Bar Boys 7
'Kurt, wala ako sa bahay. Pag umuwi ka, magpaluto ka kay Maria. Nagbilin na ako doon.'
Basa ko sa text message ni mama.
"Who is it from?" Tanong ni Raf na prenteng naghihintay sa akin.
Nakaparada na ang sasakyan niya sa loob ng kanilang hacienda ngunit hindi pa kami bumababa dahil ang sabi ko'y magbabasa lang ako ng text. Ayos lang naman daw sa kaniya maghintay.
"Si mama lang. Wala raw sa bahay," I answered while eyes are still fixed on my phone.
Raf didn't respond. I just saw him from the corner of my eyes checking his phone as well.
I also opened Emman's text message.
'Ano, may car sex ba kayo? Kwento ka sa monday. Pls use protection.'
Pagkabasa ng mensahe mula sa kaibigan ay agad kong inexit ang messaging app at mabilis nilock ang screen.
What the fuck, Emman?!
Napaayos pa ako ng upo dahil doon.
"You okay?" Raf asked na tila napansin ang saglit kong pagpapanic.
I looked at him. He looks attentive. Kunot ang noo at naga-alalang nakatingin na sa akin.
"A-ah... hindi... wala 'to," I answered while faking a laugh. "B-biniro lang ako ni Emman," I added.
"But you looked tense and you're... sweating..." he said carefully.
Talaga?
I checked myself. I pat my face and yes I am sweating. I even saw how flushed how I am. Namumula nga ang mukha ko.
Bwisit na Emman kasi eh. Kung anu-anong pinagsasabi.
"Uh... ano kasi... naiinitan na ako... tara na sa loob?" I lied to divert the topic.
He just nod and watched me unbuckled my seatbelt. Hinintay niya pa akong buksan ang pintuan ko bago niya buksan ang sa kanya.
Nang makalabas ay sinalubong niya ako at sumabay sa akin sa paglalakad. Nilingon ko siya saglit sa gilid ko at binigyan pa ako ng maliit na ngiti nang magtama ang tingin namin.
Hindi pa rin talaga ako masanay-sanay kung gaano siya katangkad. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin ngunit bakit sobra naman yung height difference?
"Was it really hot? Nakatodo naman ang aircon ah," He mumbled. "Guess I'll have to get it fixed," he added.
"Naku, hindi Raf. Ayos naman iyong aircon, a-ako lang talaga iyong mainitin," I said para mapanatag siya. Dahil baka ay ipaayos niya nga ang aircon niya kahit wala naman talagang problema doon.
"Alright..." he just said and remained silent.
We entered their mansion. As usual, napaka tahimik ng paligid. We just walk silently.
"Sa kwarto muna tayo, Kurt. I'll just get changed."
Huh? Ang bilis naman niya... joke.
"H-hindi na. Hihintayin na lang kita sa kusina," I stammered due to panic.
Bakit ba kasi ako nagpapanic? Aish.
He stopped walking. Nilingon ko siya at naabutang bahagyang nakabuka ang bibig habang ang mga kilay ay nakataas.
I tilted my head to say 'what?' non-verbally.
He just shook his head and sighed.
"Alright. Wait for me there," he said looking defeated.
BINABASA MO ANG
Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]
RomanceKurt, the son of a bar owner finds himself catching feelings with the youngest Montemayor, Rafael who he met at their bar.