Chapter 19

6 0 0
                                    

Nakauwi kami nang gabing iyon, gusto akong ihatid ni Jm pero hindi na sya pinayagan ni kuya dahil kasama ko nanaman daw sya, natuwa nalang ako dahil sa nakanguso at nakabusangkot nyang mukha.

Tanghali na akong nagising ngayon siguro ay dahil narin sa biyahe ay agad akong nakatulog, Naghilamos at nagsipilyo muna ako bago ako bumaba, ngunit pagbaba ko ay nakita ko ang mga pinsan kong nakikisabay sa kalokohan ni Drei.

Naramdaman nila ang presensya ko kaya napatingin sila sa gawi ko, tinaasan ko sila nang kilay dahil sa mapanuring mga tingin nila.

"Morning."saad ko, dumeretso ako sa kusina upang tignan kung may naluto na ba.

Habang nasa kusina ako ay naririnig ako ang mga kulitan at kalokohan nila.

"Ganito, kapag may kaaway ka sa school, sintukin mo sabay takbo!"

"Tanga! Wanya naman gagawin mo sa kupare kong Drei, ganito gawin mo hamunin mo sila, tapos tumakbo ka kapag nakasuntok ka nang isa sa kanila, tapos manumbong ka!"

"Tanginang nyo! Kung ano-anong tinutiro nyo sa bata!"

"Kala mo naman to! Hoy! Laida, baka na kakalimutan mong tinuruan mong magpakyu si ayesha! Kaya napagalitan tayo ni tiyo!"

"Tawag dun, magandang gawain!"narinig kong sabi ni laida.

Lumabas ako nang kusina at masasama silang tinignan, mga walang kuwenta ang mga pinag sasabi nila sa kapatid ko.

"Drei, lumabas kana maglaro."tumingin ako dito bago sa mga pinsan ko. Sinamaan ko sila nang tingin.

"Kung ano-anong tinuturo nyo sa kapatid ko, mga nandedemonyo nanaman kayo."pagalit na sabi ko sa mga ito.

"Si kuya kim, kasi nagumpisa, e."sumbong ni laida na nakaturo pa sa kay kuya kim.

Sinamaan naman sya nang tingin ni kuya kim, nanghahamon.

"Kumain na kayo?"pag-iiba ko sa usapan dahil alam kong mag-aaway nanaman ang dalawang yan.

"Oo, pinakain kami ni tita este."sagot ni kuya kim na kinukutkot yung pintura nang upuan namin.

Tumango nalang ako at tumingin sa mga matang kanina pa ako pinagmamasdan.

"Bakit?"takang tanong ko dito.

Ngumisi ito at umiling.

"Nothing, you're cute when you serious."saad nito.

Hindi ko mapigilang mapairap dahil sa sinabi nya, cute? Galit na nga cute pa? Iba yata pananaw nito.

Tinapik nito ang bakantang upuan samay tabi nito, nagdalawang isip paako kung susundin ko ba sya pero sa huli ay umupo nalang din ako.

"You don't eat breakfast."may pagpapaalalang sabi nito.

Hindi ko naman talaga gusto ang kumain kapag umaga dahil feeling ko ay masusuka ako kapag kumain ako nang pananghalian.

Kaya kape lang ang inaalmusal ko kapag umaga.

"Hindi din naman ako masyadong kumakain kapag umaga, kape lang talaga."sabi ko dito, tumingin ito sa'kin bago tumaas ang paningin nito sa aking buhok.

"Nagsuklay kaba?"tanong nito.

Hindi pa ako nakakasagot nang tumayo ito at kinuha yung suklay na nakita sa lamesita bago bumalik sa kinauupuan.

"Turn around i'll brush your hair."sambit nito nang makaupo na.

Sumunod ako, tumalikod ako at nakita ko sila kuya kim at laida na nakangising aso.

"Alam nyo sana all!"sambit ni laida, na parang kinukurot ang pigi sa sobrang kilig.

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now