Bar Boys 35

172 9 0
                                    

This will be long and make sure to read my notes below. Thank you. Enjoy.

Bar Boys 35

It's a sunny day today yet my mind is clouded. Clouded with every dumb things that I did last night. And it's why I'm on the road right now, driving back to the place I know my mind would be at ease. Sa probinsya ng Rizal. Sa amin. Sa Quest. Basta, I just want to get away from Manila and from Rafael.

Kahit na kakagising ko lang at masakit pa ang ulo from hangover, magmamaneho ako paalis dito. Hindi ko alam, at wala akong pakialam. Basta babalik ako sa Rizal to get some peace of mind.

Pero ano ulit ang sabi niya sa text niya? Pinahirapan ko siyang makatulog muli? Dahil lang tinawagan ko siya? Tsk, kasalanan ko bang hindi siya makatulog? I just called him because it was a dare. Sisihin niya si Emman. Tss...

Aish! Stop it, Kurt. Stop justifying your actions. Natutulog na ang tao at ginambala mo pa kagabi. Ugh.

You even had the audacity to conclude that Rafael didn't miss you at all and acted like a sad kid dahil lamang pinapatigil ka na sa inuman, at pinatutulog coz you were clearly drunk.

Fuck it. Why is my mind talking back against me? Psh.

Pero teka, ano pa nga ang nasa mensahe niya? Na-miss nya rin daw ako? Wews.

I pursed my lips as I tried to stifle a smile. Bakit ako natuwa doon? Tss.

Hindi ko na talaga alam kung nasisiraan na ako ng bait o ano? Only Rafael can make me go insane... and I don't think I hate it. Aish.

Still, I'm going back to Rizal.

Napailing na lang ako sa sarili upang matigil na sa pag-iisip. I just focused on driving kahit na nakakairita ang bagal ng daloy ng trapiko dito sa Manila. Dumagdag pa ang init ng panahon dahil tanghali na rin. Nakatodo tuloy ang aircon dito sa loob ng sasakyan.

Ngunit hindi rin naman nagtagal ay unti-unti nang bumibilis ang biyahe ko. Senyales na nalagpasan ko na ang syudad at ang traffic noon. Ang matatayog na mga establisyimento ay unti-unting nawala sa paningin ko. Napalitan iyon ng mga malalagong puno at naglalakihang bulubundukin ng Rizal.

Hindi ko napigilan na mapangiti sa pinaka-pamilyar na tanawin sa akin.

Dali-dali ay binaba ko ang bintana ng sasakyan na agad namang pinasukan ng presko at malamig na hanging dala ng probinsyang ito. The fresh wind immediately caress my faced. Malalim ang naging paglanghap ko doon kasabay ng paglapat ng pang-hapong araw sa mukha ko. I smiled wider.

God, I missed this!

It's been what? Ilang taon na ba? Pito? Walo? Hindi ko na alam. Basta, na-miss ko ang pakiramdam ng narito sa lugar na kinagisnan. Sa kung saan ako lumaki, nagka-isip, nagkaroon ng mga unang karanasan sa mundo... at marami pang iba. Surely no one can replace this place in my heart.

Hindi ko na itinaas pa ang salamin ng sasakyan at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Pinatay ko na rin ang nakatodong aircon dahil mas maganda ang simoy ng hangin mula sa labas. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko habang nagmamaneho. It's really so good to be back.

Lalo pang lumawak ang ngiti ko at lalong hindi mapigil ang pagkasabik nang matanaw sa hindi kalayuan ang isang pamilyar na establisyimento. Naroon pa rin ito, matayog na nakatayo sa tabing kalsada. Sa likod noon ay ang magandang tanawin ng mga bulubundukin.

I slowed down until I stopped in front of the Quest. 

Hindi na ako nag-atubili pa at agad bumaba mula sa sasakyan. My smile grew wider as I'm admiring the facade of the Quest. Para akong tanga dito na nakatayo lamang sa harapan ng Quest habang pinagmamasdan ang itsura nito. Dahil tanghali pa kaya't walang makikitang tao sa labas ng bar. Sarado pa rin ito kaya't tahimik. Napangiti ako lalo dahil hindi ako nagkamali sa kapayapaan ng lugar na ito.

Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon