Hindi ko na binasa, maguluhan sana kayo. Joke. Enjoy.
Bar Boys 25
The days pass by so quickly. Bukod sa pag-alis ni Raf at sa isang malaking kumpanya ang balak mag invest sa Quest, na agad din namang nag back out sa hindi malamang dahilan, ay wala nang ibang nangyaring kakaiba bago matapos ang taon.
I didn't even realize that christmas break already ended. Ibig sabihin ay balik eskwelahan na naman kami. Iniisip ko pa lang iyon ay agad na gumuguho ang mga dingding na pilit kong itinatayo upang huwag nang makaramdam pang muli. Upang pigilan ang sakit, ang lungkot, ang lahat ng emosyon na natitira sa 'kin. Iniisip ko pa lang na magbabalik eskwela na naman ay umaahon agad sa akin ang pagnanais na puntahan agad si Rafael sa departamento niya upang makita at yakapin.
Hindi ko man lamang magawang magalit o magtanim ng katiting na galit kay Rafael. Palagi kong isinisisi sa akin ang lahat. Dahil ganoon naman talaga. Wala akong maisip na pagkukulang ni Raf sa akin. He's been patience with me, palagi akong sinusuyo, sinusunod ang gusto, lahat na ng mabuting bagay ay sa kaniya napunta. Thinking about those things for the past days made me realize na siguro sa akin nga ang naging problema.
Sa totoo lang, para akong nasisiraan ng bait magmula noong umalis si Raf. Palagi kong isinisisi sa sarili ko kung bakit nakipag hiwalay siya ng walang iniiwan na konkretong dahilan. I've always been blaming myself thinking that I didn't love him enough that I wasn't able to show him or even make him feel that I really loved him that's why he left. Hindi niya yata naramdaman dahil baka wala nga akong ginawa para maiparamdam sa kaniyang mahal ko siya. Kaya't nagsawa na lang siya eventually kasi he realized that his love for me was powerful that I can't match the intensity of it.
He's fed up that's why he leave. Hindi niya sinabi ang rason niya kung bakit pero ngayon alam ko na. He made me realize that after he left. Pero bakit hindi namin pinag usapan? Baka may nagawa pa ako kung hinabaan niya pa ang pasensya niya sa akin ngunit naubos ko na ata siya that he chose to leave.
Gusto ko na lang humingi ng tawad kung talagang naubos ko nga siya.
It's been a month already since our last encounter but I can't help to miss him so much. Namimiss ko na ang yakap niya. Ang mahina niyang tawa sa tenga ko. Ang nakakakiliti niyang buhok sa legs na tumatama sa akin dahil magkayakap kaming nakahiga sa kama niya, o sa kama ko. Ang malalim ngunit mapanuyo niyang boses, ang nakatatakot ngunit expressive na mga mata. God, hindi ko ata kakayanin ito.
"Hindi ka sasabay?" Emman asked me when the class ended.
I just shook my head while I'm slowly putting my things in my bag.
"Mauna ka na, may pupuntahan pa ako," sagot ko sa kaniya. Hindi naman siya agad nagsalita. Hindi rin siya gumalaw sa kinatatayuan dahilan kaya't inangatan ko siya ng tingin.
With his furrowed brows and disappointed eyes, he said, "'wag mong sabihing pupuntahan mo na naman si Raf sa room nila? Kurt, matuto ka na sa nangyari noong mga nagdaang araw. Nagagalit na ang mga prof!"
Halos may pait at bahid ng inis ang boses ni Emman habang sinasabi iyon.
Mapait na lang akong napangiti sa kaniya at nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit.
Hindi ko naman siya masisisi na ganoon ang maging reaksyon niya dahil noong nabalitaan kong nakauwi na si Raf mula sa ibang bansa at nang nabalitaang nagbalik eskwela na siya ay agad akong pumunta sa departamento nila upang makipag-usap.
"Huy, napadpad ka rito? Sinong hanap mo?" Masiglang tanong ng ate ni Gideon nang makita niya ako sa labas ng building ng engineering dept.
I faked a smile at her and told her that I'm waiting for Rafael. She just told me that he was still talking to the prof dahil may ilang araw siyang hindi napasukan dahil hindi sila agad nakauwi mula sa ibang bansa. Elaine left after I thanked her for telling me.
BINABASA MO ANG
Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]
RomanceKurt, the son of a bar owner finds himself catching feelings with the youngest Montemayor, Rafael who he met at their bar.