Bar Boys 34

241 6 7
                                    

Happy New Year! May your 2021 be filled with blessings, happiness, contentment, and every good things you deserved. Enjoy.

Bar Boys 34

"Hindi naman sa dahil sa bahay ako nagt-trabaho ay magpapabaya ako. Hindi ganoon 'yon," marahan kong pagpapaintindi kay Gideon thru video call.

Narito ako ngayon sa higaan ko, habang si Gideon ay halatang nasa kaniyang opisina base sa background niya. Behind him is just a glass wall, ngunit dahil tanghali na at sa direksyon niya ang init, ay nakababa ang blinds.

Gideon just frowned then pouted his lips. Natawa ako ng bahagya kaya lalong sumama ang tingin niya sa akin.

Natawa na lang ako. Noong isang araw niya pa kasi ako kinukulit na bumalik na lang sa opisina dahil wala siyang makausap doon. Ang usap na tinutukoy niya ay asaran. Well, ayaw niya namang informal na makitungo sa ibang katrabaho dahil mataas ang posisyon niya roon... at wala namang magtatangka kahit gusto niya. Ako lang.

"Hindi ko pa rin makuha kung bakit ikaw ang magaadjust para sa Montemayor na 'yon..." halos may pahiwatig ng kung ano ang tono ni Gideon.

I raised a brow at him. He just pursed his lips at mataman akong tinitigan.

Anong ibig niyang sabihin... I already told him what was my reason ah? Is it just about him not wanting me to work at home or... may iba?

"I told you, instead na makasuhan at magbayad ng malaking halaga si Rafael, ako na lang ang gagalaw. It's a win-win. He won't pay a huge amount of money and I will be having my precious time working in my unit, 'di ba?" I tried to be as enthusiastic as I could pero sa mukha ni Gideon at sa paraan ng pag-irap niya ay tila may nabuo nang konklusyon sa utak niya.

I just sighed at nanahimik na lang. Bumuntong hininga rin si Gideon bago muling magsalita.

"You still cared for him, don't you?" Aniya. Agad namang nanuyo ang lalamunan ko dahil doon. So, ito nga talaga ang pinapahiwatig niya kanina pa.

Do I care for him? Of course not.

"No. I don't think so..." walang kasiguraduhan kong sabi. Gideon just tilted his head a bit as he looked at me with so much judgment. I just looked away for feeling uncomfortable.

I shifted on my seat, dahilan para maalog ng kaunti ang laptop ko.

"Kung ganoon, you should've let him pay the fine then leave the company," seryoso ngunit ngayon ay nahahaluan ng panunuya niyang sabi.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. He just pursed his lips to stifle his smirk.

Akala ko'y tapos na siya sa pagsasalita ngunit nagpatuloy siya.

"...unless of course, you're still the same you when it comes to Engineer Montemayor... your young love is still there, the one who adores him so much--"

"Pwede ba?! Kung anu-ano nang mga sinasabi mo," awat ko sa mga pinagsasabi ni Gideon.

Agad naman siyang humalakhak. His hearty laugh echoed on his office as I felt embarassed for the words he used.

Hindi naman siya matigil sa malalim niyang pagtawa kaya't pinilit ko pang gumawa ng dahilan.

"L-let's just say I'm a good person. That's all. Wala nang iba pang dahilan," pinal kong sabi ngunit hindi pa rin matigil ang kaibigan sa pagtawa.

I pursed my lips as I felt my face heated with embarassment. Nakakatawa ba iyon?

"Kung wala ka naman nang ipapagawa, ibaba ko na ang tawag. Nasend ko na sa email mo ang hinihingi mo," walang gana kong sabi.

Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon