Warning: Mapanakit haha.
Bar Boys 10
Monday na. Ibig sabihin ay unang araw ng pasok.
Maingay ang gymnasium ngayon dahil napupuno ito ng mga estudyante. Mostly ay mga freshmen dahil ang program na gaganapin ay pagwe-welcome sa amin.
Lahat ay excited sa unang araw ng college life. May mga nakikipag-usap sa mga dating kaibigan, sa mga bagong kakilala, may malakas na nagtatawan ngunit mayroon ding pinipili na lamang na manahimik at mag observe sa paligid.
Isa na ako doon. Hindi ako tahimik dahil sa pagoobserve, dahil ito sa pag-iisip tungkol sa nangyari kagabi.
Flashback
"M-ma... hindi po. W-walang namamagitan sa amin," sagot ko kay mama habang nilalapitan siya.
Kitang-kita ko sa mata ni mama na nasaktan siya sa nalaman ngunit nanatili lamang siyang kalmado habang minamata ako at palipat kay Rafael na nasa likuran ko lamang.
"Pero gusto mo rin siya, anak, hindi ba?" Malumanay niyang tanong na lalong nagpahirap sa akin.
I'm sure Rafael heard it.
"Ma..." I almost whispered dahil tila nauubusan na ako ng hininga para makapagsalita.
Kahit hindi ko iyon sagutin ay siguradong alam na iyon ni mama habang pinapanuod ako ngayon. Panigurado ring alam iyon ni Rafael na tahimik na nanunuod sa amin ni mama.
Ako lang talaga itong pinipilit isipin na wala talagang namamagitan sa amin.
She sighed at marahang napatango. With her heart breaking, she gave me a small smile.
"Sige na, 'nak. Balik lang ako sa kusina... maraming bisita ngayong gabi..." she said using her usual soft voice.
Hindi niya na ako hinintay makasagot dahil tahimik siyang bumalik sa pagta-trabaho.
My heart broke watching her smile as she go back working. Hindi ko magawang sundan siya dahil tila kasabay ng pag blangko ng isip ko ay hindi ko na rin nagawa pang gumalaw sa kinatatayuan.
The night is already deep. Everyone is wilding. Lahat sila ay nagpapaka-saya na wala ni isa sa kanila ang nakapansin sa amin. Sa kung paano bumagsak ang mga luhang kanina ko pang gustong patigilin.
A rough hand reached my shoulder. Si Raf iyon.
Gusto ko siyang itulak at pagsabihan ng masasakit na salita dahil bakit inamin niya pa na may gusto siya sa akin? Bakit niya pa ngayon ipinaalam na gusto niya rin ako? But I can't blame him tho dahil wala siyang alam kung bakit ako nahihirapan ngayon.
Oo, alam kong matagal ko nang gustong marinig iyon galing sa kaniya, na gusto nya ako ngunit iba na ngayon eh. Isa pa, napagdesisyonan ko nang ibibigay ang pagkakataong ito kay mama.
Si mama... hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya.
Of course, she would think na I betrayed her. Na alam ko ang tungkol sa kanila ng senyor pero hindi ko man lang sinabi sa kaniya ang tungkol sa feelings ko kay Raf.
"P-please R-Raf... just let me... go," I barely said dahil sa inis, galit, guilt, at kung anu-anong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. I felt his hand twitched at mabagal niya itong inalis na tila naiintindihan ang pinanggagalingan ko.
I'm too occupied by what happened that I just noticed na nandito na pala ako sa labas ng Quest. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko at hindi pa rin kumakalma ang sarili.
Tila ang mga lumipas na araw na wala akong maramdaman ay nagsama-sama sa gabing ito. Ang lala.
"I'm sorry..."
BINABASA MO ANG
Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]
RomanceKurt, the son of a bar owner finds himself catching feelings with the youngest Montemayor, Rafael who he met at their bar.