Bar Boys 23

186 4 0
                                    

Bar Boys 23

I was just sulking while eating, totally lost my appetite.

Paano ba naman, ikine-kwento ni mama ngayon iyong mga nakakahiyang ginawa ko noong bata sa harap ni Raf.

Naiintindihan ko naman na hindi ko dapat ikahiya iyon dahil musmos pa naman ako noon pero kasi bakit pa kinekwento kay Raf?

I rolled my eyes as I continued finishing my meal. I can't really understand why mama has to brought those memories up. May bagong ipanunukso na naman sa akin si Raf. Aish!

It's Christmas eve already. Maraming nakahanda sa mesa ngayon ngunit hindi ganoon karami dahil kaming tatlo lang naman ang magcecelebrate. Maraming masasayang kung enggrande ang ihahanda.

Nilingon ko si Rafael. Tila napansin niya naman ako kaya't nilingon niya ako pabalik. Bakas pa sa mukha niya ang ngiti mula sa pagtawa sa kwento ni mama.

My heart beats faster when he smiled at me. Kasabay noon ang pagdapo ng kamay niya sa hita ko.

"You okay?" He whispered.

Mukha ba? Ikaw kaya sa posisyon ko. Ikwento ng nanay mo kung gaano ka ka-tanga noong bata ka sa harap ng boyfriend mo. Magiging okay ka ba?

But yeah, that's all in the past. Nakakahiya man, pero parte pa rin ng nakaraan ko iyon.

"Yup. Kain ka na," I said.

Nginitian niya naman ako pabalik at nagpatuloy na sa pagkain at pakikinig kay mama.

Rafael looked really gorgeous today tho. His hair is brushed sideways na lalong nagdepina sa kaniyang noo. He looked fresh in his semi-formal dark blue dress polo that's tucked in his black straight cut slacks. Gwapo.

"Merry Christmas, ma! Regalo namin ni Raf para sa 'yo," I greeted mama as I hand her the gift-wrapped dress that we bought.

Tapos na kaming kumain. Nandito na kami ngayon sa sala upang magbigayan ng regalo.

"Salamat, 'nak!" She gladly accepted it. Pinanuod naman namin ni Raf kung paano buksan ni mama iyong regalong iyon.

Naramdaman ko naman ang pag-akbay sa akin ni Rafael kaya't nilingon ko siya sa tabi ko. He's not looking at me tho. He's just watching how happy mom is with the dress.

Hindi ko rin mapigilang mapangiti dahil ang sarap sa pakiramdam na ganito kami ngayon; mom is in front of us while Rafael is standing beside me as we spend the Christmas together.

Sana'y hindi na mag wakas.

"Hey," tawag sa akin ni Raf na kapapasok lang galing sa labas ng kwarto ko. He's holding wine glasses and a wine bottle. Galing siyang kusina.

I smiled at him as he walked towards me, on my bed.

Nandito na kami ngayon sa kwarto ko. Malalim na ang gabi. Wala na si mama pagtapos ng exchange gifts dahil tumungo siya sa Quest upang tumulong doon. Marami raw kasing tao ngayon kaya nasasayangan siyang hindi mag operate ng business.

Raf fluidly put the bottle of wine and the glasses on the bed-side table bago siya tumabi sa akin.

"Anong movie ang papanuorin natin?" I asked as I felt his arms trailed behind me. I immediately moved para mayakap niya ako. Agad naman akong sumandal sa dibdib niya habang nakayakap siya sa akin.

"Hmm... up to you," he lazily answered as I felt him sniffed my hair bago ko naramdaman na pinatong niya ang pisngi niya sa ulo ko.

Napa-angat naman agad ang tingin ko sa kaniya dahil sa sagot. He just lazily pulled away para magkatinginan kami. He looked at me with his brows raising while his lips are pursed habang ako'y masama ang tingin.

Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon