Chapter 14

8 3 0
                                    

Natapos na ang ginagawang buradol ni tatay at naitago ko narin ito sa kwarto ko, gustong gusto ngang kunin ng kapatid ko, pero nung pagalitan sya ni tatay ay tumahimik din ito.

Natapos ang pinapanood kong Drama sa tv at  gayon ay ibang penikula naman ang pinapanood ni tatay, FPJ ayan ang pinapanood nya, idol na idol nya si fernando poe at lahat nang mga penikula nito ay napanood na pero mas gustong balik balikan ang pelikula.

tumingin ako nang mag salita si tatay na hindi naman akma sa pelikulang pinapanood namin.

"Ikaw, Rose. kahit kailan wag kang hihingi nang tulong sa kahit sino."lasing na sabi ni tatay, hindi ko alam kung seryoso ba o usapang lasing lang.

pinag patuloy ni tatay ang pagsasalita nya, at mukang hindi usapang lasing ang kwento ni tatay dahil kita ko sa mga mata nito na gustong lumuha.

parang may kumirot sa dibdib ko nang makitang may umalpas na luha sa mata ni tatay, luhang ngayon ko lang nakita dahil malimit na seryoso si tatay at minsan naman ay palabiro. hindi ko alam na ganito pala ang tama ng alak sakanya ngayon.

hindi ako nagsalita at pinakingan lang si tatay sa pagku-kwento nito. 

"Wag na wag kang takbo sa kahit sinong kadugo natin."kinuha nito isang tagay nalang na lambanog at nag patulog ulit sa pagsasalita."Dahil WALA SILANG KWENTA!"

Nagulat nalang ako nang biglang ibinato ni tatay ang walang boteng lambanog sa dingding namin at gumawa iyon nang tunog. nakikinig din si Linsey at Drei sa kwento ni tatay at sabay kaming mga nagulat dahil sa biglang galit ni tatay.

tumawa nang mahina si tatay at ayun nanaman yung kirot sa dibdib ko ng punasan ulit ni tatay ang luhang tumakas sa mata nya.

hind ako sanay na nakikitang ganito ang tatay ko, as gugustuhin ko pag ako yung umiiyak kesa sa isa sa pamilya ko, parang ang sakit na makitang lumuluha sila. 

"Hindi sila marunong tumanaw nang utang na loob! kahit isa sa kanila ay wala manlang tumulong sa atin!"galit na talagang sigaw ni tatay. dumulog na dito si Mama at pinatigil na dahil pati si Mama ay parang gusto naring umiyak sa nakikita kay tatay ngayon.

"Tama na! Pabayaan mo na sila! nakakaraos pa naman tayo kaya pabayaan mona."mahinahong sambit ni Mama."Halika dun na tayo sa kwarto at matulog kana, hindi yung ganyan ka kapag nakakainom."inakay ni Mama si tatay sa kwarto nila agad namang sumunod si Drei kila Mama dahil doon din ito natutulog sa tabi nila ni Mama at Tatay.

Ano bang problema ni Tatay kila Tito? bakit galit na galit si tatay sa mga Tito ko? May hindi ba sila pagkakaunawaan?. pero hindi kasi sobrang galit ang ipinakita ni tatay ngayon. I see here bitter and angriness.

Ang daming katanungan sa isip ko na tumatakbo. malalim na napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa katabi ko ngayon.

Naalala ko yung pag uusap namin kanina sa kwarto ko, kinuwento nya sa'kin na yung matagal nya naraw na crush ay may girlfriend na ngayon at ang kinaiiyak nya ay ang bestfriend pa nya ang girlfriend.

Well siguro kung ako naman ang nasa pusisyon nya ay ganun din ang mararamdaman ko, but i don't have crushes. wala akong naging crush dahil hindi ayan ang pinuproblema ko at bata pa ako kaya gusto kong maging memorable ang kabataan ko.

"Ate, Dabat bang hindi ko nalang sila pansinin?"malungkot na tanong ni Linsey na ang tinutukoy ay ang kaibigan nito.

tumingin ako dito at umiling dahil kung ako sakanya ay mas pipiliin kong maging masaya nalang para sa kaibigan ko.

"Ayan ang wag na wag mong gagawin."pinanlakihan ko ito ng mata na ikinangiwi lang nito"Mas magandang maging masaya kanalang para sa kanila, sasayangin mo lang ang pagkakaibigan nyong dalawa."

Meteor  shower(On-going)Where stories live. Discover now