahil kanina pa sila hindi nakakatira"tignan mo nga yung mukha, tapos sasali pa ako. baka mamay mag super sayan nayan"biro ko

tumawa naman ito at umakbay sa aki bago tignan si Laida na nakasimangot ang mukha"ikaw anong problema mo? bakit ganan mukha mo"pinisil ni kuya ang pisngi nito na ingalan lang

"si Mama, kanina pa tumatawag at nag papadala nang mensahe"

kumunot ang noo ko at tumingin dito"bakit ayaw mong sagutin?"curious na tanong ko.

"Tss, ginusto n'yang umalis, bakit ko pa sya sasagutin?"seryosong sabi nito"it's her choice. kung hindi nya kami iniwan ni papa edi sana hindi na s'ya tatawag at magpapadala nang mensahe. sinasayang nya lang ang oras nya sa akin"dagdag nito

ginulo ni kuya ace ang buhok nito para lalong mairita"Mama mo parin s'ya, at nag aalala lang sya sayo"paliwanag ni kuya

Nagulat nalang ako nang may tumamang bola sa ulo ko, sabi  na nga ba kahit saan ka umupo mahahagip at magagahip ka parin. pinulot ko ang bola at tumingin sa naglalaro, napapakamot namang tumingin at nag punta sa akin si linsey na sya ang may kagagawan siguro.

"Sorry. hindi ko sinasadaya"paghingi nang paumanhin nito, naka tungo.

ngumiti ako dito at inabot ang bolang tumama sa akin. hindi naman gaanong masakit ang pag kakatama kaya okay lang.

"Ayusin mo kasi minsan yung hampas mo sa bola."payo ko dito. tumingin ito sa akin, nakanguso

"hindi lang marunong yung Pitcher ng bola"pagsisisi nito sa kalaban na kung sinong nag hagis nang bola (the pitcher is the player who throws the baseball from the pitcher's mound toward the catcher to begin each play, with the goal of retiring a batter,) 

napatawa nalang ako.

nang makuha nito ang bola ay agad na tumakbo ito at mukhang sinisisi talagang bumato nang bola. may pinag manahan nga.

umupo ulit ako sa tabi ni kuya ace na ngayon ay tahimik na nanonood ulit sa nag-lalaro tinigil na ang pang iinis kay laida na ngayon ay tahimik na ring nanonood.

malawak ang dagat kaya kahit ang laro ay pwede rito. meron pa nangang nag lalagay nang ring na gawa sa pinutol na katawan nang niyog at lalagyan nila nang bilog at ayun ang ginagawang ring upang makapag basketball. pero ilang araw lang tinatagal dahil may pumupunta rin kasing mga dayo dito para maglaro pero naninira pa. kaya minsan hindi na nag gagawa sila kuya Girlbert nang Ring.

nang magsawa ang pinsan naming naglalaro nang online game ay nag-aya naman silang mag laro nang Baseball pang papawis lang daw.

"Ted! ano sali kana!"pang-aaya ni kuya Gilbert kay kuya ace, mag kasing edad lang ang dalawa. buwan nga lang ang agwat nila, sa edad na labing siyam na gulang ay mahilig parin silang mag kaanyayaan nang paglalarong 'yan, kung minsan pa nga ay talagang dinadayo pa nila si kuya ace sa bahay para lang mag laro.

"ted, kulang tayo nang player."tumingin sa aming dalawa si kuya kim na agad namang nag ningning ang mga mata.

agad namang umalma si kuya ace nang makita itong nakatingin sa aming dalawa si kuya kim"wag yang dalawang yan"may pagbabanta sa boses ni kuya ace

agad namang napasimangot si kuya kim na ikinatawa ko"sasali lang naman,e. pati bubuhatin naman namin sila. tsaka mag pipilian pa tayo nang player"paliwanag nito

sasagot na sana si kuya nang mag salita si Laida

"Sige sali kami! basta ba bato bato pik tayo kung sinong unang makakapili"masayang sabi ni Laida na agad namang inangalan nang lahat.

napasimangot naman ang pinsan ko na akala mo nalugi."hindi naman namin gagalingan mag jack'en poy e"

"hindi lugi kami sa inyo pag kayo ang unang nanalo sa bato bato pik. alam naming si Ace agad ang uunahin nyo"reklamo ni kyle na umiiling pa.

"Syempre! kami ang unang makakapili e."alma naman ni Laida, hindi talaga mag papatalo."tsaka hindi pa nga tayo nag-uumpisa! nag rereklamo ka kaagad"dagdag nito na may pag amba pang susuntukin.

tumawa naman ang mga nakakita at nakarinig.

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now