Chapter 7

19 6 0
                                    

Ang Baseball ay binubuo nang tig sisiyam na miyembro at ang kabuuang bilang naman ng mga player dito ay bente tres na miyembro, Pero kami ngayong nag lalaro ay nasa sampu lang ang bilang at tiglilimang miyembro lang kami.

kakampi ko si kuya Gilbert, Jm, kyle at kuya kim. si kyle na mukhang ayaw sa amin kumampi at sila kuya kim na wala manlang pakialam, hindi ko alam kung matutuwa ba ako kay kyle o ano. mukha kasing ayaw na ayaw nya kaming kakampi!

"Wala na talo na tayo hindi na ako makakatira"reklamo nito kay kuya Gilbert na nilagpasan lang sya.

"Clean, Dirty! sino Clean?"tanong ni kuya Ace na at kinuha ang isang kabiyak nang tsinelas nito

"Bato bato pick nalang kaming dalawa ni Laida,"sabi ko. napatingin naman sila sa akin na ginantihan ko lang nang ngiti.

tumawa naman siLaida sa akin. dahil alam nyang hindi ako mananalo sa kanya"klye! talagang ayaw kang patirahin ni Rose!"natatawang sabi nito. lalo namang bumusangot ang mukha ni Kyle.

"Oo nga. sila nalang dalawang babae ang mag bato bato pick"sang ayon ni kuya ace na sinang ayunan lang nang iba.

nakangising lumapit sa akin si laida at tumingin ulit kay kyle na naiinis na"Good luck sa inyo!"tumawa pa ito 

nag laban na kaming dalawa nang bato bato pick at sa huli ay kami ang nanalo kaya kami ang unang hahataw sa bola,

todo inis naman ni Kyle kay Laida na nakasimangot sa akin. kaya tinawanan ko lang.

"Wah! kami ang una!"parang batang sabi ni kyle 

binatukan naman sya ni kuya Gilbert na agad kinatahimik nito, si laida naman ngayon ang nang inis. parang mga bata lang.

habang tumagal ang laro ay meron naring mga taong nanonood sa amin kaya mas lalong ginanahan ang kabilang panig. 

"BOBO! OUT!"sigaw ni laida kay kyle nang ma-out ito na tinawanan nila kuya Gilbert at kuya Kim 

pinakita lang ni kyle ang gitnang daliri nito na mas lalong ikinatawa nila. napapangiti nalang ako dahil ngayon nalang ulit nangyari sa amin ang ganito, busy na kasi ang ibang pinsan ko at nag kakaroon lang sila ang free time pag sabado at lingo,

nasa akin na ngayon ang Bat at si kuya ace ang taga hagis nang bola (Pitcher). tinuro ni kuya ang bat.

"Taas taasan mo ang bat. pag nahataw mo ang bola siguradong palobo ang tama"payo ni kuya na agad ko namang sinunod.

"HOY! walang turuan!"sigaw ni kuya Tinner na nasa ikalawang Base

tinawanan lang ni kuya Ace si Tinner at humanda nang hahagis ng bola kaya napaayos naman ako. nang maihagis ni kuya ay agad ko namang hinataw para tumalsik ang bola sa kabilang lilihan, agad namang akong tumakbo sa bago pa ako mataya, tumakbo ako nang mabilis at naka abot ako sa ikatlong base. ang ginawa naming base ay ang mga tuyong lily.

"Nice one!"sigaw ni kuya sa akin na nag thumbs up pa. ngumiti ako at nag thumbs up din gamit ang dalawang kamay.

Napatingin ako kay Jm na pinag mamasdan ako, si Jm ay hindi namin s'ya pinsan best friend ni kuya Gilbert pero sabi nila kuya ay iturin na raw naming pinsan si Jm. John Menard Capunpon.

Kilala si Jm sa lugar namin dahil bukod sa Guwapo ito at palakaibigan ay sobrang bait pa! yung  isang beses na nakasalubong ko s'ya sa daan at may hawak na pinamiling mga snacks ay binigyan ako bigla!. tumatangi ako pero ang sabi nya sa akin ay wag na daw akong tumangi at masama daw timatangi sa grasya, nangonsensya pa. at yung isang beses na umuulan at hindi ako makauwi at makasakay sa Habal habal at sidecar yung dipadyak, nabigla nalang akong may tumigil na sasakyan sa harap ko na hindi ko inaasahan na s'ya pala ang may-ari ng sasakyan. pinasakay nya ako kahit nahihiya ako ay no choice na dahil ang lakas ng ulan, 

Sa ibang university nag aaral si Jm pero ngayon yata ay maaga ang naging bakasyon nila at dito nag bakasyon napag alaman ko ring Apo ito ni Don. Mando Capunpon.

