Chapter 16

9 2 0
                                    

MABALIS na lumipas ang mga Buwan, wala na kaming pasok ngayon dahil bakasyon na pahinga ng mga estudyante.

Nandidito kami ngayon nang mga pinsan ko sa isang Resort nila Kyle sa Batangas, Isa sa sikat ang Resort nila Kyle sa Batangas marami ring nagrerenta dito at pumupunta. 

"Ihawin natin si laida mamaya!"sabay halakhak na sabi ni Rikz.

Nagtawanan naman ang mga gungong, kasama ngayon si kuya Ace dahil meron din pala silang bakasyon na isang buwan, nung nagpaalam ako kilala mama't tatay ay hindi ako pinayagan buti nalang ay nandoon si kuya Ace, ang sabi ni kuya ay sasama daw s'ya upang bantayan ako. malaking pabor sakin yun dahil pinayagan din ako ni Tatay, basta wag daw lalayo sa tabi ni kuya.

"Pag nandilim piningin ko se'nyo papatayin ko kayo!"ganti naman ni laida na hinagilap ang buhok ni Rikz sabay sabunot kaya naman umangal agad.

Papadilim na at tatlong araw ang stay namin dito, Naka-upo kaming lahat buhangin at nakabilog habang naggagawa ng apoy yung mga lalaki yung iba naman ay naghahanda nang kanilang mga iihawin, tulad nang Hotdog, marshmallow at kung ano ano pang lamang dagat na pwedeng ihawin ngayong gabi. 

Alam na pala ni kuya na nililigawan ako ni Jm dahil chinismis na pala sa kanya, okay lang naman daw sa kanya as long na hindi ako sasaktan.

Si kuya palang ang nakakaalam at hindi pa alam nila Tatay, hindi naman sa hindi ko gustong sabihin sa kanila pero kasi pinapangunahan ako ng takot. 

"May Meteor shower daw ngayon sabi ni mang tani."

lumingon ako sa katabi ko. ngumiti ako dito at tumango, alam ko kaya masarap pagmasdan ang gabi ngayon, hindi maulan at hindi rin maulap.

"Napanood ko nga."tinungkod ko ang aking mga kamay sa likod ko upang mas lalong pagmasdan ang kalangitan.

"EHEM! MAHIYA!"

Napapahiyang umusog ako nang kaunti at halos magkasing tabi na kasi kami ni Jm, hindi ko rin alam na pinapanood pala kaming dalawa ng mga pinsan ko!. nakakahiya!

 umupo sa tabi namin si Rikz at Brikz kaya nausod pa kami hangang sa mapaglayo kaming dalawa talaga. napakamot naman sa ulo si Jm at tinignan nang masama ang dalawa kong pinsan.

"HALA! MAY NAHULOG NA STAR!"

Napalingon ako nang sumigaw bigla si Tinner  na nakaturo pa sa kalangitan. napatingin tuloy ulit ako.

"tangina, nahulog daw amputcha."bulong na sabi ni Brikz na kumukuha nang hatdog at itinusok sa stick namay kahabaan.

"Hawakan mo muna yung mga kinuha kong snacks."inilapag ni kuya Ace sa'kin ang mga chitchirya na dala-dala namin nang nagpunta kami dito 

tumango ako at itinabi ang mga snacks sa aking tabi, may nakalatag naman na isang sapin sa mga lapag namin. Tumingala ulit ako at agad akong namangha nang may isa, dalawang meteor shower na mabilis na dumaan. Ang gaganda nila! at ito yung first time na makapanood ako nito sa buong buhay ko!

"Ang ganda nila."mahinang bulong ko at hindi ko alam na narinig pala nang katabi ko.

"Mas maganda ka dyan Rose."

Nagulat akong lumingon ng katabi ko nanaman si Jm na ngayon ay nakatungkod na ang dalawang palad para suportahan ang sarili nito na kagaya nang ginawa ko.

Hindi ko alam kung tutungo dahil sa sinabi nya o manatiling nakatingala kahit alam kong namumula ang dalawang pisgi ko. Mas pinili kong manatili nang makita kong may mabilis nanamang dumaan na Meteor.

"That's Gemini Meteorshower."sabi nito nang nakatingalan narin sa kalangitan.

"Alam ko, At first time kong makakita nang Meteorshower bukod sa bulalakaw na nakakita na ako."kwento ko dito,"Once a life time lang kung mangyari ang ganan kaya hinintay ko talaga. Best Memory for me."

