M I X
Agad akong binalot sa yakap ni Earth para maibsan ang lamig. Ito ang unang salubong namin ng pasko. Kaming dalawa lang at bukas naman ng umaga ay kasama ang mga kaibigan niya at mga kaibigan ko. Karga karga ko rin si Chewy, ang napulot naming tuta noon na ngayon ay anim na buwan na.
“Merry Christmas.” bati niya at naramdaman ko agad ang pagdampi ng labi niya sa sintido ko, pinatakan niya rin ng halik si Chewt sa ulo nito.
“Merry Christmas!” bati ko rin at bahagyang humarap sa kanya at patakan siya ng halik sa labi kaya nilapit ko rin si Chewy sa kanya.
“Merry Christmas daddy!” biro ko at agad siyang dinilaan ni Chewy.
Nanatili kami saglit sa ganung posisyon habang nakatanaw sa labas.
“Let’s eat.” saad niya matapos ang ilang sandali.
Nakaayos na ang pagkain namin pati na rin ang pagkain ni Chewy kaya nilapag ko na siya at naupo na kami.
Kumuha pa kaming tatlo ng picture na agad pinost ni Earth sa instagram account niya dahil marami na raw ang naghihintay. Ngayon, mas gusto nilang makita si Chewy kaysa kay Earth.
Nagpost rin ako ng picture naming tatlo sa account ko. Kapag may okasyon at may picture kaming tatlo ay doon lang ako nagpopost at pagtapos ay hahayaan kong nakatengga ng ilang buwan ulit bago makapagpost.
Naging abala rin si Earth nitong nakaraang buwan dahil sa rami ng trabaho at talaga namang bumuhos ang endorsement niya. Napag-usapan na rin namin ang trabaho. Magtatrabaho ako sa firm ni Tay, kasama sina Nammon at Sammy. Si Earth naman ay mananatili sa industriyang kinagagalawan niya.
Hindi niya pa naiisipang umalis at magtrabaho na lang din sa isang kompanya. Masaya naman daw siya sa ginagawa.
Sinayaw niya rin ako matapos naming kumuha ng ilang picture. Tawang tawa pa siya dahil parehong kaliwa ang paa ko’t lagi kong natatapakan ang paa niya kaya binuhat niya na lang ako at inihiga na sa kama.
“Let’s sleep.” mahinang sambit niya pero namumungay ang mga matang nakatingin sa labi ko kaya napangisi na lang ako at inilapit ang mukha sa kanya.
“Uhuh.” pinatakan ko siya ng halik at ang patak ay nauwi sa mararahan at agresibong halik niya.
Hindi ko na marinig pa ang tahol ni Chewy dahil sa ingay na ginawa naming pareho ni Earth.
“Goodmorning.” bati ni Earth ng idilat ko ang mata.
Mukhang kanina pa siya gising kaya naupo na ako at agad na sumimangot sa kanya. Alas dyes na ng umaga at kailangan na naming mag-ayos dahil pupunta pa kami sa bahay nila New para maglunch.
Pinauna niya na ako maligo at pagtapos ay siya naman. Dumiretso na kami sa bahay nila New pagtapos. Dala dala ko rin si Chewy para makapaglaro sila ng alaga ding aso nila New.
Nandoon na silang lahat at kami na lang ang hinihintay.
“Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit kayo late.” sambit ni Singto at nanatili ang tingin sa leeg ko kaya pinagsalubong ko ang kilay ko sa kanya at kinuha ang phone at binuksan ang camera para makita ang tinutukoy ni Singto.
Agad akong niyakap ni Earth habang natatawa. Pinalo ko agad siya ng makita ang hickey sa leeg ko. Nagtawanan tuloy silang lahat.
“Merry Christmas!” sigaw ni Mint at tinawa ko na lang ang kahihiyan.
Pagtapos kumain ay may mga palaro rin sila at hindi naman mawawala ang inuman. Hindi rin naman uminom ng marami si Earth dahil kailangan pa namin pumunta sa bahay ng father niya.
Grabe ang kabog ng puso ko dahil makikita ko ang stepmother niya. Mukhang okay naman si Earth.
Pagbaba palang namin ng sasakyan ay sinalubong na kami ni Ohm para kunin si Chewy.
