chapter 4

31 8 0
                                    

Napadaan kami sa isang bilihan nang damit na tag-isang daan ang halaga, tumingin tingin kami ni Laida ng damit, 

"Anong gusto mo?"tanong sa akin ni laida

umiling ako kahit na may nagustuhan ako ay alam kong bibilhin nya para sa akin"Tsaka na'pag nagustuhan na ako wala pa naman akong na gugustuhan"

hinanap ko si kuya ace at nang makita ay agad ko itong sinundan para hindi na ako mapilit ni laida, 

Nahihiya na nga ako sa kanya tapos gusto nya pa akong bilhan ng damit. alam kong may pera sya pero hindi ko aabusuhin ang pera nya, nag iipon din naman ako para pag may gusto ako ay nabibili ko.

Naiipon ko ang baon kong ibinibigay sa akin ni mama kahit papaano. at kapag ako'y nagtitinda naman ay binibigyan ako ng pera tuwing nauubos.

nang makalapit na ako kay kuya ay umakbay ako dito

"Nahanap mo na yung kailangan mo kuya?"

tumango si kuya nang maabutan kami ni Laida ay agad din itong umakbay kay kuya

"kala nyo napaka gaan nang mga braso nyo"reklamo ni kuya ace

lalo pa kaming nag pabigat ni laida na mas lalong kinairita ni kuya, kami naman ni laida ay tawa lang tawa.

"kung ako kaya ang gumawa nang ginagawa nyo ano!"medyo malakas na sabi ni kuya, iaakbay sana nito ang braso sa amin nang agad kaming umiwas na dalawa ng pinsan ko

nag gala-gala muna kami bago naming maisipang umuwi na.

"Wala kang binili laida?"tanong ko nang walang manlang napansin na dala nito

inirapan ako nito"tinatanong kita kanina"

"wala naman talaga akong gusto e,"sagot ko nang makitang nakasimangot ito 

tumingin si kuya sa aming dalawa ni laida

"Dumaan muna tayo sa Rayzal bumili tayo nang mga pagkain dun"sabi ni kuya ace 

nag ningning naman ang mga mata namin ni laida, Dun kasi sa Rayzal ay mura ang mga chitchirya kaya sa tuwing nag pupunta kami dito ay hindi namin maiwasang bumili nang kung ano ano dito.

"pumili na kayo. ako na ang magbabayad"sabi ni kuya at nagpunta sa paborito nitong piattos section 

kami naman dalawa ni laida ay nagpunta sa candy section kuya saan nandodoon ang mga paborito naming pagkain.

kinuha ko ang paborito kong gummy worms at ang letters candy. si laida naman ay kumuha nang paborito nitong fretzel.

kukuha na sana ako nang isa pang gummy worms nang may bumanga sa'kin napatingin ako dito, napatingin din sa akin ang lalaking bumanga.

"Sorry. hindi ko sinasadya"hingi nang pasenya nito 

tumango lang ako at ako na ang unang umalis, hindi kona kinuha yung gummy worms na hinawakan ko.

hinanap ko si kuya at si laida, nakita ko silang dalawa na nakapila sa kung saan ang kahera. Nag punta narin ako sa mga ito at ibinigay kay kuya ang mga gusto ko,

"Eto lang gusto mo?"kunot noong tanong ni kuya 

kumamot ako sa ulo ko at tumango nalang, nauna na akong lumabas para doon nalang sila hintayin.

hindi naman nag tagal ang pagpila nila at madali lang din kaming nakasakay nang jeep pauwi.

Naka-uwi kami nang maaga dahil hindi naman kami nag tagal. Nakita ko ang dalawa naming kapatid na naglalaro sa bakuran. 

napangiti naman ako at tinawag ang dalawa upang bigyan nang pagkain

"Ate! Kuya!. saan kayo nag punta?"tanong nang bunso naming kapatid na si Drei Mark

ngumiti ako"dyan lang sa Cabuyao may binili si kuya na gagamitin sa pag-aayos nang lambat"

kinuha nito ang inabot kong gummy at bumalik ulit sa bakuran para bigyan ang ate nitong si linsey,

nauna na akong pumasok sa bahay at nakita ko si tatay na nakaupo sa kawayan na upuang mahaba. napatingin ito sa aming dalawa ni kuya.