Naramdaman kong tumingin ito sa'kin. pinagmamasdan ako."You are my Best Memory."mahinang saad nito habang nakatitig sa akin.

sinalubong ko ang tingin nito at ngumiti dito.

you're my the best memory too.

"Alam mo bang hindi naman talaga star ang hugis ng mga bituin?"tanong ko dito. pagiiba ng tapic.

Narining ko tumawa ito nang mahina nang maramdaman sigurong hindi ako makasagot.

"I know, Circle. that the Shape of stars."tumingin ulit ito sa mga bituin"masyado lang silang maliwanag kaya naghuhugis star sila pero bilog talaga ang shape nila."dagdag nito habang nakatingala.

"Bakit ba kasi sinama mo pa yang pinsan mo Laida!"

Napatingin ako sa gawi nila kuya kim nang sumigaw ito at tinutikog ay si Consti na nakaupo lang sa isang tabi habang nakatingin sa cellphone nito.

Tumingin ito kay kuya kim at inirapan bago tumayo para makitulong sa pagpapa-apoy ng kahoy."Your talking nonsense."kinuha nito ang mga nagkalat na balat ng snacks bago lumapit kay uya kim na hawak ang lighter. kanina pa kasi hindi masindihan yung mga kahoy kaya hindi pa nakakapaggawa ng apoy."Use your brain, Stupid."masungit na dagdag nito.

agad na mang umalma si kuya kim at susugurin na sana si Consti nang harangan siya nila kuya Ace at kuya Gilbert.

"Hoy! Dayo kalang dito! wag kang bida-bida! Gago!"galit na sigaw ni kuya kim na halatang kanina pa pinipigilan.

Agad namang kaming napatayo para makiaawat sa kanila.

"Ano ba! tumigil ka nga!"suway ni kuya Ace dito na halatang naiinis narin 

Tumingin ako sa paligid ko at hindi ko makita si Consti at kaya naman ay naglakad ako para hanapin si Consti kung saan man ito nag punta.

Sa paglalakad ko ay nakita ko ito sa cottage na nakaupo mag-isa at nakatingala sa langit, lumapit ako dito at nang maramdaman ako nito ay tumingin agad ito sakin. nagulat pa.

"Why are you here?"kunot noong tanong nito.

"Sinundan kita nawala ka kaagad, nag paringas kalang naman tapos na wala kana"umupo ako sa tabi nito at tumingala rin sa kalangitan 

Hindi ito kumibo kaya nag salita ulit ako,"Pasensya kana nga pala sa pinsan ko."huminga ako nang malalim at tumingin dito, hindi mapag kakailang napaka gandang lalaki din nito, Maganda ang pangangatawan at halos lahat ay nasa kanya na."Ganun lang yun pero mababait yung mga yun."

Bumuntong hininga ito at nagpakawala nang malalim na hininga,"I know, Alam kong galit sila sa gunawa ni tita myline."malungkot itong tumingin ulit sa kalangitan,"i love watching stars you know, nakakawala nang stress at lungkot."

tumingin nadin ako sa kalangitan at ayun nanaman ang mga meteor na nagpapasikat ngayong gabi, patuloy namay bumabagsak na nagpapaganta lalo sa gabi.

"Rose! Nandidito ka lang pala."

lumingon ako kay Jm na mukang hinahanap ako. bigla tuloy akong nakaramdam nang konsensya dahil hindi ko manlang nagawang magpaalam sa kanila, lumapit ito samin at bahagya pang nagulat nang makita kaming dalawa ni Consti na nakaupo pareho.

tumayo ako at pinagpagan ang pwetan ko upang mawala ang buhangin na nakadikit sa short ko bago ako nakangiting bumaling kay Jm na nakakunot ang noo.

"Sorry hindi ako nakapag paalam sa inyo."kumamot ako sa ulo ko at napapahiyang tumingin dito.

ngumiti ito sa'kin at kinuot ang isang pisngi ko na akala mo nanggigigil sa'kin."Wala yun, yung kuya mo kanina kapa hinahanap kaya pumunta kana roon."tumingin ito kay consti kaya napa baling din ako dito, mukang walang balak na tumayo si Consti."Dude, Hinahanap karin doon."

Bumaling ito kay Jm at tumango pero hindi naman tumayo,"Mauna na kayo, i can handle my self."bumaling ulit io sa mga bituin.

Mukang walang balak na Tumayo si Consti kaya hinila ko nalang sa kamay si Jm para makaalis na kami doon. 





Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now