Pagpasok ay nakita ko na ang father at stepmom ni Earth. Hindi ko magawang ngumiti kahit na nakangiti ang tatay niya sa akin. Mariin lang ang tingin sa akin ng stepmother niya at ng tuluyan kaming makalapit ay doon lang siya ngumiti.
“Merry Christmas po.” bati ko.
“Merry Christmas din hijo, maupo na kayo.” sambit ng father ni Earth.
“Merry Christmas.” bati ng stepmother niya sa amin at tipid na ngumiti.
Humalik pa si Earth si daddy niya bago ako inalalayan makaupo. Kumain kami ng tahimik.
Pumayag ako sa imbitasyong ‘to kahit ayaw ni Earth dahil alam niyang nandito ang stepmother niya. Ngayon lang daw siya ulit pumunta rito simula nung umalis siya.
Nito ko lang nalaman ang nangyari sa pamilya niya. Umalis si Ohm at piniling mag-aral sa ibang bansa dahil hindi na rin niya kinaya ang mommy niya. Nakikipaghiwalay na rin noon ang father niya sa stepmother niya para matapos na ang kalupitan nito sa mga anak pero hindi natuloy dahil nangako ito na hindi na mangingialam pa sa mga desisyon nilang magkapatid. Hindi pa rin naman sila nag-uusap ni Earth at ayaw na rin niya. Ayos na raw siya sa lagay nila.
Nanatili pa kami ng ilang oras dahil gustong makipag-inuman pa ng father niya. Nanatili lang ako sa tabi ni Earth habang umiinom silang tatlo. Maaga ring umakyat ang stepmother niya sa kwarto.
“Mag-ingat sa byahe.” paalam ng ama niya ng ihatid kami sa sasakyan habang si Ohm naman ay ayaw pang bitawan Chewy.
“Ohm!” suway ni Earth at kinuha na si Chewy. Nagpaalam na rin ako at nauna ng pumasok sa sasakyan dahil ako magda-drive pauwi. Tinuruan naman ako ni Earth magdrive at tuwang tuwa siya dahil sa wakas may natutunan daw ako sa kanya.
Nang makauwi kami ay binagsak na agad ni Earth ang katawan sa kama. Lumapit ako sa kanya at hinubad ang sapatos na suot. Nagulat pa ako ng ilahin niya ako kaya pati ako ay napahiga. Amoy na amoy ko rin ang alak dahil sa lapit ng labi niya sa mukha ko.
“Mix.” pagtawag niya sa akin kahit pikit na ang mata.
“Hmm.”
“Thank you.” bulong niya at mas hinapit pa ako.
“Para saan?”
“Because you let me..” nakangiting sambit niya.
“Let you?” taka kong sambit.
“You let me love you.” sagot niya at dinilat ang mata kaya nagkatitigan kami muli siyang ngumiti.
“Thank you for letting me. Thank you for giving me another chance in your life to love you. This is one of my long-cherished dreams because I know, there is no hope for it to come true but my prayer seems to have been heard because now I really hug you, you really are mine and you really love me too. I love you and I will choose to love you every day.”
Iyak ang naging tugon ko sa mga narinig kong sinabi niya. Palagi niyang sinasabi sa akin na mahal niya ako, walang araw na hindi niya nakakaligtaan na ipaalala sa akin.
“Mahal din kita at hindi ako magsasawang piliin ka.” sambit ko sa gitna ng pag-iyak.
Niyakap niya lang ako ng mahigpit nung gabing yun.
Hindi ako magsasawang mahalin ka at piliin ka sa araw-araw, Earth.
Thank you for choosing to wait for me over the years even though there is no certainty and to love me despite what I have done for you and still accepted me even though I pushed you away a few times before. Thank you because you still loved me and now I will let you love me the way you want it and I will love you the way I can.
Pinatakan ko si Earth ng halik sa noo kagaya ng palagi niyang ginagawa sa akin.
“Good night, Earth.”
“Good night, Mix.”
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [EarthMix Fanfic]
FanfictionHave you ever been hurt by someone? Have you ever been heartbroken to someone you've never been dated? Have you ever been in love with someone you can't have? Have you ever force someone to love you back? Have you ever repeatedly beg for love? Is...