"San kayo galing?"pagalit na tanong ni tatay sa amin

si kuya ang sumagot"bumili lang po, nang gagamitin sa paggagawa ng lambat ho."

tumingin sa akin si tatay, kahit na alam kong hulas na si tatay ay hindi ko mapigilang kabahan sa tuwing titingin sya sa akin.

"Ikaw! imbis na nandidito ka sa bahay at inaalagaan yang kapatid mo. wala kang ginawa kug hindi ang gumala!"sigaw na sabi nito sa akin. bahagya naman akong napaatras dahil sa takot ko.

Napatago ako sa likod mi kuya ace at napahawak sa balikat. nanginginig ang kamay ko nang humawak ako dito.

"Kasama ko po sya tatay,"pagtatangol ni kuya sa akin.

nilagay ko ang ibang gamit na binili namin sa lamesa at nagmamadaling umakyat sa kwarto ko, Hihintayin ko nalang na umalis na si tatay bago ako bumaba.

maya-maya ay papalaot na si tatay para mangisda pang tinda mamayang hapon, nakatulugan ko ang pag-alis ni tatay kaya nung magising ako ay alas dos na nang hapon.

Bumaba ako at narinig ko si kuya ace na nagpapatugtog ng Slowed Songs. na lagi nitong pinapatutog, nakita ko si kuya na nakaupo sa papag at may tinitignan sa cellphone nito.

He's 20 years old, pero kahit kailan ay walang naipakilala na babae o nadala man lang dito. Hindi naman sya pihikan sa babae ang sa kanya lang ay kapag may napatunayan na sya sa buhay, at sa palagay ko ay hindi sya mahihirapang makahanap nang babaeng para sa kanya, guwapo si kuya, may mga babaeng nagpapa-pansin sa kanya tuwing nag pupunta kami sa kabila naming pinsan, minsan nga may narinig pa akong kahit pinsan namin nag-kakagusto sa kanya, sa tuwing naririnig nga 'yon ni kuya ay tinatawanan nalang nya. and know he have a special girl right now but his scared to tell the family because of tatay, 

tumabi ako dito at sinilip kung ano o sino ang tinitignan nito, at hindi nga ako nagkamali si Felicity C. Mamplata, ang nag-iisang babaeng hanggang ngayon ay pinopormahan ni kuya, she's beautiful, talented, smart, all and all she's perfect and valedictorian to all school she enrolled. at napaka hirap nyang abutin.

"sinagot kana?"tanong ko dito. nangiinis.

pinatay nito ang cellphone at binaba bago tumingin sa akin"pinahinto nya na ako."tumungo si kuya. ramdam ko ang sakit at lungkot ni kuya ngayon.

niyakap ko nalang ito at kahit alam kong hindi mababawasan ang sakit nito ay ginawa ko parin para mapagaan manlang ang nararamdaman nya kahit kunti.

"Hindi pala sya tumatangap nang manliligaw na walang maipagmamalaki"humalakhak si kuya. nakita ko na'may tumulong luha sa mga mata nito 

Nasasaktan ako na nakikita si kuyang nasasaktan. ngayon ko lang sya nakitang nasaktan nang ganito kahit na sya ang kaisa-isang babaeng niligawan ni kuya ay sobrang nasaktan si kuya.

nagpunas ito nang luha gamit ang dalawang kamay"Tangina, HAHA. bakit ngayon nya lang sinabi?! sana sinabi nya at sana hindi nya ako pinayagang manligaw! kasi alam nyang mahirap lang ako at kung alam ko lang na ang hanap pala nang pamilya nya ay mayaman na tao para sa anak nila sana hindi ko nalang tinuloy, at sana hindi sya nag-bigay nang tanginang motibo nayan"huminga ito ng malalim at pinakalma ang sarili"tapos ngayon nya lang sasabihin sa akin yun? WOAH! AWITT!"sigaw nito at tumayo at pinatay ang tugtog

"nakikisabay kapang tugtog ka"masungit na bulong pa nito nang mapatay ang tugtog

Kahit napapaluha na ako'y hindi ko maiwasang mapangiti, paano ang tumugtog ay ang kantang before you go ni Lewis Capaldi

nasisi-tuloy ang kanta





Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now