Chapter 21

3 1 0
                                    

"March, 16 2013."panimula ko, naramdaman ko ang pagkatitig nito.

Tumingin ako sa malayong tanawin, ganito pala pakiramdam kapag nagkukwento ka sa isang tao ng istorya mo, napaka hirap at ang sakit kapag na aalala mo ang mga yun.

Huminga ako nang malalim nag-iisip kung itutuloy ko paba o hindi na, ang sakit kasi,

"Pinapahanap sa akin ni Tatay si kuya,"tumingin ako sa kamay kong naglalaro."hindi ko alam kung saan hahanapin si kuya, kaya doon ako nagpunta sa bukid nagbabakasakaling doon ko makikita si kuya sa subdivision,"napaluha na lang ako dahil sa mga sumunod na nangyari noong araw na yun,"pero habang naglalakad ako may nakasunod na palang dalawang lalaki sa 'kin, sa sobrang takot ko ay nagmadali akong maglakad, hanggang sa hablutin nila ako at... at..."hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang sariling hikbi ko.

"Shhh...dont, wag mo nang i-kwento."nilapitan ako nito at inalo,"sinabi mo ba sa mga magulang mo 'to?"tanong nito.

Umiling ako, kahit isa ay walang nakakaalam nito, hindi ko rin sinasabi kay laida, dahil baka hindi nito makayanan at baka magkwento kala mama at tatay,

"Bakit ayaw mong ipaalam? Alam mo bang baka maulit ito ulit?"

Hindi ako kumibo, hindi ko alam. Natatakot akong ipaalam.

"Hindi ko hahayaan na mangyari ulit yun."

Sinabi ko lahat sakanya, alam kong hindi nya naman hahayaan namay makaalam pa nang kwento ko,

NANG makauwi ako ay si andrei lang ang naabutan ko sa aming bahay. Wala si Linsey,

"Andrei, nasaan ang ate mo?"tanong ko.

Mula sa pinapanood nito ay tumingin ito sa akin.

"Hindi ko lang po alam ate. Si Mama wala pa."bumalik ulit ang mga mata nito sa pinapanood na slamdunk.

That's our favorite anime.

"Magbibihis lang ako tapos magluluto na ako."dumeterso na ako sa kuwarto ko at nagbihis.

Kumuha ako ng t-shirt na malaki at ang binigay ni kuya sa akin na short.

Mahilig ako sa mga damit at short ni kuya, yung iba nyang mga damit na pinaglumaan ay nasa akin na.

"Andrei!"tawag ko habang naghuhugas ng bigas na isasaing.

"Po?!"

Binuksan ko ang gazul at sinalang na ang isasaing, pinuntirya ko naman ay ang mga rekados sa lulutuing ulam.

"Tawagin mo na si Ate Linsey mo!"sigaw ko.

Hindi na ito sumagot at ang naririnig ko nalang ay ang tunog ng telebisyon. Lumabas na siguro.

Habang naggagayat ako nang Labanos para sa sinigang na baboy ay maynapansin ako sa maymalaking puno nang mangga. Sa bakod namin. May tao,

"Sino naman kaya yun?"tanong ko sa sarili ko.

Napansin kong Mahaba ang buhok nito, kumunot ang noo ko, hindi pa naman gabi? Pero bakit mukang may nagmumulto na agad?

Pinagsawalang bahala ko nalang iyon at nagpatuloy nasa mga rekados na hihiwain.

Naalala ko nanaman ang paguusap namin ni Ella. Sakanya ko lang sinabi 'yon.

"Ano yang niluluto mo, Nene?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita doon si Tatay na mukang hindi lasing ngayon.

Tumingin ako sa hinihiwa ko.

"Sinigang po,"sagot ko. Isinalang ko ang isang kaldero na paglulutuan.

"Ako na ang magluluto, doon ka nalang."kinuha ni tatay ang mga rekados at sya na nga ang gumawa ng gagawin ko.

Ganyan si Tatay minsan nasa tamang mood minsan naman kapag lasing ay hindi maganda ang tama ng alak.

Kumuha ako ng tubig sa pinchel at nagsalin sa baso. Iinom na sana ako nang magsalita si Tatay.

"Alam kong may Relasyon kayo nung binatang si Jm."sambit nito.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, paano nya nalaman? May nagsabi ba sa mga pinsan ko?

"Mayaman ang lalaking yun at kahit anong oras o araw ay pwede ka nyang itaboy."

Ngayon lang nagsabi nang ganyan sa akin si tatay, nakatalikod sya at hindi ko alam ang reaksyon nya.

"Hindi maganda sayo kung sya ang makakarelasyon mo."

May kirot sa puso ko, hindi ko alam kung bakit o ano,

NAGISING AKO nang may kumakatok sa pintuan ng kuwarto ko.

Agad akong bumangon at tumingin muna sa salamin kung merong mga dekorasyon. Nang makitang ayus naman ay nagpunta na ako sa pintuan at binuksan iyon.

Nagulat ako nang makita ko si kuya Ace. Kakatok pa sana ito nang makitang nakabukas na ang pintuan ay ibinaba nito ang kamay.

"Bakit?"inosenteng tanong ko dito.

May kinuha ito sa bag na dala at ipinakita sa akin. Isang papel kung saan natanggap sya sa eskwelang gusto nyang pasukan.

"Diba gusto ko dito mag-aral?"tanong nito sa akin. Tumango naman ako.

"Kaya kumuha ako ng scholar ship, tapos ayun after days nakatanggap ako ng sulat at ayan na!"masayang sambit nito.

Hindi mapaglagyan nang saya ang puso ko nang ibalita ni kuya Ace yun.

Akala ko ay wala na syang balak pumasok dahil tutulong muna sya, pero eto at mukhang itutuloy nya.

"Congrats! You deserve that!"masayang sambit ko.

"Sinabi mo naba kala Mama at Tatay yan?"masayang tanong ko.

Tumango ito,"kanina pa at ikaw nalang ang  hindi nakakaalam, bakit kasi tanghali kana magising?"Pinanlakihan ako ng mata nito.

Kumamot ako nang ulo ko,"May ginawa akong mga project kaya ayun, napuyat."totoong gumawa ako nang project ko.

"Oo nga pala, may binili akong mga gagamitin mo sa school, diba grade 11 kana  ngayon taon?"tanong nito nang malaon.

Tumango ako,

BUMABA na kami at nakita namin doon sila Mama at tatay na nagkakape. Agad napa angat ang tingin nila sa amin ni kuya.

"Magandang umaga po."bati ko.

Tumango lang si Tatay at tinignan si kuya Ace. Naglakad kami patungo sa kila mama at tatay. Umupo ako sa tabi ni Mama kumuha agad ako ng tinapay at nilagyan iyon ng palaman.

"Tay, scholar naman po ako,"rinig kong sambit ni kuya.

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now