Chapter 20

6 0 0
                                    

Ilang lingo nalang Graduation na namin at lahat ay excited, sino ba namang hindi excited diba? High school is the best memory to all student! Sabi nga nila ang pinakamasaya ay ang high school life, na totoo naman.

Masaya na sana yung akin kaso nagka issue pa, that's life, hindi naman araw-araw masaya. May haharapin at haharapin kang pagsubok. Ang kailangan mo lang gawin ay salubingin at malalagpasan mo din naman. Kaya yun ang ginawa ko. Ang salubingin at hayaang lumagpas.

Nandodoon na tayo sa point na iiyak at iiyak ka. Walang kahit na sino ang hindi dinadaanan nang problema. When the problems comes you need to fight that.

"Arms forward!"

Naipit ako bigla nang biglang sumigaw ang adviser namin na pinapaayos kami nang pila. Wala na kasi yung iba sa pila. Sinunod ko ang sinabi ng guro namin.

"Ma'am si Lary! Ayaw umayos!"

Narinig ko ang sumbong nang isa naming kaklase. By height kasi ang pila. Ikaapat ako sa mga babae sa dulo. Tumatangkad narin kasi ako.

Sinuway sila si Ma'am Magallianes. Maya-maya lang ay gulo nanaman ang pila namin dahil sa mga lalaking nagtutulakan sa likod. Pati tuloy kaming mga babaeng nakapila ay nadadali at nawawala rin sa pila.

Hindi ba manlang sila nag mature? Gagraduate na't lahat-lahat ay naglalaro parin sila na parang mga bata?

"Napaka panget talaga nang ugali mong demuho ka!"

"Mas panget mukha mo! Mukha kang sinumpa nang tatlong beses!"

Napatingin ako sa gilid ko nang marinig si Tinner na ngayon ko lang narinig na gumanti.

Kasama namin ang mga pangumaga sa pagpa-practice, aakyat kami sa stage at i-aabot sa amin ang deploma kapag nakuha na namin ang deploma ay makikipagkamay kami. Ganun lang ang gagawin namin hanggang sa mag-uwian.

"hindi ba talaga kayo aayos!!"

Nakita kong naglalakad si Ma'am hatulan na hawak hawak ang kanyang pamaypay. Nang makalapit ito sa nagaaway ay hinampas nito si tinner.

"Hindi na kayo mga bata! Jusko naman!"sabi ni Ma'am na umalis din nang mapatahimik ang mga estudyante.

Napatingin sa 'kin si Tinner na kumakamot pa sa ulo nya, tinanguan ko lang sya.

Nang matapos ang practice ay break time. Hindi dapat ako papasok sa room nang hindi lang nagpasama si ella na kukuhanin yung bag, nandodoon daw kasi yung pera nya. Wala akong nagawa dahil hinila nya na agad ako kaya hindi na ako nakaangal kahit gusto ko.

Napalingon ako sa guard house ng may mapansin na isang lalaking naka upo sa batong pahaba na ginawang upuan. Napalingon sa 'kin si Jm at agad akong nginitian. Sinuklian ko naman din sya nang isang ngiti.

Tumayo ito at naglakad sa direksyon ko.

"Hindi yan taga dito diba? Kilala mo?"tanong ni ella nang makitang naglalakad si Jm papunta sa amin.

"Ang gwapo nya,"bulong pa nito.

Nilingon ko si ella at halata dito ang pagkamangha. I'm aware na maraming nagkakagustong babae sa kay Jm. Pero kapag sa harap harapan kong naririnig iyon parang hindi maganda ang dating sa akin.

"Uhm... lets date after your practice?"tanong nito nang makalapit sa amin.

Impit namang napatili si ella nang marinig. Agad din sigurong namula ang aking mukha dahil hindi ko inakalang iyon agad ang sasabihin nya.

"Anong ginagawa mo dito? Pinapasok ka nung guard? Diba bawal pumasok ang hindi estudyante dito? Friends na kayo?"sunod sunod na tanong ko.

Imbis na sagutin ay nag tanong ako. Bigla akong nahiya. Pinagtitinginan na ngayon si Jm nang ibang estudyante.

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now