Chapter 9

19 4 0
                                    

Tinanong ako ni kuya kung ano ba ang nangyayari sa akin at ganun nanaman ako. Ang sabi ko lang ay binangungot nanaman ako ng masamang pangyayari,

Lunes ngayon at may pasok. Nakaupo ako ngayon sa upuan ko dahil bawal lumipat dahil may parusa, mag lilinis pag lumipat ka at kapag inulit mo pa ay isang lingo kanang cleaners.

Buti na nga lang dahil katabi ko si ella. Kaya kahit papaano ay may kadaldalan ako.

"Rose! May sagot kana sa TLE?"mahinang tanong ni ella sa'akin

Tungkol sa mga parts nang computer ang aming TLE ICT, Technology and Livelihood Education. Information & Communications Technology(ict), Binigay ko nalang ang notebook ko dito dahil alam kong hihiramin nya rin naman yun. about lang naman sa Computer ang assignment namin kaya ewan ko kung bakit madali lang naman yun. nahihirapan parin si Ella. pero okay lang yun sya lang naman yung pinapakopya ko.

habang nakopya ito nang sagot ay umiiling iling pa"Kaya gustong gusto ka ni Ma'am hibaya."sabi nito

connect nun? si Ma'am hibaya ang teacher namin sa Ict. mag sasalita na sana ako ng pumasok na si Ma'am

"Class! may quiz kayo ngayon. about lang sa pinag-aralan natin nung friday"anunsyo ni ma'am kaya yung ibang classmate ko ay nag reklamo dahil may assignment na sinagutan nila at nalimutan na daw nila, hindi ba sila nag take down notes?

inilabas ko nalang ang one whole paper ko at binigyan ng isa si Ella dahil wala na raw syang papel.

"Number one!. it contains all the circuis and components that runs the computer"

hanggangs sa matapos ang quiz ay puro reklamo ng mga kaklase ko dahil ang baba ng nakuha nila. okay naman yung score na nakuha ko at kahit na mababa ang score ko ay okay lang din.

"si Rose na nanaman ang nakakuha ng mataas na score? nag-aaral ba kayo?"pagalit na sabi ni Ma'am

Hindi na bago. Kaya pag labas ko sa room ay kung ano ano nanaman ang maririnig ko. Nakakasawa na.

Break time kaya niyaya akong bumili sa canteen pero tinangihan ko nalang si Ella.

"Ate Rose!"

Napalingon ako dahil kilala ko ang boses na yun at walang iba kung hindi ang pinsan kong si Laida. Nakasilip ito sa binta nang classroom namin.

Lumapit ako dito. Para malaman ko kung anong sasabihin.

"Bakit?"takang tanong ko. Pag kalapit ko dito.

"Labas ka libre kitang burger"sabi nito, Na sumesenyas pa sa pintuan.

Lumabas nalang ako dahil wala naman akong magagawa e. Buti nalang konti na ang bumibuli sa canteen kaya naka bili agad kaming dalawa.

Nakatambay kaming dalawa ngayon sa isang punong malaki na'may bato sa gilid. Habang kumakain

Walang ginawa si Laida kung hindi mag kwento nalang ng mag kwento. Pero ayus lang yun dahil wala naman akong iku-kwento.

Nagulat nalang kaming dalawa ng may bumato sa likod namin.

"Tang ina! Sino yung gunggong na yun!"sigaw ni Laida na natamaan sa ulo kaya masamang mukha ang binalang kung saan saan.

Nakita kong wala namang ibang taong nandidito bukod sa mga dumadaan at hindi rin pinagtatambayan yung lugar na ito.

Mas nagulat pa kami nang lumabas sa bakod sila kuya Gilbert, kuya Kim kasama ang kambal at si Jm!, na hindi namin alam kung saan dumaan.

Maliban nalang kung nag akyat bakod sila?!

"Wazzup! Mga ka-pinsan!"yung dalawang kambal na sabay pang umupo sa tabi naming dalawa ni Laida na hanggang ngayon ay gulat parin sa nakita. Kahit naman ako.

"Anong ginagawa nyo dito?! Alam nyong bawal kayo dito!"mahinang sigaw ni Laida sa bagong dating

Mas nagulat pa ako nang sumiksik si Jm sa tabi ko at inagaw yung burger na kinakain ko!

"Gutom nako e"sabi lang nito sabay kagat sa kinakain ko

Tumingin ito sa akin at ngumiti kaya lumabas ang dalawang dimple nito.

"Hindi naman kami mapapansin, at kung mapansin man kami ng ibang estudyante at bago pa kami isumbong sa guard ay malamang nasa kabila na ulit kami"sabi ni kuya Kim at sabay salampak sa bermuda grass.

"Ano bang ginagawa nyo dito?"kunot noong tanong ko.

Tumingin sa'kin si Jm at tinuro sila kuya Gilbert na ngayon ay kain-kain na ang isa pang burger ni Laida.

Tumingin sa puno ng mangga si kuya Gilbert at tinuro ito"marami na kasing bunga kailangan ng anihin"walang pake alam na sabi nito.

"Kumukuha nanaman kayo ng mangga?! Sinuway na kayo nung nakaraang buwan a! Isusumbong ko talaga kayo kay Tita! Mga akyat bakod kayo!"hindi na napigilang sumigaw ni Laida.

Agad namang napangiwi ang mga pinsan namin.

"Bakit unang kagat tinapay agad?"reklamo ni kuya Kim na kanina pa kumakain pero ngayon lang nag reklamo.

Binatukan ito ni Laida na ikinatawa ko ng mahina

"Nagre-reklamo ka pa kanina mo pa nga yang kinakain at naki agaw kana nga lang!"

"Ano may mangga ba kayong na dekwat?"biglang bulong ni Laida na inilapit pa ang mukha kay Brikz.

Imbis na si brikz ang tumango ay si Vikz ang tumango ng tumango.

"Oo nasa kabilang bakod"sagot ni Vikz

Sumimangot naman ang mukha ni Laida sa narinig.

"Bakit hindi nyo ako binigyan. Tapos namayang pag uwi ko ubos nayun!"kunwaring nag tatampong sagot nito.

"Break time nyo?"bulong ni Jm sa'kin

Sasagot na sana ako ng may biglang nag reklamo sa likod.

"Kaya pala gustong sumama!!"malakas na sabi ni Brikz na nakatingin kay Jm.

"Oy! Pairacy naman sa dalawa oh!"dagdag pa ni kuya Kim. Na tatayo na dapat pero hindi natuloy dahil na hulog yung isang subo nalang na burger at kinuha sa damo bago kinain ulit"wala pang three second"sabi nito.

"Kadiri! Iwww"kunwaring nag susukang sabi ni Vikz.

Tumingin si kuya Kim dito"kala mo naman hindi mo gawain yun! Yung hotdog ng-"hindi natuloy ang sasabihin nito nang bigla tumakbo at sumigaw"putcha! Yung guard papunta na!"

Kaya yung apat ay agad na nag sitayuan at tumakbo narin.

Umakyat ulit sila sa bakod at nag sitalunan dahil malapit na ang dalawang guard sa kanila. Mabilis kasing tumakbo yung guard.

"Yan mga tanga kasi. Ayak bakod pa"bulong na sabi ni Laida.

Tatawa-tawa kaming nag lakad na lang ulit.

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now