Bar Boys 6
"O e 'di ano na ang balak mo? Lalayuan mo na lang iyong tao dahil lang may feelings ka sa kanya?" Tanong ni Emman sa akin.
I didn't say anything, instead, I just nod. Ngunit hindi ko alam kung kakayanin ko ba.
Nandito kami ngayon sa bleachers sa harap ng soccer field. Tapos na kaming mag enroll. Sa architure kaming dalawa ni Emman dahil ayon talaga ang first choice namin.
"At iyong pagyakap niya sa 'yo kagabi. Hindi ba pwedeng yakapin ka lang niya dahil magkaibigan naman kayo, lasing siya at baka'y nahihilo lang? Masyado ka namang malisyoso para bigyang kahulugan ang mga ginawa ni Raf," he added.
I sighed.
"Hindi kasi ganoon... alam mo iyong... basta..." hindi ko masabi ang gusto kong sabihin dahil mismo ang sarili ko ay hindi ko maintindihan.
"Huh? Sana ayos ka lang, Kurt. Anyways, nakita kong siya ang naghatid sa 'yo dito sa school, ha? Nasan ang 'iiwasan na' doon?" Walang tigil na pagsasalita ni Emman na hindi ko masagot-sagot.
-Flashback-
Ilang segundong tumagal ang titigan namin ni Raf bago ko mapagdesisyonang kumalas at mabilis na nilampasan siya patungo sa labas ng Quest.
Wala naman akong narinig kay mama habang papaalis ako ngunit ang atensyon ng mga trabahador na mga nagsisipag-almusal na nadaraanan ko ay sa akin natutuon... or sa lalaking nakasunod sa likuran ko?
Kahit hindi ko lingunin si Raf ay ramdam ko ang mainit niyang presensya sa likuran ko.
Bakit ba siya nandito?
"Kurt, sandali." Tawag niya nang tuluyan kaming makalabas.
Ayaw ko siyang lingunin ngunit baka magtaka siya kung bakit hindi ko siya pinapansin. Wala naman siyang kasalanan in the first place. Ako lang talaga ang nagpasiyang iwasan siya.
I stopped. Slowly, I turned to his direction. And to my surprise, he is almost an inch away.
Tanging ang maskulado niyang dibdib na halos bakat sa kaniyang suot na shirt ang aking nakita kaya't out of reflex, I stepped backward.
Ngunit bago ako tuluyang makalayo, ang kaniyang malalaking kamay ay mabilis na humawak sa magkabilang balikat ko upang hindi ako tuluyang makalayo.
Agad akong napaangat ng tingin sa kaniya dahil doon. His thick brows raised at tila tinitimbang niya ang reaksyon ko gamit ang tingin niya.
He looks worried and scared. There is something with him that makes me feel things.
"Raf... a-ano... anong sadya mo?" I stammered so I looked away.
He didn't answer. We stayed that way for a moment. He, totally towering in front of me, is watching me through his deep set of eyes at hindi nagsasalita. While I, heart beating so fast, want us to stay like this. It feels good, to be honest. But the thought of pain as I indulge myself with him is what makes me sane.
I cleared my throat and break the silence.
"Male-late na ako sa usapan namin ni Emman, Raf." I said as I tried to remove his veiny arms from my shoulders ngunit hindi ito natanggal. Instead, he just gripped tighter, ngunit hindi ito masakit.
"I'm sorry..." he almost whispered using his baritone. It, once again, wakes up the butterflies in my stomach.
Pero bakit siya nagso-sorry?
Magtatanong na dapat ako ngunit agad din niyang dinagdagan ang sinabi, "I'm sorry if I made you upset last night. I know you're mad, I'm really sorry, Kurt."
BINABASA MO ANG
Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]
RomanceKurt, the son of a bar owner finds himself catching feelings with the youngest Montemayor, Rafael who he met at their bar.