Bar Boys 28
Later that night, wala sa sarili kong kinita si Emman sa isang restaurant malapit sa Quest, BGC branch.
He noticed it immediately kaya't agad siyang nagtanong. Gusto ko muna iyong sarilinin ngunit dahil sa pagod at pagiging lutang, ikinwento ko na.
"Magalit ka! That jerk..." Agad na reaksyon mula sa kaibigan pagtapos ang pagkwento ko tungkol sa nangyari kanina. I looked at him silently. Hindi agad ako nakasagot and the silence on our table stretched.
"Alam kong wala naman siyang sinabing masama, ha, pero ang sabi mo, sa paraan ng pagsasalita niya ay napakayabang... e 'di siya na ang hotshot ngayon! Dapat ay hindi niya tinanggap ang ganoong kaliit na proyekto!" Nanggagailiti pang dagdag ni Emman.
The image of Rafael flashed in my mind. Ang seryoso at nababahiran ng galit niyang reaksyon noong nadatnan kami ni Gideon na naghahampasan sa hallway bago makapasok sa conference, ang tahimik niyang pagmamasid sa akin habang nagbibigay ng kopya ng plano para sa presentation, hanggang sa mapanuya at mayabang niyang mga ngisi habang inaalam kung kaninong ideya ang disenyong iyon.
The latter thought stirred the irritation inside me. How could he act that way earlier? He looked cocky and confident. Parang hindi alintana ang pang-iiwan sa akin noon... parang wala lang iyon para sa kaniya kung mang-trato kanina. Tsk.
Hindi ko na nga magawang magalit noon, pero dahil sa panunubok niya kanina ay baka ngayon ay magalit na ng tuluyan.
Now that I realized it. He's changed. So much! Not just physically, but also his attitude. Or maybe masyado lang akong bitter at unprofessional? Baka ganoon siya talaga kapag sa trabaho kasi trabaho iyon... heh! Kahit na!
Pero wala naman na akong magagawa doon. If he thinks that he's better that way, so be it. Wala naman akong ibang pakay sa kaniya kung hindi ang trabaho. I'll just try to hold out and be professional whenever he's around.
It's also a good thing. Makakatrabaho ko ang isa sa mga hotshot na engineer slash business tycoon. Dagdag sa experiences and credibility as an architect. This project better turn out great! Sinasabi ko lang talaga, Montemayor.
"Hayaan mo na. Wala naman na akong magagawa if that's how he turned out to be. May maipagmamayabang naman kasi," I answered na dahilan ng pag-amba ni Emman ng isang hampas sa akin, pero hindi naman tinuloy. Ngunit ang mata niya'y sapat na dahil sa sobrang talim no'n.
I just laughed and assured Emman na ako na ang bahala sa sarili. Hindi niya naman ako nilubayan ng tingin kaya ilang saglit pa ng paniniguro ko sa kaniya ay napilitan na siyang ibaling ang atensyon sa kinakain.
"Anyways, kumusta... uh.. kayo...?" Subok ko sa pagtatanong tungkol sa kanila ni Gideon.
Hindi ko pa rin alam ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. I have a hunch, pero sa akin na lang iyon. I'll just wait 'til one of them tell me.
Kahit nakakunot ang noo at bahagyang natigilan sa pagsubo ng piraso ng steak si Emman, alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Kahit hindi ko naman direktong tinukoy iyon.
He chewed on his steak bago tumikhim. His eyes darkened at tiim bagang na nginuya ang kinakain.
Nang mapansin ang awkwardness, I smiled and was about to change the topic when he answered.
"Ako, ayos lang ako," tikhim niya at inabala ang sarili sa pagpunas ng table napkin sa bibig. Akala ko tapos na siya pero nagpatuloy pa. "Wala naman nang kami, Kurt, it's just Him and I now..." dagdag niya, may diin sa pronoun na ginamit saka ako binalingan ng tingin. Tipid siyang ngumit at nagpatuloy sa pagkain. I just bit my lips at agad na nakuhang mali nga ang naitanong ko.
BINABASA MO ANG
Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]
RomanceKurt, the son of a bar owner finds himself catching feelings with the youngest Montemayor, Rafael who he met at their bar.