Nang mahampas nito ang bola na malayo ang talsik at sa tubig tumama ay agad akong tumakbo sa bilis nang takbo ko ay hindi ko napansing may natapakan akong shell nang paros. kaya nang mapatingin ako sa paa kong nang hahapdi na pala ay nakita kong dugo na ng dugo, kaya nang makabalik si Jm sa base namin ay napansin nitong maraming dugo sa lupa kaya napatingin ito sa akin.

"The blood is your's?"takang tanong nito at bumaba ang tingin sa Paa ko.

napaiwas ako nang tingin at agad na iniwas din ang paa ko para hindi nya makita pero mali ako lumuhod s'ya sa harap ko at kinuha ang paa ko.

"Hindi naman malaki kaya okay lang ako."iniiwas ko ulit ang paa ko pero makulit sya at kinuha parin talaga.

"Hoy! anong meron d'yan at may paluhod si mayor!"sigaw ni Laida, napa hakbang ako para mawalan nang balanse pero. mabilis na kumilos si Jm kaya hindi ako napa higa.

Nakakahiya! ang lapit nang mukha nya sa akin at nalalanghap ko rin ang mamahaling pabango nito hindi ko alam ang gagawin ko at pulang pula na siguro ang aking mukha ngayon, tumingin din sa akin si Jm na mukhang wala lang ang nangyayari dito.

Inayos nya ko nang tayo at lumuhod ulit para tignan ang paa kong na sugatan. umiwas ako nang tingin ngunit sa kasamaang palad ay kay kuya ako napatingin na nag tatanong ang mga mata at mukhang naiirita. nag lakad ito papalapit sa amin at tinignan dan ang paa kong hawak hawak ni Jm.

"Anong nangyari d'yan?"napalitan nang pag-aalala ang mukha nito.

umiling ako at ngumiti ngunit hindi nito pinansin. Napaka suplado.

"Ayan! ayaw kasing mag tsi-tsinelas, kita namang maraming tulya at mga patay na isda dito talagang nag paa pa!"pagalit na sabi nito sa akin. napanguso naman ko

Napaka suplado talaga! hindi naman sya ganito a."Okay lang nga ako"binawi ko ang paa ko kay Jm at umapak ulit sa lupa. pinapakitang ayus lang talaga. pero ang magaling kong kuya ay talagang tinapakan pa! kaya impit na napa-igik ako.

nginisian ako nito"okay kalang?"sarkastikong tanong nito

Dahil sa ginawa ni kuya ay maluha luha na ang mata ko ngayon."Tinapakan mo, e!. paanong hindi sasakit yan!"inis na sigaw ko dito. na hindi sinasadyang mabatukan pa.

kaya napatigil ako sa gulat nang magawa ko yun, patay.

At dahil mabait nga ang kapatid ko kaya ang ginawa ay mas lalo pang diniinan ang paa kong may sugat. kaya hindi ko na napigilang mapasigaw.

"Tang*na!"sigaw ko sa sakit. hindi ko na alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa mga pinsan ko.

nakakhiya! binawi ko ang aking paa at nag lakad nalang kahit parang penguin akong paika-ika nang lakad. hindi naman nasakit kanina pero ngayon sobrang sakit na!

"Hoy! saan ka pupunta!"sigaw sa akin ni Kuya.

hindi ko binalingan nang tingin ito, nakakainis talaga."Uuwi na bahala kayo d'yan! para kang sira ulo!"sigaw ko pabalik 

ngunit sa pag lalakad ko ay nakita ko si Felicity kasama nanaman yung mga lalaki kahapon at may kasama pa s'yang dalawang babae na sapag kakatanda ko ang pangalan nang dalawa ay Laila Del mundo at Clare Santos na anak mayayaman din at kilala sa lugar dito pero ako hindi ko sila gaano ka kilala dahil hindi nga ako gala at hindi rin ako pala labas nang bahay.

Napatingin sila sa gawi ko. ngumiti sa akin si Felicity ngunit nawala rin yun nang may makita sa likuran ko na alam kong si kuya ace. kahit hindi ko tignan ay alam kong sumunod sa akin ang pinsan ko. tumingin ako sa likod at hindi nga ako naga kakamali kasama nya nga ang mga pinsan ko ngunit ngayon ay seryoso ang mukha ni kuya.

"Dalian mo ang bagal mag lakad"supladong sabi nito sa akin, napa tanga naman ako sa sinabi nya, hilo ba sya? una may sugat na ako sa paa pero ang ginawa nya pa ay tinapakan nya pangalawa sinigawan nya pa ako at pangatlo nahihiya ako sa mga pinsan ko.


Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now