Bar Boys 30
"Where are you going?" agap ni Raf nang magsimula akong maglakad paalis sa harap niya. Totally ignored what he just said earlier kahit sa loob ko ay talagang nabigla ako sa sinabi niya na nadatnan niya ako sa bar imbes na sa work meeting.
"Aren't you going back inside? Baka nagsisimula na ang meeting niyo," tawag niya ulit nang hindi ko siya pansinin.
This time ay inis ko siyang hinarap at naabutan siyang may multo ng ngisi sa mukha. Lalo akong nainis dahil mukhang ineenjoy niya ito.
Now he's using my goddamn words against me!
"Uuwi na ako. 'Wag mo 'kong sundan," walang gana kong sagot at muling tinalikuran siya.
At dahil wala nga akong sasakyang dala at hindi ko mahagilap ang kaibigan, tutungo ako ngayon sa kalsada upang maghanap ng taxi.
"Where's your car then? Bakit diyan ang daan mo? Magco-commute ka?" He asked but I just ignored him. Obvious naman!
Ang tunog ng kaniyang boses ay tama lamang upang malaman kong sumusunod siya sa akin. Sabi kong huwag sumunod eh!
"None of your business," I mimick what he said to Anton earlier while I rolled my eyes kahit hindi naman niya kita.
But anger stirred inside me when I heard him chuckle. Hindi ko alam kung bakit ako nairita sa bahagya niyang pagtawa. Is it because it sounded mocking yet... so sexy...? Aish, hindi naman ako nagpapatawa.
"Hi, Engineer..." some women greeted Rafael when we passed them by. Some greeted me too, I just nod at them. But they are more focused on the man that's following me. Wala naman akong pakialam...
Or mayroon?
Nang dahil wala akong narinig na pagbati mula kay Rafael, I curiously looked back to check what he's doing.
Agad ko rin iyong pinagsisihan dahil nang lingunin ko siya ay madilim lang siyang nakamasid sa akin. Bahagya pa siyang bumagal sa pagsunod sa akin noong lingunin ko siya. Ang mga nadaanang babae kanina'y mga naglalakad na papunta sa Quest.
So... he's really popular. Maski dito. Regular ba sya sa Quest? I didn't know that.
Saglit kong ibinalik ang masamang tingin sa seryosong si Raf bago ko ibalik ang atensyon sa daraanan. Wala naman na akong narinig sa kaniya. Maybe he stopped following me... or he was just silent? Eitherway I'm not going to look back again. Bahala siya kung susunod pa siya.
Tumigil naman ako sa paglalakad nang marating ang hintayan ng taxi. On a usual night, there are lots of taxis waiting here but tonight, it seems like the heaven and earth turned against me dahil wala ni isa ang nag-aabang ngayon!
"So you're really going home... alone," lazy drawl of the man beside me.
Hindi naman ako umimik at tahimik na lang na naghintay sa masasakyan. Ano bang akala niya nagjo-joke nung sinabi kong uuwi ako? Tss.
The presence of this huge guy beside me stirred some commotion on bypassers. Kahit hindi ko pansinin ay alam kong si Rafael ang pasimpleng pinag-uusapan ng mga taong dumadaan.
Sino ba namang hindi makakapansin sa kaniya? Here is a tall and muscular guy, wearing his white longsleeves polo that's tucked inside his gray straight cut slacks. Ang sleeves ng polo ay nakatiklop hanggang sa kanyang siko at ang unang dalawang butones ay hindi nakasara kaya't sumisilip ang dibdib nitong may maninipis na mga buhok.
Sino bang hindi makakapansin sa ganiyang ayos?
"Uy, may gwapo!"
"Kyah, naliligaw ka ata. Dito ka sa 'kin."
BINABASA MO ANG
Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]
RomansaKurt, the son of a bar owner finds himself catching feelings with the youngest Montemayor, Rafael who he met at their bar.