Bar Boys 29

154 9 4
                                    

Bar Boys 29

Hays.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko dahilan kaya't busangot na bumaling sa akin si Gideon. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pag-iisip.

Nandito ako ngayon sa sofa ng opisina niya habang naghihintay kung aaprubahan niya ba ang proposal na ginawa ng isa sa mga katrabaho ko.

I shifted on my seat, for the nth time dahil hindi ako mapakali. Kanina pa bumabagabag sa akin ang pagpapakita ni Rafael sa opisina kanina at ang halos epic fail kong palusot. Hindi ko nga alam kung pinaniwalaan niyang busy talaga ako dahil medyo dismayado siyang lumabas ng opisina. O baka nahalata niyang gumagawa lang ako ng excuse para hindi siya makausap kaya ganoon ang reaksyon niya.

Hays! Bakit ba ako nagui-guilty?

Sa sulok ng mga mata ko, napansin kong umayos sa pagkakaupo si Gideon pagkatapos isara ang isang folder na pinirmahan. Ang dalawang kamay ay pinagsalikop at ipinatong ang mga braso sa kaniyang lamesa. Kahit anong pilit kong huwag syang pansinin ay hindi ko magawa, dahil alam kong sa akin nakatuon ang tingin niya ngayon.

"He's managing the Quest...?" He started seriously which made me gulp. It seems like a question but to me it sounded more of a statement.

Kahit hindi niya tinukoy kung sino, alam ko na agad na si Emman ang tinutukoy niya. I knew that he found out, perhaps he wouldn't look grim and pissed earlier when I went here in his office.

Hindi pa ako nakakapag react ay nagsalita siyang muli.

"You didn't tell me--"

"He begged me not to tell you," mabilis kong agap sa paratang niya. Ngayon ay nakaharap na ako sa kaniya, pilit na sinasalubong ang matalim niyang tingin. Agad din akong umiwas ng tingin at agad na tumayo.

"Bakit?" He asked as his frustration leaked from his voice. His body flinched a bit but I didn't show any emotion. Instead, agad akong tumayo at lumapit sa lamesa niya. Saglit kong sinalubong ang matalim niyang tingin bago ko binaba ang tingin sa folder na napirmahan na sa lamesa.

"Hindi ko alam. Wala siyang sinabi," mabilis at halos walang emosyon kong sagot sa tanong niya.

It's true, though. Wala siyang sinabi.

Hindi naman siya sumagot kaya't kinuha ko ang pagkakataong iyon upang abutin ang folder na napirmahan niya na.

Handa na sana akong umalis at talikuran siya ngunit agad niyang nahuli ang palapulsuhan kong may hawak na folder. I looked at him, shocked by what he did. Siya rin ay tila nagulat sa ginawa. His sharp features suddenly turned softer, even his sudden grip on my wrist loosen. Naiilang din siyang umiwas ng tingin.

"Let's go there... later," halos pabulong ngunit mariin niyang sabi while glancing on his side.

Huh? Pupunta kami? Saan? Sa Quest?

Ngunit hindi pa napo-proseso ng utak ko ang sinabi ng kaibigan nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Gideon. Pareho kaming napabaling doon.

My eyes widened at the sight of two persons standing at the doorway.

It was the CEO and Rafael.

Great! Palagi na lang kami ni Gideon ang naaabutan!

At bakit ako apektado? Tsk!

Anyways, so he is still here... akala ko ay tuluyan nang umalis!

The CEO looked a bit shocked for a second but immediately smiled at us then he turned to Rafael to give him an assuring and warm smile as well. But Raf wasn't look shocked or doesn't even show any sign of any awkwardness. Ni hindi niya nga binaling ng tingin ang nakangiting tito ni Gideon.

Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon