Chapter Thirteen

108 5 4
                                    

M I X

Nagising ako sa sunod sunod na katok at halos madapa pa ako sa pagkahilo dahil sa biglaang pagtayo.

Napalayo ako dahil sa tapang ng amoy na pinaghalong alak at sigarilyo. Tipid na ngumiti sa akin si Earth.

“I’m sorry Mix.” marahang sambit niya at niyakap ako.

Nanatili kaming nakatayo duon sa ganung sitwasyon. Mahigpit siyang nakayakap sa akin habang ang mukha ay nakasiksik sa leeg ko.

Wala rin naman akong ideya kung bakit siya nagsosorry sa akin.

“Anong problema?” tanong ko.

Magkasama lang kami kanina at ngayong nandito siya sa ganitong sitwasyon sa kabila ng nakakapagod naming byahe kanina ay hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Hindi naman siya nagsalita at nanatiling nakayakap sa akin. Matagal bago siya humiwalay at ng magkatinginan kami ay sobrang pungay na ng mata niya.

“Pasensya na sa abala. Uuwi na ako. Pumasok ka na.”

“Makakauwi ka pa ba sa lagay mong yan? Dito ka na magpalipas ng gabi.” saad ko at tinalikuran na siya.

Nagsalin naman ako ng tubig para mapainom sa kanya. Naupo naman at sinubsob ang mukha sa lamesa. Nilapag ko sa harap niya yung baso at kinuha yung pinamili kanina.

Kinuha ko yung shirt na binili ko at kumuha ng short para makapagpalit na muna siya.

“Earth.”

Nag angat agad siya ng tingin sa akin at tila nagulat pa sa pagtawag ko. Sinenyasan niya ako na lumapit kaya kahit kunot ang noo ay lumapit ako sa kanya.

Gulat pa ako ng hatakin niya ang kamay ko at yakapin ako ng mahigpit sa bewang.

“Ngayon ko lang narinig na tinawag mo ako sa pangalan ko.” natatawang sambit niya at sinubsob ang mukha sa tyan ko.

Umiling na lang ako sa pinagsasabi niya at inabot ang baso para painumin siya.

“Uminom ka muna ng tubig.”

Ako pa talaga ang nagpainom sa kanya at pagtapos ay sinubsob na naman niya ang mukha niya sa tyan ko.

Naririnig ko na rin ang mahina niyang hilik kaya kinurot ko na siya sa pisngi niya.

“Magpalit ka na muna ng damit para makatulog ka na ng maayos.”

Wala namang nakakatawa pero tumatawa siyang tumayo at inabot ang damit na hawak ko. Kumuha na rin ako ng extra toothbrush para sa kanya dahil amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo sa bibig niya.

Pumasok na siya sa banyo kaya naglabas pa ako ng unan at kumot para sa sofa na lang ako matutulog at siya na sa kama. Mukha namang hindi siya sanay matulog sa sofa o sa lapag baka sumakit pa katawan niya. Hindi rin naman kami kasya sa kama.

Nakashort lang siyang lumabas sa banyo at medyo basa pa ang buhok. Nakasampay sa balikat niya ang t-shirt na binigay ko.

“Itabi mo na lang ‘to, hindi ako nagdadamit sa pagtulog.”

“Binili ko yan para sa’yo kaya ikaw ang magtabi. Dyan ka na sa kama dito na ako sa sofa. Goodnight” saad ko at nahiga na rin.

Pinikit ko na ang mga mata at narinig ko pa ang mga yapak niyang palapit sa akin kaya halos humiwalay ang kaluluwa ko sa gulat ng buhatin niya ako at nilapag sa kama.

“What the hell!” bulyaw ko pero tinawanan niya lang.

“Ako na sa sofa dyan ka sa kama.”

“Bisita kita kaya nakakahiya namang patulugin kita dyan sa maliit na sofa.”

Let Me Love You [EarthMix Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon