chapter 2

34 8 1
                                    

Walang pasok ngayon dahil sabado nagluluto ako nang ulam namin nang pumasok si tatay at tinaliman ako ng tingin

alam ko sa tingin nya palang nayun ay alam kong nakainom sya anumang oras ay hahatawin at pagagalitan nanaman ako.

at hindi nga ako nagka-mali dahil may lumipad na basong plastic na pinaglalagyan ng tubig

"Ayan! lang gagawin mo! pagkatapos nyan! dyan kalang magaling sa pagluluto! wala ka manlang kusang maglinis ng bahay at tulungan ang mama mo sa pagtitinda! wala kang pakinabang!"sigaw nito sa akin na lumapit pa para bigyan ako nang isang sampal sa pisnge ko 

hindi ako nagsalita tinanggap ko yung sampal nya.

"Pinag-aaral kita! hindi para sumama sa mga lalaki dyan sa kalsada! para matulungan mo kami! wala kana ngang ginagawa dito sumasama kapa sa mga nakatambay dyan!"sinipa ako nito kaya napaatras ako at napaupo sa sahig

wala akong ginawa kung hindi ang kimkimin ang sakit. ang sakit talaga pag pinipigilan mong umiyak napaka sakit sa lalamunan at dibdib na akala mo nagbabarado

hindi naman totoong sumasama ako sa mga tambay sa kalsada at anong mapapala ko kung sasama ako sa kanila? wala! wala akong mapapala!

siguro may nakapag sabi nanamang demonyong kaiuman nito na kunwaring nakita nila ako para mabugbog nanaman. lagi naman ganun ng dahil sa ulok nang kainuman nya doon ako nabubugbog

"tangina ka! isa pa kitang makita sa kalsada hindi lang yan ang matitikman mo!"hinampas nito sa akin ang kawayang sariwa dahilan para mapa-igik ako sa sakit, tatlo apat limang beses akong hinataw nito"na iintindihan mo!"

tumango ako pero hindi sapat yun dahil sinabunutan at hinarap nito ang mukha ko sa kanya nang sabusabunot

"Sagutin moko! naiintindihan mo!"

"O-opo, O-opo"sabi ko na tumatango tango sa takot na hatawin nanaman ako.

basta nalang binitawan ni tatay ang buhok ko para maumpog pa ako sa bato kung saan ang lababo

nang maka-alis ito ay doon lang tumulo nang tuluyan ang mga luha kong napaka sakit na kung pipigilan ko pa.

naipatong ko ang ulo ko sa dalawang tuhod ko at doon umiyak ng umiyak, Wala dito si kuya dahil tinataan ang lambat si mama naman ay nag titinda nang isdang nahuli kanina ang mga kapatid ko namang kabataan ay nag lalaro sa labas kaya ako lang ang naiwan dito para magluto. mag-ligpit. at magwalis sa bakuran.

hindi ako umiimik kahit na'may ginagawa ako dito. hindi ako sinasama ni mama dahil wala daw mag luluto at maglilinis sa bahay kaya ako lagi ang naiiwan dito.

alam ko ang hirap ni mama pag wala si kuya at pagpumapasok ako sa school dahil pagod sya sa pagtitinda sya pa ang magluluto at maglilinis sa bahay.

ang kapatid ko na kahit may alam na ay wala namang ginagawa kaya ako ang gumagawa pag walang pasok, o kaya naman ay pag-awasan na.

pinunasan ko ang luha sa aking mga mata ng makarinig ako nang yabag ng paa at dali-daling tumayo para tignan ang aking nilulutong ulam para mamaya.

"si tatay naka-uwi na?"tanong ni kuya Ace sa akin.

tumango ako na parang walang nangyaring bugbugan kanina. nasa likod ko ito kaya hindi ko alam kung pinagmamasdan ako o ano.

hinawakan nito ang braso kong namumula at mukang bumakat ang latay sa akin balat"ano'to? bakit namumula tong parteng ito?"nagaalalang tanong nito

pinaharap ako ni kuya at sinuri parte nang mukha ko. napahirap magsinungaling pero ano pabang dapat gawin kung hindi ang magsinungaling nalang para hindi na lumala pa.

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now