Bar Boys 31

145 7 1
                                    

Bar Boys 31

It's sunday now. What happened last night kept me up super late that night.  Tanghali na ngayon at narito pa rin ako sa higaan, unti-unting nagsi-sink in sa akin ang bawat detalye ng sandaling oras kasama si Rafael.

My head tries to rummage every details of what happened last night. I didn't trust myself enough, lalo na't kapag nariyan si Rafael. Ang sarili ko'y bigla-bigla na lamang nawawala kapag nariyan siya. That's why I need this whole Sunday to patch things up, realize everything and prepare for what's about to come.

Ano bang nangyari kagabi?

Basta ang alam ko'y nasa Quest din si Rafael noong time na dumating kami ni Gideon doon. At ano ulit ang ginamit kong palusot noong nagtanong siya sa parking lot kung saan kami pupunta ng kaibigan? Sa business meeting? Pero sa isang bar niya ako matatagpuan? Galing mo, Kurt.

Pero pwede naman magmeeting sa Quest ah! Maingay lang konti pero pwede naman...

Well, he saw me with Anton. Iniisip niya kayang si Anton ang ka-meeting ko? Hindi siguro...

The teasing and sarcastic look on Rafael's face suddenly pops on my mind. Aish! Oo nga pala, he judged me already. Iniisip niya na talagang nagsinungaling ako. Na imbes sa trabaho ay sa night club ako naabutan.

Pero sige, nagsinungaling nga ako. Ano naman iyon sa kanya?

Hays, Kurt. You're overthinking again.

Bakit ko ba ipinagaalala pa ang mararamdaman ni Rafael? As if magkakaroon pa ng pagkakataon upang makapagpaliwanag ako sa kaniya. Aish!

From laying flat on my bed, unconciously, bahagya akong umangat at isinandal ang likuran sa headboard ng kama.

Now that I'm realizing about what happened last night, tama ba ang mga pinagsasabi ko?

Ipinagtabuyan ko lang naman siya...

But he was acting like a jerk. He was super insensitive. Tama lang ang inakto ko.

Mahigpit naman akong napapikit nang maalala ang parteng isinama ko sa usapan ang engagement niya noong lumipat siya dito sa Manila.

I just said those words kasi nga baka hindi niya na alam kung anong ginagawa niya. He's pestering me. Well it's not as if he's making a move on me... pero kahit na. Dapat itinutuon niya na lang ang atensyon niya sa papakasalan niya! Sinasayang niya lang ang oras niya sa pagdikit sa akin dahil wala naman nang namamagitan sa amin.

All I know is that he left me traumas to endure for the rest of my life. That's how I'm bruised. Hindi lang mga pasa kundi pati malalim na sugat.

Rest day ko ito dapat ay hindi ako ganitong nas-stress. Pero mas masstress naman ako kung hindi ko ito pag-iisipan. I need to think everything through, to plan everything considering that we will be seeing each other more often since he suddenly got business with my company.

Well sinabi ko naman na sa kaniya, thru text message, na 'wag na siyang lumapit sa akin... pero gaano ba ang ipinagbago ni Rafael upang sundin niya iyon? Hindi ko na alam.

The continous buzzing of my phone caught my attention. Nilingon ko iyon na nakapatong sa bedside table ko.

Napakunot ako ng noo nang sinilip ang sariling telepono. It's buzzing was continous so I thought it's a call but it was a text messages, pero mayroon ding mga missed calls. Marami iyon at mula sa karaniwang mga nagtetext sa akin. Oo nga pala, hindi ko na ginalaw ang cellphone ko pagkarating ko dito sa apartment ko. Nawala na lang talaga ako sa sarili.

From: Gideon

You're not answering your phone since last night. Are you okay?

Kurt, I talked to Montemayor but he didn't say a word. Anong nangyari sa inyo? Okay ka lang?

Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon