M I X
Marahan akong tumawa bago inabot ang dalawang bulaklak at inaya siyang pumasok sa loob. Pagpasok ay kinuha ko ang plorerang nakatago at nilagay sa maliit na lamesang katabi ng kama. Nakangiti kong nilagay ang dalawang bulaklak at binalingan ng tingin si Earth na kabababa lang ng cellphone niya.
Tipid siyang ngumiti sa akin at marahang lumapit pero tumigil din ng malapit na ang distansya namin. Kagat kagat pa niya ang labi na tila pinipigilan ang sariling ngumiti.
“May nakita akong malapit na kainan at mukhang kabubukas lang. Kain tayo?” saad niya kaya tumango ako bilang pagsangayon. Nilapag lang namin ang mga gamit bago tumalak paalis sa sinasabi niyang kainan.
Napakamot siya sa batok ng lingunin ko siya habang nakakrus ang mga braso at nakasimangot na. Isang oras na kaming nakapila sa rami ng gustong kumain. Malapit naman na kami pero nananakit na ang mga binti ko.
Tumawa lang siya at pinisil ang pisngi ko.
“Konti na lang tayo na.” saad niya kaya natigilan at nagkatitigan pa kami ng matanto pareho ang sinabi niya. Naipaglapat niya ang labi at nagbigay ng alanganing ngiti sa akin kaya marahan akong tumalikod.
Hindi ko naman kailangan lagyan ng ibang kahulugan siguro ang sinabi niya.
Naghintay pa kami ng kaonti bago nakapasok at nakakain. Unli chicken wings kaya naman tinatawanan ako ni Earth ng mabusog agad ako habang siya umorder pa ng ibang flavor.
Nang matapos siya ay inabot niya ang phone niya dun sa isang crew at kinuhanan kami ng picture.
“Remembrance.” nakangiting sambit niya habang nakatingin sa cellphone niya.
Nagpahinga lang kami sandali at naglakad na rin pauwi. May nadaanan pa kaming convenience store kaya bumili pa siya ng ice cream para sa aming dalawa at kinain habang pauwi.
Pagpasok ay naligo na muna ako para makatulog na rin. Pagtapos ko ay siya naman ang sumunod. Nagpatuyo lang ako ng buhok at nahiga na rin. Kinuha ko ang phone ko ng tumunog ito at nakita ang text ni Mint.
Mint:
Ang daya hindi niyo ko sinama!
Me:
Saan?
Mint:
Sa kinainan niyo :(
Paano naman niya nalaman?
Me:
Sabihin ko sa kanya kain tayong tatlo next time :))
Paano mo nalaman?
Mint:
Nagtatampo ako hmp.
Instagram.
Anyway, goodnight :* see you tomorrow.
Me:
Goodnight. See you tomorrow.
Binalingan ko ng tingin si Earth na kakatapos lang maligo at nagpupunas ng buhok habang nakabalandra ang katawan. Umupo siya sa sofa at humarap agad sa laptop niya.
Ngumuso na lang ako at naisipang gumawa ng account sa Instagram.
“May instagram ka?” tanong ko kahit alam kong mayroon siya. Napabaling agad siya sa akin.
“Mayroon. Gumawa ka?” tanong niya at agad na lumapit sa akin habang dala ang laptop niya. Tumango naman ako at pinakita sa kanya.
Tinipa niya ang pangalan niya at pinindot ang follow button at nagfollow back naman agad siya. Bumalik ulit siya sa sofa pagtapos.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You [EarthMix Fanfic]
FanfictionHave you ever been hurt by someone? Have you ever been heartbroken to someone you've never been dated? Have you ever been in love with someone you can't have? Have you ever force someone to love you back? Have you ever repeatedly beg for love? Is...