Bar Boys 32
Ang buong oras naming dalawa ni Rafael sa loob ng elevator ay naging tahimik. Walang ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Diretso lamang ang tingin ko sa aking repleksyon sa pintuan ng elevator, at kahit hindi ko lingunin ang katabi ay alam kong sumusulyap-sulyap ito sa akin.
He even initiated to push the right floor kung saan kami tutungo. Pagtapos noon ay ang muling pagsilip niya sa akin na tila inaalam kung ano ang reaksyon ko. Wala naman akong reaksyon. Hindi ko rin siya binalingan at diretso pa rin ang titig sa harapan.
Nauna naman akong maglakad palabas nang bumukas ang elevator. Rafael remained silently following me.
Ano ko ba siya dito, body guard? Argh.
Everyone in the supermarket immediately turned their eyes on us when we entered. Sa totoo lang ay sa kay Rafael talaga nakatuon ang mga iyon. At dahil patuloy akong sinusundan ng nasa likuran ko ay pati ako nadadamay sa pagchichismisan ng mga tao. Hindi ko na lang pinagtuonan pa ng pansin.
Agad na lang akong lumapit sa kung nasaan nakalagay ang mga shopping cart upang kumuha ng isa. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakalalapit ay nauna na roon si Raf at walang hirap na humatak ng isa.
I stopped on walking at pinanuod lamang siya sa seryosong pagtulak ng isang malaking shopping cart palapit sa akin. The hugeness of Rafael made the big cart look smaller. That alone made me feel something inside me. Dumagdag pa na ang suot niya lamang ay isang dark-brown loose shirt na magulong nakatuck-in sa itim niyang straight-cut na slacks. Ngayon ko lang din napansin ang itim na leather niyang tsinelas, revealing his clean feet. He looked really classy without even trying. Kahit noon pa man ay ganito na ang dating niya... aish, nevermind.
"Do you have a list of what we're going to buy?"
Natigilan ako sa pagpupuri sa kung gaano siya kaayos tignan nang magsimula siyang magsalita sa harapan ko.
Inangat ko ang tingin sa kaniya dahil sa lapit niya sa akin. Seryoso at mukhang suplado lang siyang nakatingin sa akin. I stepped back a bit at bahagyang umiling.
"Wala... kabisado ko naman ang mga kulang doon," I answered without looking at him.
Hindi ko alam but I suddenly can't look at him.
"Okay... where should we go first," he asked in his low growl.
Hindi ko siya sinagot at luminga-linga na lang sa paligid upang tignan kung ano ang pinakamalapit sa amin.
Nagsimula naman akong maglakad patungo sa mga gulay ng makita ang mga iyon.
Nilagpasan ko si Rafael na tahimik na nakapatong ang dalawang siko sa hawakan ng cart. Agad naman siyang umayos sa pagkakatayo nang malagpasan ko siya at sumunod na sa akin.
I suddenly got conscious when I realized how much attention people are giving us. May ilang busy talaga sa pamimili ng groceries ngunit mayroon namang walang pakundangan kung maglaway kay Rafael. Tsk. Can't they show a little bit of decency? 'Wag naman sanang ipahalatang naglalaway sila sa kasama ko. Kairita.
Bakit pa kasi sumama ito dito. Tsk.
Agad naman akong nawala sa mood. Walang gana tuloy akong nagtitingin-tingin na lang ng mga stock ng gulay na pwedeng bilihin at iuwi. Agad din naman akong nakakuha ng mga gulay. Ilalagay ko na sana iyon sa cart na dala nang mapagtantong na kay Raf pala ang lalagyan.
I turned around to see where Raf is and found him just directly behind me. Nakahanay rin siya sa likuran ko at busy sa pagtitingin rin ng ibang mga gulay. Ang malalaking braso ay tamad na nakapirme sa hawakan ng cart. I slightly smiled at the sight of him.
BINABASA MO ANG
Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]
RomanceKurt, the son of a bar owner finds himself catching feelings with the youngest Montemayor, Rafael who he met at their bar.