Chapter 4

638 16 3
                                    

BAR BOYS 4

Tahimik lang ang naging biyahe namin pabalik sa Quest. I don't know what to feel dahil sa inaasta ni Raf ngayon.

Why is he like this?

He is straight. Alam ko iyon, wala akong doubt doon. I've seen a lot of girls na dinadala niya sa Quest. Saksi ako sa mga past relationships niya kasama ang iba't-ibang babae. Hindi iyon mga nagtatagal sa hindi malamang dahilan. Pero him, acting this way towards me makes my hopes high. Well, I can't entertain it kasi for sure, wala lang ito para sa kanya. He was just being nice and such. Wala nang ibang meaning iyon.

Kung iisipin ay si Raf ang ideal boyfriend ng lahat. Sobrang jowa material talaga. He is caring, over-protective, sweet, mature, o kung kahit ano pang adjectives ay maihahambing mo sa kanya.

I know him for a very long time na pabalik-balik sya Quest. Dahil din crush ko sya noon pa ay gumagawa talaga ako ng paraan para ako ang mag serve ng mga orders nya. And in that way, naging close kami. He offered me friendship, which I wasn't expected since mukha syang hindi pala-kaibigan. Pero sino ba naman ako para tanggihan. And then that's when my feelings for him got deeper.

Sobrang aloof nya sa mga tao. May pangilan-ngilan syang kaibigan pero alam mong tahimik pa rin sya kahit sobrang nagkakasiyahan na.

"We're here."

Halos maalimpungatan ako mula sa malalim na pag-iisip dahil sa malamyos na baritono ni Rafael sa gilid ko.

Nilingon ko sya at nadatnang nakatitig na pala sya pwesto ko. Naaktuhan ko pa syang nilalaro ang kanyang labi gamit ang kanyang daliri. Sakto pa ang tama ng sinag ng araw sa mukha nya kaya lalong makapigil hininga ang kagwapuhan niya ngayon. No. No. Erase, erase!

Umiling ako mentally dahil sa naiisip.

"A-ano ulit?" I stammered.

Napaayos sya ng upo dahil sa tinanong ko pero patuloy pa rin na nakaharap ang katawan nya sa direksyon ko habang ang kanyang siko ay nakapatong sa manibela ng sasakyan.

Halos pigil ang hininga ko sa posisyon nya. Para bang wala akong kawala sa oras na halikan niya ak-- ay ano ba 'tong naiisip ko.

"Ang sabi ko, nandito na tayo sa inyo." Pag-uulit niya.

Mabilis akong napalinga sa paligid at natanaw ang Quest sa likuran ni Rafael.

"Hala oo nga, s-sige na. Salamat, Raf." Taranta kong sabi habang nangangatog na binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Wait, Kurt." Pigil ni Rafael sa 'kin nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto kaya natigilan ako dahil doon. Hindi ko pa naibaba ang paa ko sa labas ay mabilis ko syang nilingon.

Halos manlaki ang mata ko nang mabagal syang pumu-forward papunta sa pwesto ko.

Sandale... hahalikan ba nya ako?

Patuloy pa rin siya sa pag-lean forward sa akin. Mariin kong pinikit ang mata ko dahil onti na lang ay maglalapit na ang mga balat namin.

I can smell his manly scent from where I am now. Sobrang lapit ng amoy sa akin. I even felt his broad chest bumped on my left shoulder.

Sandaling nagtagal ang paglapat ng dibdib nya sa balikat ko at madali ko ring naramdaman ang paglayo nito sa balat ko.

"Done." He whispered.

Ano raw? Anong done, eh hindi ko nga naramdaman iyong labi nya sa labi ko?

"Kurt..." he whispered again. Him, calling me by my name is what I'm living for.

Mabagal kong iminulat ang kaliwa kong mata at nadatnang nakakunot ang noo ni Rafael sa reaksyon ko. Hanggang sa tuluyan nang bumukas ang dalawa kong mata. Rafael is just there, looking at me, like I'm some kind of weirdo for my reaction a while ago.

Bar Boys - M2M Story [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon